20
November

Walang kwenta

Posted by kirksydney | 65 Comments

Category: Callboy manias Popularity: 183 views

Meron akong isang officemate na saksakan ng kulit. Daig pa si Madam Auring sa hilig nya sa mga horoscopes at kung ano ano pang tungkol sa mga bituin at buwan. Tuwing break namin, tinatakasan ko sya kasi panigurado napakarami na naman nyang tanong. Amp sawang sawa na kasi akong sumagot. Kaso kanina lang, nakita nya kong nag iisa sa smoking area. Ayun huli na naman…

Sya: Nath, kelan birthday mo?
Ako: August 14th.
Sya: Ahhh August, kaya pala suplado ka.

Sya: Eh anong zodiac sign mo?
Ako: Leo.
Sya: Leo? Siguro babaero ka.
Ako: Sus.

Sya: Chinese sign mo ano?
Ako: Hindi ko alam eh.
Sya: Anong year ka ba pinanganak?
Ako: 1985.
Sya: Ox yan, kaya pala tahimik ka eh.

Sya: Ilan kayong magkakapatid?
Ako: Tatlo.
Sya: Pang ilan ka?
Ako: Pangalawa.
Sya: Sabi na nga ba eh.
Ako: Ha? Baket?
Sya: Kasi bihira ka magsalita.

Ako: Eh ikaw kelan birthday mo?
Sya: April 23rd.
Ako: Ahhh. Kaya pala non sense ka.

Pagkatapos nun, derecho akong bumalik sa station ko. Hindi ko na nilingon kung anong reaction nya sa sinabi ko. Pasensya na lang, badtrip ako ng mga panahon na yan eh. Bukod sa nawala na cellphone ko ng hindi ko alam kung paano at saan, may nangyari pang sobrang kinakainis ko. Tsaka okay na din siguro yan, at least titigilan na nya kong tanungin. Yeah! I’m freeeeeeeee!

18
November

Lemonade award?

Posted by kirksydney | 55 Comments

Category: Taggable tags Popularity: 196 views

Alam na ng karamihan kung gaano ako ka-allergic sa tags. Sa katunayan, hindi ko alam kung ilang tags na ba ang hindi ko nagawa at kung kani kaninong bloggers na ba ko may utang. Nyahahaha. Bukod kasi sa sobrang tinatamad ako, mabilis kong makalimutan na may kailangan pala akong sagutin na tags. Kaya naman ngayon pa lang, gagawin ko na to bago pa ulit amagin. Ehem. At syempre, matatanggihan ko ba naman ang nag iisang si Kopiko? Hindeeee! Okay Kopiko, kilala mo na ko at alam mong bola lang yan kaya sisimulan ko na.

The rules of this award:
1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great attitude.
3. Be sure to link to your nominees within your post.
4. Let them know that they have received it by commenting on their blog.
5. Share the link of the person from whom you received your award.

Ang sabi sa rule #2, “Nominate at least 10 blogs which show great attitude”. Taenang yan. Paano aabot sa sampu ang pwede kong inominate kung inubos na nila lahat ng kakilala ko sa buong blogosphere? Pero sige, subukan ko pa rin. Hmmmm pasensya na sa mga mapagttripan ko. Hehehe.

1. Utakmunggo - Crush ko na lagi akong pinaghahasa ng itak.
2. Bernice - Lagot saken to kapag hindi nya to pinatulan.
3. Kamotenista - Kahit on hiatus mode, walang lusot.
4. Glesy the Great - Wala, gusto ko lang. Angal ka? Hindi? Good.
5. Noodle’s Factory - Alam kong masipag to kaya sinali ko.
6. Pinay Blogera - Pambawi kasi matagal din syang nawala.
7. Arachne - Tama na ang entries na nakaka-nose bleed.
8. Mayuichan - Dahil panay ang tawag nya ng kuya, etong katapat nya.
9. Joyceish - Pag ginawa nya to, papasok ko talaga sya sa company namin.
10. Pokwang - Dahil bago lang sya, kelangang binyagan.

Read the rest of this entry »

15
November

Judgment night

Posted by kirksydney | 100 Comments

Category: Callboy manias Popularity: 255 views

Bago pa lang kami mag auto log in kahapon, kinausap na kami ng coach namin. Habang nakatitig ako sa kanya (ehem ng walang malisya), sabi nya: “Guys, I have good and bad news for you. What do you want to know first?” Wala pa atang isang segundo, sabay sabay ng nagsigawan ang mga bakla at babaeng baklang officemate ko. “Baaaaaaaaaaaaaaad first!”, sabi nila. Wala na kong nagawa pa kundi ang makinig na lang. At pinasabog na nga ang bad news. “Some of you should go and this night may be your last stay here.”, sabi ulit ng coach namin. Parang gusto kong humagalpak ng tawa pero mas pinili ko na ngumiti na lang. Amp naman kasi, kung gaano sila kaingay nung una, parang naputulan silang lahat ng dila at natakpan ng scotch tape ang mga bibig nila sa sobrang tahimik. At ang good news kamo? Hindi mapapalitan ang coach namin, she will stay with us. Oh yes! Taena yan ang good news! Nyahaha.

At dahil nga dyan, buong gabing tensyonado ang Team Colorado. Mga hindi mapakali sa mga pods. Merong ilang beses kung lumabas pasok sa wash room at conference room. Meron namang nakailang baso na ng unlimited free coffee at Milo sa pantry. Meron ding mga natataranta sa mga current calls na natatanggap nila kaya napagalitan ng wala sa oras. Pero mas marami ang nagkkwentuhan kung saan ba pupulutin yung mga matatanggal. Ang dami nilang haka haka na wala namang basehan, parang mga tanga. Pero hindi ko sila masisisi kasi nakaka-stress naman talaga yung announcement na yun. Hindi ako nagsasalita, tahimik lang ako, nakikinig lang ako sa kanila. Sabi nila parang wala daw akong pakielam sa nangyayari, panay lang daw ang yosi ko kada 15 minute break. Taena. Akala lang nila yun. Gago ba sila. Syempre ayokong mapahiwalay kay coach… este syempre ayokong mawalan kaagad ng trabaho. Putaena nakakaisang sweldo pa lang ako. Pero kung matanggal, eh di matanggal. Tanggapin na lang. Hindi naman mababago yun kahit ilang drum pa ang ihiin ko o ilang libreng kape pa ang higupin ko.

Read the rest of this entry »

12
November

My beach girl

Posted by kirksydney | 74 Comments

Category: My pen & paper Popularity: 183 views

I once jokingly told her that I’ll make her the subject of my entry. Knowing our current status, unsurprisingly, she didn’t believe me. But hey, here it is..

Me: Hey, I am thinking about you.
Her: Because? You like me?
Her: I have to admit every so often I think about you too.

Me: I miss you.
Her: Oh yeah? What about?
Me: Nothing. Just YOU.
Her: Asus if I haven’t known better, kikiligin na sana ako.

There! She is and will always be my one and only beach girl. =)