Oo galit na ko. Tuwing pagmamasdan ko kasi ang comments area ko, puro picture na lang nung kulay gray na taong bilog na bilog ang ulo, puro leeg, derecho katawan, walang mata, walang ilong, walang tenga, at walang bibig ang palaging nakikita ko. Kulang na lang eh mapasama na sya sa panaginip ko o kaya maging subject na sya ng isa sa mga sketches ko.
Dati ko pa sinama sa previous entry ko ang tungkol sa Gravatar pero dahil siguro sa kahabaan nun eh medyo inaantok na kayo bago pa kayo napunta sa part na ineexplain ko na kung ano ang nyemas na Gravatar na yan. Meron namang ibang gumawa tulad ni ano tsaka ni ano tsaka ni ano pa kaso mas lamang pa rin sa kanila si taong kulay abo. Kaya eto, para wala ng lusot ang mga matitigas ang ulo, separate entry na ang ginawa ko.
Ano ba ang Gravatar? Tang ina ano nga ba. Ang hirap i-explain, napasubo yata ako. Basta it’s short for Globally Recognized Avatar. Meron syang official website na kailangan nyong magregister para kada comment nyo sa mga blogs, especially sa self hosted blogs eh lalabas kung anuman ang picture na inupload nyo sa Gravatar account nyo. Just make sure na ang email address na gagamitin nyo sa pag sign up eh yung email address din na ginagamit nyo sa pagcocomment. Saglit lang ang proseso kaya nababasa ko ang nasa utak nyo, huwag na kayong tamarin. Hindi lang dito sa blog ko yun magiging kapaki pakinabang kundi sa lahat pa ng blogs may it be self hosted or powered by Wordpress, Blogspot, Livejournal, Joomla, at kung ano ano pa.



