Ako po si Glesy the great… at nautong mag-sulat sa dalawang blog na may interconnected topic kung nandito ka at nagbabasa punta ka rin sa kakambal nyang post at eto yun… mejo question mark ang utak ko sa topic na to kaya wag nyo akong seseryosohin. Cheers! ;p
Naniniwala ba kayo sa cyber love? Malamang yung iba jan isang kumukulo at umuusok na “Utang na Loob!!!” ang sagot. Parang love kasi ng mga taong wala sa hulog at mga taong nakakadama ng mga guni-guning hindi nakikita ng mga normal na nilalang. Ay parang mali, pang paranormal definition pala yan. Nyahaha parang pagmamahal sa isang lamanglupa naman yun. Anyway…
Sa page na to ikwekwento ang side ni babae. Bakit babae? Basta babae wala kayo pake. Kung gusto nyong mabasa ang side ni lalake punta kayo dito.
Ang mga babae kasi simula pa lang sa chromosomes ng DNA ni Eba eh likas ng uto-uto ang pinang-galingan. Mutated ang genes natin pagdating sa ganyan. Walang exception to the rule, lahat may chromosomal aberration basta babae. Kung babae ka alam kong hanggang ngayon at since the world began eh in-denial ka pa rin. At kung lalaki ka, malamang sasabihin mo “Oo naman ganyan talaga ang mga babae, napansin ko rin yan sa lahat ng niligawan ko.” Dahil ang mga lalaki naman eh simula ng mabawasan ng isang buto sa tadyang eh likas ng mapagtahi ng pambobola.

