Archive for the ‘Just for fun’ Category

25
March

Bots-tang ina nyo

Posted by kirksydney | 26 Comments

Category: Just for fun

Current mood: Trip kausapin ang hinde naman talaga nakakausap.

Tang ina nyong mga bots at spammers kayo, tantanan nyo blog ko! Sa araw araw na pagclick ko ng Dashboard ko dito eh mga comments nyong tungkol sa viagra, penis enlargement, sex satisfaction methods, at kung ano ano pang kalaswaan ang nababasa ko. At isa pa, di hamak na dagdag kayo sa disk at bandwidth usage ng blog ko kaya tang ina nyo, huwag na kayong babalik!

Alam kong Akismet lang katapat nyo pero tinatamad pa kong mag install dahil tinatamad din akong hanapin ang API key ko.. kung anuman yun. :lol:

31
January

Sabi nila, sabi ko naman

Posted by kirksydney | 31 Comments

Category: Just for fun

Ilang araw din akong nawala sa mundo ng internet. Bukod sa nagseryoso na ko sa pagttrabaho ngayon, bigla din akong nawalan ng connection. Ehem oo naman, seryoso na kong callboy. Hindi na ko nale-late ng konti, umaattend na ko ng uptrainings, at hindi na din ako nagrerelease ng call kapag badtrip yung customer ko. Sa mga panahon na yun at kahit sobrang occupied na ako, ang dami ko pa ring biglang naiisip. Pero lately, laging pumapasok sa utak ko yung madalas na itanong at sabihin sakin ng mga tao. Eto mga sample:

Sabi nila: Bakit ka nagccall center? Architecture graduate ka di ba?
Sabi ko naman: Eh ano bang pakielam nyo? Mabilis ako magsawa eh.

Sabi nila: Parang ayoko sayo. Babaero ka eh.
Sabi ko naman: Mas okay na yun. Kesa naman lalakero, di ba?

Sabi nila: Bakit hindi ka nakatira sa bahay ng ermat mo?
Sabi ko naman: Mas trip ko mag isa, I’m free to do anything I want.

Sabi nila: Ano bang pinakagusto mo sa isang babae?
Sabi ko naman: Yung hindi mahihiyang kumain sa harap ko.

Sabi nila: Anong oras na? Late ka na naman.
Sabi ko naman: Sira yung stop light sa may Ayala eh.

Sabi nila: Wala ka bang plano sa buhay mo?
Sabi ko naman: I’m a non-plan planner.

Sabi nila: Parang lagi kang happy go lucky lang.
Sabi ko naman: Akala nyo lang yun, graduate na ko dyan.

Amp nakalimutan ko na yung iba, sa susunod na lang. Kapag naisip ko ulit, isusulat ko na siguro sa papel. Sa ngayon, yung parating na medical exam ng company namin ang pinoproblema ko. Putaena naman kasi, kailangan daw fingerin sa pwet. May nagsabi sakin kanina, dahil daw exposed kami masyado sa radiation. Sabi ko naman, bakit ba.. pwet ko ba nakatapat sa harap ng computer kapag sumasagot ng tawag ng mga nyemas na Amerikano? I’m thinking of resigning na tuloy. Kaso naman kapag tinanong ako ng bago kong aapplyan kung bakit ako nagresign sa previous work ko, anong sasabihin ko? Dahil ayokong magpa-finger sa pwet? Oh no, I’m torn! One more week . . .

15
December

Una una lang yan

Posted by kirksydney | 86 Comments

Category: Just for fun

Bilog ang mundo. Kung walang kalaban laban akong natalo ng tatlong libo sa pustahang Pacquiao at Dela Hoya, papayag ba naman akong hindi makabawi? Syempre hindi. Kaya hinamon ko ulit ang tropa ko sa isa pang pustahan.. this time virtual kasi PS3 ang gamit namin. Sa kanya si Pekyaw at sakin si Marquez.

Huwag nyo ng itanong kung bakit mukhang may pangil at mukhang natatae si Pekyaw dyan dahil tang ina, hindi ko din alam. Basta ang alam ko, nakasalalay sa pustahan namin ay five hundred pesos at ang matatalo ang sasagot sa gasolina papuntang Tiendesitas sa Linggo. At pagkatapos ng limang rounds…

Read the rest of this entry »

6
December

Vietnamese style

Posted by kirksydney | 50 Comments

Category: Just for fun

Pers taym ko makipaglasingan sa mga Vietnamese. Sa totoo lang, hindi naman yun planado. Mula sa bahay ng isang ka-opisina, nakatanggap kami ng tawag galing sa kliyente nya. Nagtaka pa kami kung bakit pa-Ingles ingles sya sa telepono, yun pala yung may birthday na Vietnamese na ang kausap nya. At pagkatapos ng halos kalahating oras ng walang humpay na pagkukumbinsi, lumipat kami ng Gerry’s Grill sa may Bel Air. Pagpasok pa lang namin, kita na kaagad ang mga Vietnamese. Kakaiba kasi mga porma at nangingibabaw ang kaingayan nila. Nag umpisa kaming makipagsabayan sa kanila ng alas onse ng gabi at umalis kami ng alas kwatro ng umaga. Sa loob ng limang oras na kasama ko sila, heto ang ilan sa mga napansin ko:

1. All out sila pagdating sa toma. Hindi bababa sa pitong buckets ng San Mig light ang nasa mesa namin at lahat ng yun eh may laman pa. Halos hindi na nga umaalis sa tabi namin yung waiter kasi minu minuto eh umoorder sila.

2. Peborit nila ang inihaw na atay, chicken inasal, at pork barbecue. Nung una nagtaka pa ko kung bakit kumakain sila ng mga ganun. Bigla ko namang naisip, Vietnamese nga pala sila, at hindi Muslim. Katangahan amp.

3. Hirap silang mag-Inges. No offense sa mga may lahing Vietnamese dyan pero yun ang totoo. Kakaiba din yung accent nila. Mas sumakit ang ulo ko sa pag-iingles nila kesa sa iniinom naming beer. Maraming beses nga na hindi ko naiintindihan mga sinasabi nila pero tumatango tango na lang ako sabay smile para kunyari eh nakakasabay pa ko sa usapan.

Read the rest of this entry »