Archive for the ‘Random stuffs’ Category

19
September

Pinaghalo halo

Posted by kirksydney | 60 Comments

Category: Random stuffs

Hmmm tinatamad ako gumawa ng one whole article, kaya sa kung ano na lang ang lumabas at maisipan ko. Pagpasensyahan nyo na, hehe.

  • Natalo ko kagabi ng 180 pesos sa tong its. Bukod sa kinulang ako sa pandaraya, este diskarte pala, nagkataon na mga hustler na talaga yung mga kalaban ko. Lagas na naman ako.
  • Malapit na birthday ng nanay ko, pinapauwi ako. Payagan kaya ako umuwi? Ano kaya okay na regalo? Sa tingin nyo?
  • Kanina sinubukan kong gumawa ng pancakes for breakfast. Imbes na harina, gawgaw yung nailagay ko. Taena, kaya pala sumobra sa puti tapos ang tigas pa. Sana yung nasa box na lang pala ginamit ko. Nauwi na naman tuloy ako sa walang kamatayang hotdogs and ham. Ako lang ang anak ng Chef na hinde marunong magluto.
  • Tinawagan ako ng Convergys, baka daw gusto ko magwork sa kanila. Amp slang na slang yung babae. Aasarin ko sana eh kaso baka mapikon. Sabi ko na lang ayaw ko muna. Boring maging call center agent. Nasubukan ko na yun dati. After ilang months lang, nagresign ako. Ampanget eh, walang night life.
  • Namimiss ko na anak ko. Tsk dami ko ng utang dun.

Read the rest of this entry »

5
September

New home

Posted by kirksydney | 15 Comments

Category: Random stuffs

Whew! I decided na magself host na. Kasi naman may isang taong sawang sawa na sa layout ko. Since the day I signed up sa Wordpress, eh yun na yung gamit kong theme, haha. Angal ng angal amp, akala mo naman sakanyang blog. Plus, ang dami ring pwede gawin at i-dagdag kapag self hosted blog. Many thanks to Bernice Garcia (hinde nya pa full name yan, ang haba eh). Himala, ang sipag nya. Gulat nga ako eh, usually kasi tamad sya. Ay, most of the time pala, haha. For now, hinde pa sya completely tapos, nakikisabay kasi tong pesteng Smartbro na to. Tsk tsk. Next time ko na lang tapusin kapag I have more time and kapag stable na ang connection ko. =)

I miss you. I love you. I miss you. I love you.
Lovely. Oryza. Chua. Valenzuela. Hernandez?
=)

Edit edit edit:
Yung mga comments ko pala nawala silang lahat bigla. Waaaaaa saan sila napunta. Taena, sorry sa mga nagcomment before, hinde ko po sinasadya.

2
September

Out for a week or so

Posted by kirksydney | 20 Comments

Category: Random stuffs

Starting today, I won’t be able to go online as much as before. Aside from the fact that I prefer it that way, I have to beat a couple of deadlines at work. Tapos yung internet pa namin nagloloko. Before DSL kame kaso konting ulan lang, nadidisconnect naman. Then kapag tinopak na, tuloy tuloy na. So, we switched to Smartbro. All is well so far. We’re using the wireless connection sa desktop then yung plug-in internet sa laptop. Hinihintay na lang namin umulan para malaman namin kung okay ba talaga, haha. Sana lang stable na kasi hinde buo ang araw ng mga kasama ko dito sa bahay kapag hinde nakakapag online games. Yung tipong ako pa naghihintay sa kanilang matapos para makagamit ako ng laptop. Nyaha.

My work’s getting demanding nowadays. Time, energy, thoughts, and all. I’m always on the project field then I still need to drop by at the office to do some panel reporting. Aside from that silly crap, meron pang mga take home na floor plans na kailangang i-Autocad. Our new boss is not as cool as Miss Ferrer kaya hinde na pwede pairalin mga kalokohan namin, haha. Mahilig syang mamigay ng memo na para bang namimigay lang sya ng flyers and pamphlets during election days. Buti na lang hinde nya pa ko nabibigyan kahit isa, peborit nya siguro ako. Ehem ehem.

Tsaka waaaa may isa pa kong kailangang asikasuhin. My fucking license! Like all regular licenses, its expiration date is the same as my birthday which was last August 14 pa. Nakakatamad naman kasi pumila, ang haba haba lage amp. Minsan pumunta na ko dun before ako nagbirthday, kaso pagpasok ko pa lang sa gate umatras na ko kasi nakita ko yung pila sobrang haba. Tsk taena talaga, baket ba ko pinanganak na tamad. Wala akong tyaga sa mga ganyan. Naisip ko tuloy, patulan ko kaya mga fixers? Kaso baka mapeke naman ako, doble perwisyo pa. Asikasuhin ko na lang when I’m free. Kelan yun? That I don’t know still, haha. Basta I need to accomplish it the soonest time possible. Kung pwede lang sanang magpadala ng proxy, kaso hinde pwede. I have to affix my signature upon renewing. Haaay iniisip ko pa lang, tinatamad na naman ako.

Read the rest of this entry »

21
August

Petiks mode

Posted by kirksydney | 13 Comments

Category: Random stuffs

Meron daw akong kakaibang ugali sabi ng mga nakakakilala saken. Gusto ko sana umangal kaso parang totoo naman. Kapag naguguluhan kasi ako o kaya namomroblema, hindi ako yung tipo na nagmumukmok sa isang tabi. Oo, dinadaan ko minsan sa toma at yosi, pero after nun, parang wala ng nangyari. Some take it positively, and syempre negative for some. Hindi naman nawawala yung mga kontra bulate. We can’t please everybody sabi nga, and heck, we’re not obliged to please all of them either. Besides, yung mga kontra, sila yung spices sa buhay naten, hehe. Back to the main topic (amp parang forum lang, haha). Sabi ng iba, it only shows that I’m a ‘happy go lucky’ type of guy. Parang bahala na, let the problem fix itself. Ganun ba ko? Hmmm ewan ko. Sabi naman ng iba, I’m just trying to divert my emotions sa ibang bagay. It’s like tinatago ko lang daw because I’m protecting an image. Ganun ba talaga ko? Hmmm ewan ko ulet. Not all people have the same level of thinkings and perceptions kaya as for me, bahala na sila mag isip. What matters is I know myself and I’m flexible enough to adapt to different judgments and situations.

Read the rest of this entry »