Meron daw akong kakaibang ugali sabi ng mga nakakakilala saken. Gusto ko sana umangal kaso parang totoo naman. Kapag naguguluhan kasi ako o kaya namomroblema, hindi ako yung tipo na nagmumukmok sa isang tabi. Oo, dinadaan ko minsan sa toma at yosi, pero after nun, parang wala ng nangyari. Some take it positively, and syempre negative for some. Hindi naman nawawala yung mga kontra bulate. We can’t please everybody sabi nga, and heck, we’re not obliged to please all of them either. Besides, yung mga kontra, sila yung spices sa buhay naten, hehe. Back to the main topic (amp parang forum lang, haha). Sabi ng iba, it only shows that I’m a ‘happy go lucky’ type of guy. Parang bahala na, let the problem fix itself. Ganun ba ko? Hmmm ewan ko. Sabi naman ng iba, I’m just trying to divert my emotions sa ibang bagay. It’s like tinatago ko lang daw because I’m protecting an image. Ganun ba talaga ko? Hmmm ewan ko ulet. Not all people have the same level of thinkings and perceptions kaya as for me, bahala na sila mag isip. What matters is I know myself and I’m flexible enough to adapt to different judgments and situations.
Archive for the ‘Random stuff’ Category
Just few days ago, I had my own dose of paranoia. Quite funny because kahit ako, I’m not expecting na magiging ganun ako ka-paranoid. I’m not the type of person who jumps into conclusion hanggat wala akong naririnig or nakikita. Okay okay, it all started when my girl asked a permission from me that she’ll go out and watch a movie. Our conversation went like this:
L: Hon, wala ka naman mamya. Nuod na lang kaming movie.
N: Sino kasama mo?
L: Si Happy, hintayin ko sya from school.
N: Weeee makikipagdate ka lang ata eh.
L: Amp hinde kaya.
N: Talaga?
L: Gusto mo tawagan pa kita mamya?
N: Sige nga.
And then nung nasa movie house na sila, nakalimutan nya yatang she promised me na tatawagan nya ko so I texted her and reminded her na she needs to call me, haha. So she did phone me right away, and yeah, she’s with her sister and brother nga. I can’t stop smiling kasi natatawa ko sa sarili ko. Although may halong konteng biro yun, still I’m wondering what happened to me. I’ve never been that paranoid before.
What an extraordinary day. Pasensya na Hon. Mahal lang talaga kita. =)
What if we were wrong about each other?
What if you were really made for me?
What if we was supposed to be together?
Would that not mean anything?
What if that was supposed to be my house that you go home to every day?
How can you be sure that things are better?
If you can’t be sure your heart is still here with me, still wanting me.
Sabi yan ni Babyface habang nakikinig ako sa Yahoo! Music Launchcast. Kung hindi ba naman nananadya ang gago. Gawin ko kaya syang Adultface? Ayoko na nga isipin eh, ang sakit na sa ulo, tapos hihirit pa ng ganun. Nasa gitna ako ng pagdadrama ng bigla akong natawa, napansin ko wrong grammar pala sya. Hehehe.
Pahabol lang mga pare, eto nga pala si Mama Jodi, yung namention ko sa previous post ko. Imbes na ako magpasyal sa kanya kasi sya yung dumayo dito, sya pa nagpagsyal saken. Okay pala syang tour guide, hehe. Wala kaming ginawa kundi kumain ng naglalakihang seafoods. Maglakad na parang walang katapusan. Magdrive na pang dragrace sa Mactan island. Tumoma ng Vodka ice (yun kasi trip nya eh), at magyosi. Okay talaga syang kasama. Hanggang sa namalayan ko na lang nagkkwento na pala ko sa kanya ng mga nangyayari sa buhay buhay ko lately. Kahit saan mapunta usapan namin, lovelife ko pa rin ang bagsak, haha. Binalita nya din saken na buntis na daw sya. I’m happy for her and sa husband nya. Ewan ko kung kailan ko ulit sya makikita kasi uuwi na ko ng Manila, sila naman eh sa Bacolod na naka-based dahil sa work ng asawa nya, pero sabi nya Ninong daw ako. Hintayin ko na lang na magkita ulet kami sa mata. Alam ko mangyayari yun. Bilog ang mundo, sabi nga ng Ginebra. =)
Off ko bukas, magkikita kami ni Mama Jodi sa Divine sa Mactan Island. Parang nakikita ko na yung malalaking alimango at lobster na naghihintay saken. Yumyum! Parang ngayon pa lang gusto ko na umalis kasi sabik na ko sa seafoods. Ang tagal ng oras, wala na ko magawa. Nakadalawang match na kame sa DOTA, nagsasawa na ko sa mga kupal na kalaban ko, ang lalakas naman mangbackdoor ng mga siraulo, wahaha. Lag naman ako sa RAN, yung character ko tang ina, halos hinde gumagalaw. Wala na talaga ko magawa kaya nag bloghop ako. First time ko yun ginawa, okay din pala. Pamatay talaga ng oras. Salamat kay Mumu sa Kanto sa walang sawa nyang pagbibigay ng link at sa pagcshare nya ng mga blogs na siguradong magugustuhan ko. Isa kang bato! In English, you rock!
Oo nga pala, dahil sobrang bored ako, nangangalkal ako ng Photobucket account ko, nagkataon nakita ko yung screenshot na yan. Binigay yan saken ni Crish aka Alaine, isa sa matatagal ko ng kaibigan both online and offline. Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung story ng screenshot na yan, pati na yung topic namin that time. Gusto nya kasi maghubad ako sa harap nya eh amf cafe kaya yun, may pa-bid bid pa syang nalalaman, waaaaaa. Kapag may mga nagtatanong sa kanya, sinasabi nya na nakita nya na daw ako ng nakahubad, haha. She calls me ‘Balot’, then I call her ‘Sisiw’ naman. Kapag nakikita nya ko, sisigaw kaagad yan ng malakas at pagkahaba habang ‘Balooooooooooooooottt!!!’. Bigla ko tuloy namiss pangungulet at kaingayan nya. Ang last na balita ko nung umuwi sya dito sa Pinas, nasa Hongkong na daw ulet sya. May utang pa yun saken eh, matawagan nga mamaya para masingil. Sana lang yun pa rin number nya.
Ayan, madami daming time na din nabawas sa paggawa ko ng entry na to. Excited ako makita si Mama Jodi, pero mas excited ako sa mga seafoods bukas, haha. Hanggang sa muli kasi magluluto pa ko, este, mag iinit pala ng niluto ng kasama ko, haha. =)

