Archive for the ‘Callboy manias’ Category

21
January

Pansol escapade

Posted by kirksydney | 41 Comments

Category: Callboy manias

Kahit hindi pa tapos yung meeting nung Sunday at kahit halos sumigaw na yung QA namin sa galit dahil sa mababang scores ng batch namin, ang iingay na ng mga kasama ko sa likod. Pinag uusapan yung swimming for that day. Ang dami kasing mga buraot na nagsiatrasan. Sudden change of plan kasi yung nangyari. Ang original talaga, sa Dasma Cavite kaso when we called the resort, hindi raw pwede magpasok ng alak. Ampota yan. Meron kasi silang bar dun at kailangan dun lang dapat bumili. Ayaw naman pumayag ng lahat kasi syempre dapat talaga may inuman na hindi ginto ang presyo ng alak. Second choice nila sa Antipolo. Ang dami namang tumutol kasi gusto nila outside Metro Manila daw. Nakikinig lang ako sa kanila at naghihintay ng final decision dahil wala naman akong pakielam kung saan kami pumunta. Basta may beach, yosi, at alak, solve na ko dun. Mabuti na lang yung isa kong officemate, may kamag anak sa Pansol, Laguna. Isang tawag nya lang sa pinsan nya, may nahanap kaagad na available na private resort. Sa tatlumpung agents na umoo before that day, katorse na lang kaming natira. Sa anim na coaches naman, dalawa na lang sila. Pero tinuloy pa rin, sayang naman mga dala naming gamit. Hehe. Tinawag pa nga ni coach yun na 500 pesos extra challenge kasi usapan, hindi dapat lalagpas sa 500 yung gagastusin ng bawat isa samin.

Read the rest of this entry »

16
January

Call center 102

Posted by kirksydney | 41 Comments

Category: Callboy manias

Ngayon lang ako nagkaoras at sinipag ulit kaya pasensya sa mga nabitin ng husto sa Call center 101. Hmmm at dahil naaamoy ko at nagpaparamdam na naman si katamaran, mabuti pang simulan ko na. Ehem ehem game..

- Kapag natapat ka sa tinatawag nilang Jurassic na computer, paktay ka na. Jurassic yung tawag nila dun sa mga lumang computers na sobrang bagal magload ng system. Hindi ko ginagamit yung word na yun kasi para sakin pangbakla masyado. Hindi pa naman pwede mamili kasi walang permanent na station. Kung saan ka naka-assign for that week, doon ka na.

- May mga oras na hindi gumagana ang amplifiers at headsets. At kapag nangyari yun ng nasa middle ka ng call, wala kang magagawa kundi gamitin ang speaker feature. Bukod sa kailangan mong umiba ng pwesto at ingudngod ang mukha mo sa speaker para lang magsalita ka at marinig ang customer, napakahirap din magpindot ng kung ano anong buttons. And worse, maririnig pa ng buong floor kapag sinisigawan at minumura ka na ng customer.

- Dumadating din yung mga panahon na nagkukulang sa swivel chairs at pods lalo na kapag graveyard shift. Nakadepende na lang sa coach ang swerte mo. Merong mga coaches na automatic ng hindi ka muna pagttrabahuhin hanggat wala pang bakante. Pero kung isa ka namang pagkaswerte swerteng nilalang, mapipilitan ka talagang magtake ng calls ng nakatayo.

Read the rest of this entry »

7
January

Call center 101

Posted by kirksydney | 46 Comments

Category: Callboy manias

Sa loob ng tatlong buwan kong pagiging callboy, ang dami ko ng nakausap na iba’t ibang klaseng customers. Ang dami ko na ding mga kakaibang scenarios na naranasan. Merong mga sobrang nakakabadtrip talaga pero meron din namang sobrang natatawa na lang ako. Depende na lang sa tao kung paano nya dadalhin yung sitwasyon nya. Para sa mga kapareho kong callboys and callgirls, siguradong naranasan nyo na din tong mga sitwasyon na to. Kung hindi man, paniguradong mararanasan nyo din to in the near future, wahaha! Para naman sa mga taong nagbabalak pa lang na pumasok sa magulo, nakakapagod, at puyatang mundo ng call center, baka mapaisip kayo ulit pagkatapos nyong mabasa to. At para naman sa mga walang balak dyan, magbasa na lang kayo. Kung ayaw nyo naman eh magkunwari na lang kayo na binabasa nyo. Kung ayaw nyo pa rin, eh taena lumayas na lang kayo.

Situation #1: Nasaan kayo ng kailangan ko kayo?

- Eto yung sobrang weird ng na-rereceived kong calls. Kahit na kabisado ko na ang pasikot sikot ng product namin, talagang dadating yung time na may tatanungin sakin yung customers at hindi ko na alam kung saan hahagilap ng sagot. Syempre I will put him on hold for two minutes sabay takbo sa coach ko. Pero madalang pa sa bulalakaw na natutulungan ako kaagad ni coach kasi madami din syang ginagawa. Kapag hindi sya available, merong chat support na galing sa help desk. Kaso naman kasing bagal pa ng Windows95 sila kung sumagot kaya kahit kailan, hindi ko sinubukang gumamit ng chat. Pwede din namang humingi ng tulong sa mga kapwa ko agents kaso nahihiya akong i-approach sila lalo na kapag may calls din sila. Kaya ang ginagawa ko na lang eh nagpapacute.. este nakikisuyo ako sa ibang mga coaches. Palagi namang umeepekto ang pagpapacute.. isa pang este paglapit ko sa kanila. Pero not all the time na may available na ibang coaches, tamang timing lang ang katapat.

Read the rest of this entry »

28
November

Ang pinakahihintay ko

Posted by kirksydney | 51 Comments

Category: Callboy manias

Haaaay salamat naman. Simula sa Lunes ng gabi, graveyard shift na ko. 10pm until 7am. Oh yes! Yan ang pinakagusto kong shift dahil isa akong nocturnal person. Gising na gising ako kapag gabi at kayang kayang makipagsabayan sa mga customers na demanding at mahihirap umintindi. Tsaka isa pa, ayoko ng trapik. Taena. Mabilis uminit ang ulo ko, lalo na kapag mainit bumyahe.

Oo nga pala, naalala ko. Astig mga officemates ko, mga rakista yan. May banda sila at lahat sila ang sideline eh pagiging callboy. Akala mo mga gago pero kapag kausap na ng customers, tunog Amerikano. Eto ang sampol. Yung tatlong long hair at yung mamang kalbo yung mga members ng banda.

Read the rest of this entry »