Kirksydney.com

Araykupo!
Ang sakit naman nun. Sapul na sapul.

Hindi isang beses mo lang sinabi, inulit ulit mo pa.

Ngayon ko lang to naramdaman at ayoko ng maulit pa.

Pero sa tuwing nakakausap kita, hindi ko mapigilang magtanong.

Dahil alam na alam ko sa sarili ko na may pag asa pa.

Nararamdaman ko din yun sa bawat mga salita mo.

Halatang halata ang pagpipigil mo sa talagang gusto mo.

At kahit anong gawin mo, hindi mo yun maitatago sakin.

Hanggang sa umamin ka na ngang mahal mo pa rin ako.

Pero naniniwala ka pa ring hindi na natin kaya.

Dahil ang sabi mo pa, hindi tayo para sa isa’t isa.

Kung ilang beses mong sinabi sakin ang mga salitang yan.

Ganun kadaming beses ko ding pilit na tinutulan.

Pero hanggang sa huli, nagmatigas ka sa paniniwala mo.

Wala na kong nagawa pa, natalo mo ako ng tuluyan.

Siguro nakukulitan ka na sakin at naiirita na rin.

Kahit naman ako, hindi ko inakalang magagawa ko yun.

Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa isang tao.

At lalo namang hindi ako naghahabol ng kahit na sino.

Pero ang lahat ng mga yan nag iba pagdating sayo.

Kinain ko ng buo ang pride ko na wala pang nakagawa.

Wala akong pakielam kahit nagmumukha na kong gago.

Dahil mas magiging gago ako kung pakakawalan kita.

Kanina nag usap na naman tayo, binigo mo na naman ako.

Hindi ko maipaliwanag ang dapat kong maramdaman.

Ang bigat bigat ng loob ko at gusto kong magwala.

Pero mas pinili kong manahimik at kausapin ka pa rin.

Parang wala lang nangyari pero, umiinit na ang mata ko.

Hindi ko akalaing iiyak ako ng dahil sa isang babae.

Pero sa kauna unahang pagkakataon, nangyari nga.

Nagpatuloy yun kahit nagkkwento ako sayo ng masasaya.

Tumatawa ako pero ramdam ko pa rin ang lahat.

Tumigil man kaagad ang pag iyak ko, andun pa rin ang sakit.

Pero pilit kong tinatago sayo dahil nahihiya na ko.

Baka isipin mong ang hina hina naman ng loob ko.

Naputol ang pag uusap natin ng walang paalamanan.

At hindi ako sigurado kung makakausap pa kitang muli.

Sa mga oras na to, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.

Hindi pa rin ako kumbinsido na kailangan na kitang kalimutan.

Gusto ko pa ring umasa at maghintay ng tamang oras.

Pero ayoko namang paulit ulit pang masaktan dahil dito.

Tang ina naman talaga. Sobrang naguguluhan ako.

At tulad ng sinabi ko, iisipin ko to hanggang sa pagtulog ko.

Sana lang paggising ko, alam ko na ang sagot. Sana.

Ang pinakahihintay ko
Haaaay salamat naman. Simula sa Lunes ng gabi, graveyard shift na ko. 10pm until 7am. Oh yes! Yan ang pinakagusto kong shift dahil isa akong nocturnal person. Gising na gising ako kapag gabi at kayang kayang makipagsabayan sa mga customers na demanding at mahihirap umintindi. Tsaka isa pa, ayoko ng trapik. Taena. Mabilis uminit ang ulo ko, lalo na kapag mainit bumyahe.

Oo nga pala, naalala ko. Astig mga officemates ko, mga rakista yan. May banda sila at lahat sila ang sideline eh pagiging callboy. Akala mo mga gago pero kapag kausap na ng customers, tunog Amerikano. Eto ang sampol. Yung tatlong long hair at yung mamang kalbo yung mga members ng banda.

At eto hmmm wala lang to, singit lang ako. Wahahaha!

Balik sa usapang graveyard, baka hindi na ko makaonline gaano at makapag update ng blog dahil sa schedule ko. Syempre ang ipang iinternet ko, itutulog ko na lang. At baka dahil dun, sumpungin na naman ako ng katamaran. Bahala na. Basta ang alam ko.. 30% night differential, naaamoy na kita! Wuhoooo!!!

Nang iwan mo ako
Pagkagising ko kaninang umaga, ikaw kaagad ang hinanap ng inaantok pang mga mata ko. Nag iba ang pakiramdam ko at tuluyan ng nagising nang hindi kita nakita. Nabadtrip ng husto. Nawalan ng gana kumain. Bumagal ang kilos. At ang resulta? Nahuli ako sa trabaho. Habang nagmamaneho ako papunta sa opisina, binalik balikan ng isip ko kung ano bang nangyari nung nakaraang gabi. Ano ba ang pwedeng maging mga dahilan para iwan mo ako.

Ang natatandaan ko lang eh day off ko kahapon at sinamahan ko ang ate ko sa Glorietta 1. Maghapon kami dun. Katulad ng dati, nagmistulang boypren nya na naman ako at naging tagabitbit ng paper bags ng mga pinamili nya. Argh! Sinasabi ko na nga ba eh. Sana sinunod ko na lang ang konsensya kong nagngangalang katamaran at hindi na lang sumama pa. Tsk tsk! Isa sa hindi ko maintindihan at kinaiinisan sa mundong ito ay kung bakit napakatagal mamili ng mga babae. Bakit ang hilig nilang maglakad ng maglakad sa iba’t ibang stalls.. maghahalungkat ng kung ano anong bagay.. at pagkatapos ay hindi naman pala bibilhin. Pwede namang dumerecho na lang sa pagbibilhan, kunin ang bibilhin, at dalhin sa cashier para bayaran. Napakaraming arte nga naman oo! Pero dahil andun na ko, wala na kong nagawa pa.

Pagkatapos kong tumunganga at sumunod sunod na parang aso sa loob ng anim na oras, dumerecho naman ako ng Pier 1 para sa party ng company namin. Tang ina. Kahit sandamakmak na pulang kabayo ang tinoma ko at plato platong seafoods ang nilantakan ko, hindi ka pa rin naalis sa isip ko. Buong magdamag kong tinatanong ang sarili ko kung maaabutan ba kita mamya pag uwi ko. Paulit ulit ko ding sinabi na sana naman wag mo na akong pahirapan kapag sinubukan ko ulit na hanapin ka. Alam mo namang hindi ako nakakatulog kapag wala ka. Hinahanap hanap kita. Alam na alam mo yan. Sa katunayan, kahit saan ako magpunta eh bitbit kita. Ganyan ka kaimportante sakin.

Pasado alas kwatro na ko nakauwi. Pagbukas ko pa lang ng pinto, tiningnan ko kaagad kung nasa loob ka. Sa sobrang pagkadesperado, binilin ko pa sa ate ko na pakidaanan ka at ipagtanong sa mga kolokoy na dumayo sa lugar ko nung isang araw. Pero nasa bar pa lang ako, nakatanggap na ko ng text galing sa kanya na hindi nya nakita kahit anino mo. Tiningnan ko na ang lahat ng sulok pero wala ka pa rin. Nanglulumo na ko at nawawalan na ng pag asa. Yun ang pinakaunang gabi na matutulog ako ng hindi ka suot suot. Naupo na lang ako pero sa totoo lang, sa mga oras na yun, gusto kong isigaw ang..

“Putang ina nyo, ibalik nyo ang tsinelas ko at ayoko matulog ng nakamedyas!”

Heto naaaaaaaaaa
Pagkatapos ng ilang araw na pagtatangka naming kuhaan ng stolen shot ang coach ko, ngayon lang kami nagtagumpay. Masyadong naging busy at kulang sa perfect timing. Kung hindi dahil sa pagpupursigi ni Pareng Gmanyac, este Pareng Gmac pala at sa pangungulit na din ng iba, mapa-comment dito sa blog ko o mapa-Plurk, ewan ko kung lang saan pupulutin ang naunang plano.

At dahil dyan, heto na sya. Huwag lang sana sya mapadpad dito. Please…

Pahabol: Nasa akin na pala ang # nya at pupunta kami ng Pier 1 para sa party ng company namin. Pero isang grupo kami dun kaya wag ka ng mag ano ano pa dyan. Humahanga lang ako sa kanya. Walang malisya. Pramis ng madami.

Isa pang pahabol: Di hamak na lalo syang maganda sa personal.

Walang kwenta
Meron akong isang officemate na saksakan ng kulit. Daig pa si Madam Auring sa hilig nya sa mga horoscopes at kung ano ano pang tungkol sa mga bituin at buwan. Tuwing break namin, tinatakasan ko sya kasi panigurado napakarami na naman nyang tanong. Amp sawang sawa na kasi akong sumagot. Kaso kanina lang,  nakita nya kong nag iisa sa smoking area. Ayun huli na naman…

Sya: Nath, kelan birthday mo?

Ako: August 14th.

Sya: Ahhh August, kaya pala suplado ka.

Sya: Eh anong zodiac sign mo?

Ako: Leo.

Sya: Leo? Siguro babaero ka.

Ako: Sus.

Sya: Chinese sign mo ano?

Ako: Hindi ko alam eh.

Sya: Anong year ka ba pinanganak?

Ako: 1985.

Sya: Ox yan, kaya pala tahimik ka eh.

Sya: Ilan kayong magkakapatid?

Ako: Tatlo.

Sya: Pang ilan ka?

Ako: Pangalawa.

Sya: Sabi na nga ba eh.

Ako: Ha? Baket?

Sya: Kasi bihira ka magsalita.

Ako: Eh ikaw kelan birthday mo?

Sya: April 23rd.

Ako: Ahhh. Kaya pala non sense ka.

Pagkatapos nun, derecho akong bumalik sa station ko. Hindi ko na nilingon kung anong reaction nya sa sinabi ko. Pasensya na lang, badtrip ako ng mga panahon na yan eh. Bukod sa nawala na cellphone ko ng hindi ko alam kung paano at saan, may nangyari pang sobrang kinakainis ko. Tsaka okay na din siguro yan, at least titigilan na nya kong tanungin. Yeah! I’m freeeeeeeee!

Lemonade award?
Alam na ng karamihan kung gaano ako ka-allergic sa tags. Sa katunayan, hindi ko alam kung ilang tags na ba ang hindi ko nagawa at kung kani kaninong bloggers na ba ko may utang. Nyahahaha. Bukod kasi sa sobrang tinatamad ako, mabilis kong makalimutan na may kailangan pala akong sagutin na tags. Kaya naman ngayon pa lang, gagawin ko na to bago pa ulit amagin. Ehem. At syempre, matatanggihan ko ba naman ang nag iisang si Kopiko? Hindeeee! Okay Kopiko, kilala mo na ko at alam mong bola lang yan kaya sisimulan ko na.

The rules of this award:

1. Put the logo on your blog or post.

2. Nominate at least 10 blogs which show great attitude.

3. Be sure to link to your nominees within your post.

4. Let them know that they have received it by commenting on their blog.

5. Share the link of the person from whom you received your award.

Ang sabi sa rule #2, “Nominate at least 10 blogs which show great attitude”. Taenang yan. Paano aabot sa sampu ang pwede kong inominate kung inubos na nila lahat ng kakilala ko sa buong blogosphere? Pero sige, subukan ko pa rin. Hmmmm pasensya na sa mga mapagttripan ko. Hehehe.

1. Utakmunggo - Crush ko na lagi akong pinaghahasa ng itak.

2. Bernice - Lagot saken to kapag hindi nya to pinatulan.

3. Kamotenista - Kahit on hiatus mode, walang lusot.

4. Glesy the Great - Wala, gusto ko lang. Angal ka? Hindi? Good.

5. Noodle’s Factory - Alam kong masipag to kaya sinali ko.

6. Pinay Blogera - Pambawi kasi matagal din syang nawala.

7. Arachne - Tama na ang entries na nakaka-nose bleed.

8. Mayuichan - Dahil panay ang tawag nya ng kuya, etong katapat nya.

9. Joyceish - Pag ginawa nya to, papasok ko talaga sya sa company namin.

10. Pokwang - Dahil bago lang sya, kelangang binyagan.

At heto na ang logo na wala akong ideya kung bakit ganyan ang itsura:

Oh yeah nakumpleto ko! Panay babae. Syempre, para saken, isang kabaklaan kung ipapasa ko to sa kapwa ko lalake. Gawin nyo yan kundi bobombahin ko mga blogs nyo. At minsan lang ako magpasa ng mga ganitong bagay kaya wag nyo naman sana akong pahiyain, okay? Bwahaha. So pano? Kayo ng bahala dyan at alas tres na ng umaga dito. Babayoo detektib! *yawns*

Judgment night
Bago pa lang kami mag auto log in kahapon, kinausap na kami ng coach namin. Habang nakatitig ako sa kanya (ehem ng walang malisya), sabi nya: “Guys, I have good and bad news for you. What do you want to know first?” Wala pa atang isang segundo, sabay sabay ng nagsigawan ang mga bakla at babaeng baklang officemate ko. “Baaaaaaaaaaaaaaad first!”, sabi nila. Wala na kong nagawa pa kundi ang makinig na lang. At pinasabog na nga ang bad news. “Some of you should go and this night may be your last stay here.”, sabi ulit ng coach namin. Parang gusto kong humagalpak ng tawa pero mas pinili ko na ngumiti na lang. Amp naman kasi, kung gaano sila kaingay nung una, parang naputulan silang lahat ng dila at natakpan ng scotch tape ang mga bibig nila sa sobrang tahimik. At ang good news kamo? Hindi mapapalitan ang coach namin, she will stay with us. Oh yes! Taena yan ang good news! Nyahaha.

At dahil nga dyan, buong gabing tensyonado ang Team Colorado. Mga hindi mapakali sa mga pods. Merong ilang beses kung lumabas pasok sa wash room at conference room. Meron namang nakailang baso na ng unlimited free coffee at Milo sa pantry. Meron ding mga natataranta sa mga current calls na natatanggap nila kaya napagalitan ng wala sa oras. Pero mas marami ang nagkkwentuhan kung saan ba pupulutin yung mga matatanggal. Ang dami nilang haka haka na wala namang basehan, parang mga tanga. Pero hindi ko sila masisisi kasi nakaka-stress naman talaga yung announcement na yun. Hindi ako nagsasalita, tahimik lang ako, nakikinig lang ako sa kanila. Sabi nila parang wala daw akong pakielam sa nangyayari, panay lang daw ang yosi ko kada 15 minute break. Taena. Akala lang nila yun. Gago ba sila. Syempre ayokong mapahiwalay kay coach… este syempre ayokong mawalan kaagad ng trabaho. Putaena nakakaisang sweldo pa lang ako. Pero kung matanggal, eh di matanggal. Tanggapin na lang. Hindi naman mababago yun kahit ilang drum pa ang ihiin ko o ilang libreng kape pa ang higupin ko.

When the clock hit 10pm, nagsimula na ang kalbaryo. Isa isang papakinggan ng coach namin kung paano kami maghandle ng call at magbigay ng more than a hundred percent customer service. Sinasabi ko sa sarili ko na sana eh hindi ako matapat sa isang kano na umaangal tungkol sa overcharged na ten cents sa bill nya o sa isang kano na nuknukan ng tanga na hindi mapagana ang remote control ng dahil lang sa luma pala ang batteries na ginamit nya. Tsk tsk. Pinagdasal ko din na sana eh makapagconcentrate akong mabuti kahit na halos isang pulgada lang ang layo namin ng pagkaganda ganda kong coach. Ilang minuto lang ang lumipas, nakarinig na ko ng “Beeeeeeep!”. Hudyat na may kano ng tumatawag sa linya ko. Hindi ko na namalayan kung gaano tumagal ang tawag na yun at kung wala bang sabit ang English ko. Basta ang alam ko, nasolved ko ang request nya na magpadala ulit ng isang copy ng billing statement nya kasi natapunan daw ng hot chocolate yung orig copy. Bwahaha buti na lang at simpleng concern lang. Nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ng lahat ng assessment, sa end ng shift daw i-aannounce kung sino ang mga mapupunta sa local accounts. Kailangan pa raw ng deliberation with the managers. Hanep! Parang supervisor position ang hawak namin.

Mas tumindi pa ang tensyon pagkatapos ng shift namin. Sabi maghintay daw kami sa pantry at isa isa kaming kakausapin to show us our performance assessment grades. Nagulat na lang ako nung lumabas galing sa internal room yung dalawang ka-team kong babae, umiiyak sila pareho. Yun pala, apat ang naligwak samin. Tsk tsk. Habang nag iiyakan at nagyayakapan silang lahat sa pantry, tuloy tuloy akong lumabas papuntang lobby. Nagsindi ng Marlborong pula, tinignan ko laman ng wallet ko, at sinimulan kong i-text ang mga kolokoy. Putang ina magpapainom ako kasi pumasa ako! Bwahahahahaha!

My beach girl
I once jokingly told her that I’ll make her the subject of my entry. Knowing our current status, unsurprisingly, she didn’t believe me. But hey, here it is..

Me: Hey, I am thinking about you.

Her: Because? You like me?

Her: I have to admit every so often I think about you too.

Me: I miss you.

Her: Oh yeah? What about?

Me: Nothing. Just YOU.

Her: Asus if I haven’t known better, kikiligin na sana ako.

There! She is and will always be my one and only beach girl. =)

Team building kuno
Bago ang lahat, heto pala ang view from the top ng office namin. I easily get fascinated by lights and busy streets at sa tulong ng Canon G7, nabigyan ng buhay ang isang pangkaraniwang gabi sa kahabaan ng Ayala Avenue.

Kung Makati girl/boy ka, malalaman mo kaagad sa pictures kung saang building ang office namin, hehe. Yun eh kung ganun katindi ang mga mata mo para makilala pa ang maliliit na landmarks na yan, nyaha! Kung hinde naman, eh wag ka na magpakahirap pang mag isip amp. Magtanong ka na lang, sasabihin ko din naman na sa RCBC Plaza yan kinuhanan eh.

Okay teka humahaba na masyado… balik na nga sa ikkwento ko. Tsk.

I belong to Team Colorado sa company namin and yesternight, we had a team building. It was a blast. Daming activities at ang dami ding pagkain. Syempre kasami namin yung coach ko na sa tuwing makikita ko eh parang appetizer kasi ginaganahan ako magtrabaho. Isa sa mga activities namin eh yung English to Tagalog translation. Eto ang pinakamasaya sa lahat. Magkaroon ka ba naman ng ka-team mates na dalawang bakla at limang babae na ayon sa kanila eh bakla din sila (Tang ina nga naman o!), malabo na talagang hindi masamahan ng katatawanan. Ang target eh popular foreign movies. Mga sample . . .

1. Black Hawk Down — Ibong Maitim sa Ibaba.

2. Dead Man’s Chest — Dodo ng Patay.

3. I Know What You Did Last Summer — Uyy… Aminin!

4. Love, Actually — Sa Totoo Lang, Pag-ibig.

5. Million Dollar Baby — 50 Milyong Pisong Sanggol.

6. The Blair Witch Project — Ang Proyekto ng Bruhang si Blair.

7. Mary Poppins — Si Mariang May Putok.

8. Snakes on a Plane — Nag-ahasan sa Ere.

9. Sum of All Fears — Takot Mo , Takot Ko, Takot Nating Lahat.

10. Swordfish — Talakitok.

11. Pretty Woman — Ganda ng Lola Mo.

12. Robin Hood, Men in Tights — Si Robin Hood at Ang Mga Felix Bakat.

13. The Good, The Bad and The Ugly — Ako, Ikaw, Kayong Lahat.

14. Harry Potter and The Sorcerer’s Stone — Adik Si Harry, Tumira ng Shabu.

15. Click — Isang Pindot Ka Lang.

16. Brokeback Mountain — Bumigay sa Bundok.

17. The Day of the Dead — Ayaw Tumayo (ng Mga Patay).

18. Waterworld — Basang-Basa.

19. There’s Something About Mary — May Kwan sa Ano ni Maria.

20. Employee of the Month — Ang Sipsip.

21. Resident Evil — Ang Biyenan.

22. Kill Bill — Kilitiin sa Bilbil.

23. The Grudge — Lintik Lang ang Walang Ganti

24. Nightmare Before Christmas — Binangungot sa Noche Buena.

25. Never Been Kissed — Pangit Kasi.

26. Gone in 60 Seconds — One Round, Tulog.

27. The Fast and The Furious — Ang Bitin, Galit.

28. Too Fast, Too Furious — Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit.

29. Dude, Where’s My Car — Dong, Anong Level Ulit Tayo Nag-Park?

30. Beauty and the Beast — Ang Asawa Ko at Ang Nanay Nya.

31. The Lord of the Rings — Ang Alahero.

32. The Postman Always Rings Twice — Ang Kartero Kapag Dumutdot Laging Dalawang Beses.

33. The 4 Weddings & a Funeral — Kahit Apat na Beses Ka Pang Magpakasal, Mamamatay Ka Rin.

Mga kalokohan, ang tataba ng utak. Partida puyat pa yang mga yan.

Drama sa radyo
Day off ng callboy tuwing Sunday kaya may oras para mag asikaso ng mga dapat asikasuhin. Kasama na dyan ang pagpunta ko sa laundry shop para ano pa ba… eh di magpalaba at magpaplantsa. Suki na ko dun, at usually sila pa mismo kumukuha ng mga damit ko sa unit ko pero may schedule. Since wala ako sa lungga ko most of the time ngayon, nasira na yung schedule na yun kaya kanina, binitbit ko mga damit ko papunta sa kanila. Pagpasok ko pa lang, may narinig na kong parang nag aaway pero hindi nanggagaling sa mismong personnel ng shop yung mga boses. Tama nga ang unang naisip ko! Nakikinig sila ng drama sa radyo. Habang kinikilo ang mga damit ko at nagfifill up ako ng kung ano ano, eto yung mga napakinggan ko:

Sa kasaysayang pinamagatang, Ako’y Iyong Nilisan..

“Huwag mo ‘kong hawakan Berting. Nasasaktan ako! Magulo na ang buhok ko at pumapalag ako ngayon kahit napakalakas mo!”

“Magtapat ka Lorena, nakikipagkita ka sa ibang lalaki! Magtapat kaahh!! …habang lalong humihigpit ang hawak ko sayo!”

“Tama ka Berting! Nakikipagkita ako kay Pareng Aldo! May nakikita ako ngayong kutsilyo sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo.. Ayan.. nakuha ko nah.. sinasaksak na kita!”

*magiging mabilis ang saliw ng musika, mapusok na tugtugin..*

“Aaaahh! Sinasaksak mo ako ngayon sa tiyan! Napakasakit, Lorena. Ito ngayo’y nagdurugo at mamamatay ako.. Ayan.. patay na ako..”

Putang inang yan! Pagkatapos ko, derecho labas ako ng laundry shop.