Archive for the ‘Endless rants’ Category

4
March

Today matters

Posted by kirksydney | 29 Comments

Category: Endless rants

Warning: This is kinda serious so hmmmm bear with me. :lol:

My hope is for people to be able to enjoy their life regardless of what’s going on at the time. I have a close friend who has been married for over five years and they still don’t have any children. But, they have always wanted a family of their own. The thing is it never seems to be the right time. Why do people put off what they really want? I do not understand.

I think about the friends I know who put their lives on hold for one reason or another. I myself have fallen into this trap many times. My belief is that we are scared to go after our dreams because we may fail or it will take too much effort. It’s taken me awhile but I’m finally not making excuses and living my life to the fullest. I say.. if you want something just go for it! It’s almost like putting off having children until you are more financially stable. There is no magic in here. One of my good friends has three kids who want for nothing yet money is always an issue. Both parents have to work in order to provide for their children’s daily needs and they are all contented and happy.

We really do need to live for today and not worry so much about tomorrow. The last thing I want is to have regrets about not going after my dreams. You can’t fail if you give it your all no matter what. You can just learn from it.

3
January

Huli man daw, huli pa rin

Posted by kirksydney | 43 Comments

Category: Endless rants

To hopingly start the year 2009 right, sumama ako sa team building ng bago kong group sa Pangasinan. Dahil we went to the beach, of course I had fun. We ate a lot.. we drank a lot.. kaso we weren’t able to do boating nor snorkling kasi kahit maaraw, ang lalaki nung alon. Ayaw kaming payagan ng team leader namin, baka daw tumaob yung boat or malunod kami. Amp kill joy, palibhasa gurang na. Nyaha. Naalala ko tuloy yung previous coach ko. Kung gaano sya kabata at kasexy, kabaligtaran naman sya ng coach na napuntahan ko ngayon. Waaaa kinarma na yata ako. Pero ayos lang, kasi mabait naman yung new coach ko. Dahil nga may edad na, para syang nanay sa aming lahat. Nanay na nagger nga lang. Heto pala group picture namin sa Pangasinan, kayo na bahala mag isip kung saan dyan si coach, hehe.

Read the rest of this entry »

30
November

Araykupo!

Posted by kirksydney | 97 Comments

Category: Endless rants

Ang sakit naman nun. Sapul na sapul.
Hindi isang beses mo lang sinabi, inulit ulit mo pa.
Ngayon ko lang to naramdaman at ayoko ng maulit pa.
Pero sa tuwing nakakausap kita, hindi ko mapigilang magtanong.
Dahil alam na alam ko sa sarili ko na may pag asa pa.
Nararamdaman ko din yun sa bawat mga salita mo.
Halatang halata ang pagpipigil mo sa talagang gusto mo.
At kahit anong gawin mo, hindi mo yun maitatago sakin.

Hanggang sa umamin ka na ngang mahal mo pa rin ako.
Pero naniniwala ka pa ring hindi na natin kaya.
Dahil ang sabi mo pa, hindi tayo para sa isa’t isa.
Kung ilang beses mong sinabi sakin ang mga salitang yan.
Ganun kadaming beses ko ding pilit na tinutulan.
Pero hanggang sa huli, nagmatigas ka sa paniniwala mo.
Wala na kong nagawa pa, natalo mo ako ng tuluyan.

Siguro nakukulitan ka na sakin at naiirita na rin.
Kahit naman ako, hindi ko inakalang magagawa ko yun.
Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa isang tao.
At lalo namang hindi ako naghahabol ng kahit na sino.
Pero ang lahat ng mga yan nag iba pagdating sayo.
Kinain ko ng buo ang pride ko na wala pang nakagawa.
Wala akong pakielam kahit nagmumukha na kong gago.
Dahil mas magiging gago ako kung pakakawalan kita.

Read the rest of this entry »

25
November

Nang iwan mo ako

Posted by kirksydney | 77 Comments

Category: Endless rants

Pagkagising ko kaninang umaga, ikaw kaagad ang hinanap ng inaantok pang mga mata ko. Nag iba ang pakiramdam ko at tuluyan ng nagising nang hindi kita nakita. Nabadtrip ng husto. Nawalan ng gana kumain. Bumagal ang kilos. At ang resulta? Nahuli ako sa trabaho. Habang nagmamaneho ako papunta sa opisina, binalik balikan ng isip ko kung ano bang nangyari nung nakaraang gabi. Ano ba ang pwedeng maging mga dahilan para iwan mo ako.

Ang natatandaan ko lang eh day off ko kahapon at sinamahan ko ang ate ko sa Glorietta 1. Maghapon kami dun. Katulad ng dati, nagmistulang boypren nya na naman ako at naging tagabitbit ng paper bags ng mga pinamili nya. Argh! Sinasabi ko na nga ba eh. Sana sinunod ko na lang ang konsensya kong nagngangalang katamaran at hindi na lang sumama pa. Tsk tsk! Isa sa hindi ko maintindihan at kinaiinisan sa mundong ito ay kung bakit napakatagal mamili ng mga babae. Bakit ang hilig nilang maglakad ng maglakad sa iba’t ibang stalls.. maghahalungkat ng kung ano anong bagay.. at pagkatapos ay hindi naman pala bibilhin. Pwede namang dumerecho na lang sa pagbibilhan, kunin ang bibilhin, at dalhin sa cashier para bayaran. Napakaraming arte nga naman oo! Pero dahil andun na ko, wala na kong nagawa pa.

Pagkatapos kong tumunganga at sumunod sunod na parang aso sa loob ng anim na oras, dumerecho naman ako ng Pier 1 para sa party ng company namin. Tang ina. Kahit sandamakmak na pulang kabayo ang tinoma ko at plato platong seafoods ang nilantakan ko, hindi ka pa rin naalis sa isip ko. Buong magdamag kong tinatanong ang sarili ko kung maaabutan ba kita mamya pag uwi ko. Paulit ulit ko ding sinabi na sana naman wag mo na akong pahirapan kapag sinubukan ko ulit na hanapin ka. Alam mo namang hindi ako nakakatulog kapag wala ka. Hinahanap hanap kita. Alam na alam mo yan. Sa katunayan, kahit saan ako magpunta eh bitbit kita. Ganyan ka kaimportante sakin.

Read the rest of this entry »