Noon, hindi pa ko naniniwala na napaka walang kwenta kong ex boyfriend. Pero napatunayan ko lang na totoo nga yun dahil sa mga sunod sunod na encounters ko with my ex girlfriends. Heto ilan sa mga samples.
Her office is just two minutes away from mine…
Ex girlfriend #1: Favor naman. Fetch me dito sa office.
Me: I can’t. Kaka-out ko lang from a 12 hour shift.
Ex girlfriend #1: Leche ka talaga! Minsan lang eh.
I saw her recent picture and commented tactlessly…
Me: Bakit ang taba mo yata ngayon?
Ex girlfriend #2: Yeah, I gained nga.
Me: Tsaka hinde ka na masyadong maganda.
Me: Hindi tulad nung nasa akin ka, ang ganda mo.
Ex girlfriend #2: Gago! Sabay tawa.
Me: Hindi ka hiyang sa boyfriend mo.
Ex girlfriend #2: Gago ka talaga!
It was her birthday last January…
Ex girlfriend #3: Wala ka bang naaalala?
Me: Hmmm tungkol saan ba?
Ex girlfriend #3: Last week, birthday ko kaya.
Me: Hala oo nga no. Happy birthday.
Ex girlfriend #3: Kung hindi ko pa pinaalala.
Me: Sorry, nawala lang sa isip ko.
She paid me a surprise visit, with her friend…
Ex girlfriend #4: Hey, bakit iba na yung tsinelas mo?
Me: Huh? Eto naman yung pinangtutulog ko dati pa.
Ex girlfriend #4: Yung binigay ko sayo tange.
Me: Ahhh nawala ko na yun eh.
Bago nyo pa isipin na ang dami kong ex girlfriends, tama na muna yan. Alam naman nila na gago at tarantado ako eh. At inaamin naman nila na isa yung sa mga dahilan kung bakit nila ako minahal. Yan ang matinding banat! Bwahaha!
Anak ng pucha! December 15 pa pala last na entry ko, at nakadisplay pa ang picture ni Pekyaw. Senyales lamang yan na sobrang busy ako. Wala na akong oras umistambay sa harap ng computer ko tulad ng dati. Trabaho, bahay, at gimik na lang umiikot ang buhay ko ngayon. Mabuti pala at may gimik pa rin, kundi baka mabaliw na ko kakakausap sa mga Amerikano, Arabo, at kung ano ano pang breed na lagi na lang may mga problema sa cable nila.
Ang dami ding pagbabago lately. Aalis na ang Ate ko papuntang ibang bansa sa 27th. Hindi na naman talaga nun kailangang umalis eh. Ewan ko ba, napilit lang ng mga kaibigan. Kaya panay ang labas namin ngayong magkakapatid. Kahit ayaw na ayaw kong naglalakad sa mga malls, pinagbibigyan ko na lang sya kasi syempre aalis na. Pati nanay ng anak ko, at ang anak ko, mag a-out of the country na din. Ang masama, ayaw nilang sabihin sakin kung saan sila pupunta. Tsk tsk. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ng matino tungkol dun. Ano bang nagawa ko, o hindi ko nagawa? Arghhh hindi ko alam!
Sa masayang banda, umattend ako ng Christmas party ng company namin sa Silver City, Tiendesitas. Bumaha na naman ng alak. Ang mga officemates ko na lagi kong nakikitang nakapantalon, eh puro mga naka mini skirt. May mga tinatago din pala silang ka-sexyhan. Wahahaha! Astig talaga magperform si pareng Bamboo, kaso mukha nga syang adik. Pumunta din ako sa separate na Christmas party ng team namin last week. Sapilitan nga lang. Ang isang linggo kong prinoblema na ireregalo sa nabunot ko sa exchange gifts eh natapos ng nagpatulong ako sa isang ka-team mate ko. In return, lighter na green flame from Lighters’ Galore ang natanggap ko. Solved na solved.
Read the rest of this entry »
Haaaaay. Napapagod na ko sa shifting schedule ng pagiging callboy. Gusto ko ng dalawang balot ng spicy pancit canton. Kailangan ko ng bagong tsinelas. Nagseselos ako. Hindi pa ako ssweldo sa Byernes. At hindi din sa Lunes dahil Intsik ang may ari ng kumpanya namin. Namimiss ko ang anak ko pero hindi ko sya mapuntahan. Puro bottled water na lang ang laman ng ref ko. Pasado ulit ako sa quality assurance monitoring kanina. Parang gusto kong manapak ng tao. Tambak na ang marurumi kong damit. Nagtatampo ang ate ko sakin. Pero alam ko namang Ferrero lang ang katapat nya. Gusto kong bumalik ulit sa pagtugtog. May inuman na naman sa Sabado after work. Mag aanak naman ako sa binyag kinabukasan. Kung hindi Twilight, Marky Cielo naman ang topic sa office kanina. Nakakabadtrip. Paulit ulit sila, parang mga gago lang.
Isa pang haaaaay. May pasok ako ng 10pm-7am sa Pasko. Lagot na naman ako sa ermat ko nito. Ang babait ng customers ko kanina, himala. Nabagsak ko at nawasak ang cellphone ng tropa ko. Pansin ko palagi ng sumasakit ang lower back ko. Buhay pa rin ang Kilometer69. Oo maniwala ka, nasasaktan din naman ako. Matatapos na ang Survivor ng hindi ko man lang napapanood. Napakarami kong utang na tags. Just recently, meron akong naudlot na pag iibigan at ako ang sinisi nya. Naaadik na naman ako sa yosi. Nagpplano na kong lumipat sa Makati sa susunod na linggo. Sumisigaw na ang 988 unread messages sa email address ko na basahin ko na daw silang lahat. Gusto kong matutong manligaw ng pormal at maayos. Sa wakas naman, gagraduate na yung isang kapatid ko pagkatapos ng pitong taon nya sa college.
At isa pang haaaaay. Napagtripan kong panoorin ulit ang Bioman sa Youtube. Namatay yung isa sa mga bagong panganak na tuta namin sa Fairview. May nagmessage sakin sa Friendster, amp yan, ‘Kylang Talong’ ang pangalan. Mas nasusunod ko na ang timezone ng Tate kesa sa Pinas. Naconfiscate ng guard yung usb ko kaninang umaga. Natalo ako sa pustahang Paquiao at Dela Hoya. Napapadalas na akong sumpungin ng init ng ulo. Taena hanggang ngayon, hindi pa rin kumpleto ang requirements ko sa office namin. Inaantok ako, gusto kong matulog na lang magdamag. Dahil dyan, titigilan ko na to. Babye!
Oo galit na ko. Tuwing pagmamasdan ko kasi ang comments area ko, puro picture na lang nung kulay gray na taong bilog na bilog ang ulo, puro leeg, derecho katawan, walang mata, walang ilong, walang tenga, at walang bibig ang palaging nakikita ko. Kulang na lang eh mapasama na sya sa panaginip ko o kaya maging subject na sya ng isa sa mga sketches ko.
Dati ko pa sinama sa previous entry ko ang tungkol sa Gravatar pero dahil siguro sa kahabaan nun eh medyo inaantok na kayo bago pa kayo napunta sa part na ineexplain ko na kung ano ang nyemas na Gravatar na yan. Meron namang ibang gumawa tulad ni ano tsaka ni ano tsaka ni ano pa kaso mas lamang pa rin sa kanila si taong kulay abo. Kaya eto, para wala ng lusot ang mga matitigas ang ulo, separate entry na ang ginawa ko.
Ano ba ang Gravatar? Tang ina ano nga ba. Ang hirap i-explain, napasubo yata ako. Basta it’s short for Globally Recognized Avatar. Meron syang official website na kailangan nyong magregister para kada comment nyo sa mga blogs, especially sa self hosted blogs eh lalabas kung anuman ang picture na inupload nyo sa Gravatar account nyo. Just make sure na ang email address na gagamitin nyo sa pag sign up eh yung email address din na ginagamit nyo sa pagcocomment. Saglit lang ang proseso kaya nababasa ko ang nasa utak nyo, huwag na kayong tamarin. Hindi lang dito sa blog ko yun magiging kapaki pakinabang kundi sa lahat pa ng blogs may it be self hosted or powered by Wordpress, Blogspot, Livejournal, Joomla, at kung ano ano pa.
Read the rest of this entry »