NPA = No Permanent Address. Alam nyo na siguro yan.
Habang nakatambay kami sa tapat ng PRC at pinag iisipan kung pipila ba kami o hindi, kung ano anong napag usapan namin hanggang sa mapunta kami sa topic na kung saan na ba ako nakatira ngayon. Pag uwi ko ng bahay, napaisip ako. Kung saan saang lugar na nga pala ako napadpad. Subukan ko ngang alalahanin lahat ngayon ayon sa pagkasunod sunod. Taena ang lalim!
1. Fairview, Quezon City - Dito talaga ang bahay ko.. este bahay pala ng nanay at tatay ko. Kung nabasa mo ang previous post ko, alam mo na dapat ngayon na taga Greenview Park Subdivision ako. Kung sakaling maligaw ka, malapit yan sa FCM (Fairview Center Mall) at sa FEU Hospital. Dito ako nakatira mula nursery, kinder, elementary, at high school.
2. Meycauayan, Bulacan - Hindi ko na sana babanggitin to kasi saglit lang yun pero tumira din naman kasi kami dyan kahit papano. That’s where my Mom’s folks originated. Pero hindi rin kami nakatagal kahit isang buwan lang kasi medyo malayo sa sibilisasyon. Saan sa Meycauayan? Sa Sto. NiƱo.
3. Sampaloc, Manila - Nung college na ako at napasok sa UST, napunta ako sa magulong mundo ng University belt. Dahil sa udyok ng barkada, kumuha kami ng boarding house sa Padre Campa Street. Wala ring nangyari. Amp. Mas matagal pa kaming tumatambay sa mga bilyaran kesa magstay sa boarding house namin. Wala pa yatang isang buwan, umayaw na ko.
4. Cainta, Rizal - Meron akong naging girlfriend na 28 years old, I was 19 ata nun. Ibinahay nya ko, nyahaha! Seryoso, itinira nya ko sa sariling bahay nya sa Vista Verde. Kapitbahay ng Sta. Lucia mall. Nung umalis ako ng boarding house, sa kanya ako tumira. Nung mga time na yun, akala sa amin eh nagboboard pa rin ako, yun pala eh nakikipagbabahay bahayan na ko, hehe. Syempre when we broke up, pinalayas ako. Haha joke lang. Kusa na akong umalis. Tigas naman ng mukha ko kung dun pa rin ako uuwi.

