Farmville? Friends For Sale? Pet Society? Fish world? Most of my friends talk about those stuff. I know they all came from one website pero hindi ako maka-relate kasi I rarely use Facebook. Only for one simple reason, I find it boring. I can still remember when my ex girlfriend created an account for me. She even brutally forced me to join Pet Society. I have a pet there named Pedropendeho. Nilalangaw na yun siguro ngayon kasi hindi na napapaliguan o baka nga namatay na sa gutom kasi matagal ng hindi napapakain, hahaha. That is the only application I used in Facebook aside sa mga mini games na medyo nagpatanggal naman ng boredom ko for few days. Pero after that, wala na. I rarely log in na. Then just last week, a friend told me “Huy, ang mahal mo na ah. You worth more than $2million dollars na kaso binili ka na ni Melissa”. I was like “Huh? Saan yan?”. In the end, I found out sa Facebook na naman pala. Anyway.. here’s a solid proof that I’m really not into Facebook:

But instead of completely hating Facebook, I decided to copy it and use it on my other social networking website account. I am very proud to present now my Friendster Ala Facebook profile. I added some tweaks on the sidebar as well like the visitors tracker and the chatbox. Happy viewing!
Current mood: Inaantok pero tinatamad matulog.

May pagkakaiba ba sa dalawang pictures?
Walaaaaaaaaaaaa di ba? Hmmmm eto pa..
Tanong: Anong pagkakaiba ng fairy tale at ng Sona ni Arroyo?
Sagot: Ang fairy tale hindi totoo at may mga dwende.
Ang Sona may dwende na hindi nagsasabi ng totoo.
Bwahahahahahahahaha!
Punyemas ka, puro ka drawing!.
Current mood: Nagmamadali dahil nakakahiya na sa Bergerkeng.
It’s my off today pero imbes na maglakwatsa o kaya eh rumaket, andito ako ngayon sa Burger King, SM Fairview. Bakit kamo? Nakikigamit lang naman ako ng wifi nila. Bakit ulit? Meron lang namang internet connection outage sa lugar namin at mag dadalawang linggo na yun. Putang ina di ba? Putang ina talaga! Sumakto pa yung lintek na outage na yun sa pagbili ko ng bagong laptop mula sa aking puri.. este dugo’t pawis pala. Bakit ulit kailangan ko pang pumunta ng Burger King para lang makigamit ng wifi? Kasi araw araw, hapon hapon, at gabi gabi na lang akong nakakareceive ng messages na “Uy, wala na yung ginawa mong widgets sa Friendster.”, “Pakiupdate naman po yung codes please.”, “Bakit po hindi gumagana yung layouts?”. . . etc etc. Kaya naisipan ko na lang dumayo dito sa BK para mag update ng codes ko . Wahaha!

One hundred forty five pesos meal = free internet connection.
Read the rest of this entry »
Netong Sabado lang, pumunta ako sa Novaliches para umattend ng birthday ng anak ng pinsan ko. Normal na inuman, kantyawan, kwentuhan.. pero hindi ko alam na nung araw din pala na yun eh may matatanggap akong balita na pwedeng makapagpabago ng buhay ko. Dumaan na din ako sa Fairview, kung saan naman ako talagang nakatira dahil halos 30-minute drive lang yun from Novaliches. Nakausap ko ang ermat kong ilang bwan ko ring hindi nakita pero wala akong lakas ng loob sa kanyang sabihin kaagad.
Habang pauwi, napakaraming bagay at tao ang tumatakbo sa utak ko. Paano kung hindi naman pala totoo? Pero anong gagawin ko kung sakaling totoo nga? Naguguluhan ako. Maghapon at magdamag akong nag isip. Hindi ko alam ang gagawin ko pero mas pinili ko ang manahimik. Wala akong ibang taong planong kausapin kundi sya lamang dahil sigurado akong mapapagaan nya ang lahat ng nararamdaman ko. Pero kasabay nun eh nagdadalawang isip pa rin ako. Paano kapag sinabi ko sa kanya eh yun na ang katapusan namin? Paano kung talikuran nya ko ng dahil sa nangyari? May tiwala ako na hindi nya ko bibitawan pero paano kung yun na ang hinihingi ng sitwasyon? Putang ina hindi ko na talaga alam, ayokong mawala sya sa akin!
Bukas na bukas nga, kailangan ko ng kausapin ang dapat kausapin. Ayusin ang dapat ayusin. Sana maging maganda ang takbo ng lahat. At para sayo…
“I’ve been trying to tell you something, but you never understand. I feel like we’ve been going around in circles. You look at me like I’ve become a stranger on the streets. A skeleton that’s been hiding in your closet. I see you next to me but still you feel so far away. Where did we go wrong? I guess this is the part where you look at me, and probably will say goodbye.”
“I’ve been around the world, and I’ve seen so many things. I can’t even tell you where I’m going. But no matter where I’m heading, and no matter what I do, something keeps me coming back to you.”
“Don’t, don’t let me go. It’s not the end.”