Archive for the ‘Just for fun’ Category

2
November

Drama sa radyo

Posted by kirksydney | 75 Comments

Category: Just for fun

Day off ng callboy tuwing Sunday kaya may oras para mag asikaso ng mga dapat asikasuhin. Kasama na dyan ang pagpunta ko sa laundry shop para ano pa ba… eh di magpalaba at magpaplantsa. Suki na ko dun, at usually sila pa mismo kumukuha ng mga damit ko sa unit ko pero may schedule. Since wala ako sa lungga ko most of the time ngayon, nasira na yung schedule na yun kaya kanina, binitbit ko mga damit ko papunta sa kanila. Pagpasok ko pa lang, may narinig na kong parang nag aaway pero hindi nanggagaling sa mismong personnel ng shop yung mga boses. Tama nga ang unang naisip ko! Nakikinig sila ng drama sa radyo. Habang kinikilo ang mga damit ko at nagfifill up ako ng kung ano ano, eto yung mga napakinggan ko:

Sa kasaysayang pinamagatang, Ako’y Iyong Nilisan..

“Huwag mo ‘kong hawakan Berting. Nasasaktan ako! Magulo na ang buhok ko at pumapalag ako ngayon kahit napakalakas mo!”

“Magtapat ka Lorena, nakikipagkita ka sa ibang lalaki! Magtapat kaahh!! …habang lalong humihigpit ang hawak ko sayo!”

“Tama ka Berting! Nakikipagkita ako kay Pareng Aldo! May nakikita ako ngayong kutsilyo sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo.. Ayan.. nakuha ko nah.. sinasaksak na kita!”

*magiging mabilis ang saliw ng musika, mapusok na tugtugin..*

“Aaaahh! Sinasaksak mo ako ngayon sa tiyan! Napakasakit, Lorena. Ito ngayo’y nagdurugo at mamamatay ako.. Ayan.. patay na ako..”

Putang inang yan! Pagkatapos ko, derecho labas ako ng laundry shop.

13
October

Mission accomplished

Posted by kirksydney | 53 Comments

Category: Just for fun

Plurk = isang baguhang website na syang pangunahing dahilan ng pagtubo ng mga amag at bahay ng gagamba sa ilang mga blogs.

Dahil sa sobrang wala akong magawa, naisip ko kung posible bang makakuha ng 500+ responses ang isang plurk. Naisipan kong i-launch (naks parang spaceship lang) ang 500+ plurk responses mission. Originally, it was exactly 500 plurk responses mission talaga, kaso may isang taong itago na lang naten sa pangalang MahaLhay na sumira ng lahat ng naunang plano. Sumobra kami sa 500 kaya naging 500+. Obvious naman, ewan bakit ineexplain ko pa.

Eto nga pala ang pruweba:

Read the rest of this entry »

9
October

Mga kagaguhan

Posted by kirksydney | 31 Comments

Category: Just for fun

Nyemas hindi kasya dito sa theme ko yung actual sizes, click nyo na lang to enlarge. Hindi naman kayo maliligaw kasi it will open into a new tab or window, depending on your browser’s setting. The title says it all. Ilan lang sa mga kagaguhan naming dalawa. Bahala na kayo mag isip kung sino kausap ko dyan at kung ano ang meron kami ngayon. Basta kahit ganyan yan mahal ko yan, at masaya kami. Yun ang importante. Naka ng syet!

Read the rest of this entry »

2
October

Feng shui

Posted by kirksydney | 35 Comments

Category: Just for fun

Taena talagang Feng Shui yan, baket nauso pa. Sabi ni pareng Wikipedia (Yeah nagresearch ako ng konte, nacurious kasi ako, hehe.), Feng shui is an ancient Chinese practice believed to fully utilize the laws of both heaven (astronomy) and earth (geography) to help one improve life by receiving positive Qi. Anong Qi? Ewan ko, tinamad na kong i-click yung hyperlink eh.

Nagising ako around 10am, pagbaba ko sa sala, napansin ko kagad na may nagbago. Then may nakita akong dalawang lalake na binubuhat yung center table namin. Unang naisip ko eh baka papalitan lang, kaso pagpunta ko ng kitchen, meron ding nabago. Amp. Hinanap ko si Ermat. Nakita ko sya sa may terrace, may kausap na medyo matandang lalake na kakaiba yung suot. Tinanong ko kung ano bang meron. My Mom said, as a preparation for her birthday, nagpapaFeng Shui daw sya to ditch bad luck and to bring good luck. What the fuck. Sabi ko “Wala naman yan sa good luck good luck eh”. Sabi naman nya “Wag ka ng umangal, wala ka naman dito lage”. Nyaha tama naman sya. In a month, wala pa yatang sampung beses na umuuwi ako ng Fairview. But still, I care for our house. There’s no place like home, sabi nga. Alam kong hindi naman ako mananalo kaya hinayaan ko na lang. Lumabas ako sandali para magbasketball hanggat hindi umuulan.

Read the rest of this entry »