Sa totoo lang, matapos ang halos tatlong mahabang araw kong pamamahinga sa pagbblog, nahihirapan na ko ngayong mag isip kung ano ba ang pwedeng isulat dito. Para lang akong gago na nakatingin sa Dashboard ko, magtatype ng konte tapos i-ssave as draft. Bibisita ng ibang blogs, magbabasa ng entries pero hindi naman mag iiwan ng comment. Tapos balik na naman sa Dashboard at i-cclick ang walang kakwenta kwentang draft na kunyaring natapos kanina. Tititigan na parang mga mata ko ang magttype. Paulit ulit lang ang ginagawa ko hanggang sa nagvibrate ang cellphone ko at nakareceived ako ng text.
“Tol, may sakit ako ngayon. Sigurado next week ikaw naman. Wakokoko!!!”
Ampota! Galing yan sa kakambal ko, oo may kakambal ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis kasi para kaming PAGASA na may forecast ng mga darating na bagyo. Ang sa amin nga lang dalawa eh kapag nagkasakit yung isa, panigurado sa mga susunod na araw, yung isa naman. Makakapaghanda kami kahit papaano pero nakakagagago namang isipin na alam ko na kaagad kung kailan ako magkakasakit. Personally, I find it weird. We once asked our Mom about it. Sabi nya normal lang daw yun kasi magkakambal kami. Magtaka daw kami kung magkapitbahay lang kami tapos may mga nangyayaring ganun samin. Wahaha astig ng sagot ng nanay namin.
Close kami ng ate ko. Sa katunayan sa sobrang close naming dalawa, lagi kaming napagkakamalang magboyfriend. Tulad kahapon, nagpunta kami ng Greenbelt 1 kasama mga workmates nya na first time ko pa lang makikilala. Tulad ng dati, naging instant boyfriend nya na naman ako. Amp. Bigla ko tuloy naalala, hindi pa sya nagkakaroon ng totoong boyfriend. Ay teka.. meron na pala. Meron syang pinakilala sa amin dating dati pa nung college pa sya pero pagkatapos nun, wala ng naging kasunod. Ewan ko kung anong problema nya. Marami naman akong alam na pumoporma sa kanya, panay basted nga lang. Nakupo! Naging tomboy na kaya sya kasi sya lang ang babae sa aming magkakapatid? One of the boys kumbaga. O sadyang pihikan lang? Gusto na nga syang pag asawahin ng nanay namin kasi gusto nya bigyan sya ng ate ko ng babaeng apo. Pero paano mangyayari yun kung kahit boyfriend nga eh wala? Nyaha. Tinanong ko sya ng matino kung bakit parang wala syang plano, sinagot ba naman ako ng “Ako hindi ko pinapakelaman pambababae mo, kaya wag mo ding pakelaman ang lovelife ko”. Wahaha supalpal ako.
Inasar ko sya tuloy kahapon na magpopost ako dito sa blog ko at hahanapan ko sya ng boyfriend. Tumawa lang, ang hindi nya alam eh gagawin ko talaga. Haha. Huwag sana nyang mahagilap ang link neto at baka mabatukan ako kapag nabasa nya mga pinaglalalagay ko dito. Okay, para may clues ka naman kahit papano, basahin mo na lang muna tong mga to: