Natatandaan ko pa nun kung paano ako pinilit ng isang tao na gumawa ng blog. Hindi lang pala pinilit kundi sya mismo ang nag sign up ng blog ko dahil alam nyang napakatamad ko. Nasa Wordpress.com pa ako nun dati at wala pang sariling host. Bihira lang din akong mag update ng mga panahon na yun. Tapos bigla ko na lang naisipan na bumili ng sariling domain name at magself host ng blog ko. Halos sabay sabay na din nun dumating yung mga kwento, kalokohan, kaseryosohan, kagaguhan, at kung ano ano pang kaanuhan sa buhay ko. Mula nun nagtuloy tuloy na kaya naman . . . . .

At syempre dahil trip ko, kailangan ng konteng pang uuto.. este pakulo pala. Sa mga nagmamahal saken, pahingi naman ng fan signs that greeting the 1st year anniversary of kirksydney.com. Kung hindi mo alam kung ano ang fan sign, katulad lang yun ng picture sa taas. Pakisend na lang sa email address ko: bardok14@yahoo.com o kung gusto mo naman, post mo na lang as a reply yung link dito. Until next week, April 11th ang deadline kasi gagawa pa ko ng next entry with all the fan signs and personal comments sa mga taong magbibigay. Pramis hindi na ko tatamarin para makabawi naman kahit papano sa araw araw na pagbisita at pagbasa mo dito sa bahay ko. Kampai!!!
Current mood: Trip kausapin ang hinde naman talaga nakakausap.

Tang ina nyong mga bots at spammers kayo, tantanan nyo blog ko! Sa araw araw na pagclick ko ng Dashboard ko dito eh mga comments nyong tungkol sa viagra, penis enlargement, sex satisfaction methods, at kung ano ano pang kalaswaan ang nababasa ko. At isa pa, di hamak na dagdag kayo sa disk at bandwidth usage ng blog ko kaya tang ina nyo, huwag na kayong babalik!
Alam kong Akismet lang katapat nyo pero tinatamad pa kong mag install dahil tinatamad din akong hanapin ang API key ko.. kung anuman yun.
Netong Sabado lang, pumunta ako sa Novaliches para umattend ng birthday ng anak ng pinsan ko. Normal na inuman, kantyawan, kwentuhan.. pero hindi ko alam na nung araw din pala na yun eh may matatanggap akong balita na pwedeng makapagpabago ng buhay ko. Dumaan na din ako sa Fairview, kung saan naman ako talagang nakatira dahil halos 30-minute drive lang yun from Novaliches. Nakausap ko ang ermat kong ilang bwan ko ring hindi nakita pero wala akong lakas ng loob sa kanyang sabihin kaagad.
Habang pauwi, napakaraming bagay at tao ang tumatakbo sa utak ko. Paano kung hindi naman pala totoo? Pero anong gagawin ko kung sakaling totoo nga? Naguguluhan ako. Maghapon at magdamag akong nag isip. Hindi ko alam ang gagawin ko pero mas pinili ko ang manahimik. Wala akong ibang taong planong kausapin kundi sya lamang dahil sigurado akong mapapagaan nya ang lahat ng nararamdaman ko. Pero kasabay nun eh nagdadalawang isip pa rin ako. Paano kapag sinabi ko sa kanya eh yun na ang katapusan namin? Paano kung talikuran nya ko ng dahil sa nangyari? May tiwala ako na hindi nya ko bibitawan pero paano kung yun na ang hinihingi ng sitwasyon? Putang ina hindi ko na talaga alam, ayokong mawala sya sa akin!
Bukas na bukas nga, kailangan ko ng kausapin ang dapat kausapin. Ayusin ang dapat ayusin. Sana maging maganda ang takbo ng lahat. At para sayo…
“I’ve been trying to tell you something, but you never understand. I feel like we’ve been going around in circles. You look at me like I’ve become a stranger on the streets. A skeleton that’s been hiding in your closet. I see you next to me but still you feel so far away. Where did we go wrong? I guess this is the part where you look at me, and probably will say goodbye.”
“I’ve been around the world, and I’ve seen so many things. I can’t even tell you where I’m going. But no matter where I’m heading, and no matter what I do, something keeps me coming back to you.”
“Don’t, don’t let me go. It’s not the end.”
Ako po si Glesy the great… at nautong mag-sulat sa dalawang blog na may interconnected topic kung nandito ka at nagbabasa punta ka rin sa kakambal nyang post at eto yun… mejo question mark ang utak ko sa topic na to kaya wag nyo akong seseryosohin. Cheers! ;p
Naniniwala ba kayo sa cyber love? Malamang yung iba jan isang kumukulo at umuusok na “Utang na Loob!!!” ang sagot. Parang love kasi ng mga taong wala sa hulog at mga taong nakakadama ng mga guni-guning hindi nakikita ng mga normal na nilalang. Ay parang mali, pang paranormal definition pala yan. Nyahaha parang pagmamahal sa isang lamanglupa naman yun. Anyway…
Sa page na to ikwekwento ang side ni babae. Bakit babae? Basta babae wala kayo pake. Kung gusto nyong mabasa ang side ni lalake punta kayo dito.
Ang mga babae kasi simula pa lang sa chromosomes ng DNA ni Eba eh likas ng uto-uto ang pinang-galingan. Mutated ang genes natin pagdating sa ganyan. Walang exception to the rule, lahat may chromosomal aberration basta babae. Kung babae ka alam kong hanggang ngayon at since the world began eh in-denial ka pa rin. At kung lalaki ka, malamang sasabihin mo “Oo naman ganyan talaga ang mga babae, napansin ko rin yan sa lahat ng niligawan ko.” Dahil ang mga lalaki naman eh simula ng mabawasan ng isang buto sa tadyang eh likas ng mapagtahi ng pambobola.
Read the rest of this entry »