Haaaay salamat naman. Simula sa Lunes ng gabi, graveyard shift na ko. 10pm until 7am. Oh yes! Yan ang pinakagusto kong shift dahil isa akong nocturnal person. Gising na gising ako kapag gabi at kayang kayang makipagsabayan sa mga customers na demanding at mahihirap umintindi. Tsaka isa pa, ayoko ng trapik. Taena. Mabilis uminit ang ulo ko, lalo na kapag mainit bumyahe.
Oo nga pala, naalala ko. Astig mga officemates ko, mga rakista yan. May banda sila at lahat sila ang sideline eh pagiging callboy. Akala mo mga gago pero kapag kausap na ng customers, tunog Amerikano. Eto ang sampol. Yung tatlong long hair at yung mamang kalbo yung mga members ng banda.

Read the rest of this entry »
Pagkatapos ng ilang araw na pagtatangka naming kuhaan ng stolen shot ang coach ko, ngayon lang kami nagtagumpay. Masyadong naging busy at kulang sa perfect timing. Kung hindi dahil sa pagpupursigi ni Pareng Gmanyac, este Pareng Gmac pala at sa pangungulit na din ng iba, mapa-comment dito sa blog ko o mapa-Plurk, ewan ko kung lang saan pupulutin ang naunang plano.
At dahil dyan, heto na sya. Huwag lang sana sya mapadpad dito. Please…

Pahabol: Nasa akin na pala ang # nya at pupunta kami ng Pier 1 para sa party ng company namin. Pero isang grupo kami dun kaya wag ka ng mag ano ano pa dyan. Humahanga lang ako sa kanya. Walang malisya. Pramis ng madami.
Isa pang pahabol: Di hamak na lalo syang maganda sa personal.
Meron akong isang officemate na saksakan ng kulit. Daig pa si Madam Auring sa hilig nya sa mga horoscopes at kung ano ano pang tungkol sa mga bituin at buwan. Tuwing break namin, tinatakasan ko sya kasi panigurado napakarami na naman nyang tanong. Amp sawang sawa na kasi akong sumagot. Kaso kanina lang, nakita nya kong nag iisa sa smoking area. Ayun huli na naman…
Sya: Nath, kelan birthday mo?
Ako: August 14th.
Sya: Ahhh August, kaya pala suplado ka.
Sya: Eh anong zodiac sign mo?
Ako: Leo.
Sya: Leo? Siguro babaero ka.
Ako: Sus.
Sya: Chinese sign mo ano?
Ako: Hindi ko alam eh.
Sya: Anong year ka ba pinanganak?
Ako: 1985.
Sya: Ox yan, kaya pala tahimik ka eh.
Read the rest of this entry »
Bago pa lang kami mag auto log in kahapon, kinausap na kami ng coach namin. Habang nakatitig ako sa kanya (ehem ng walang malisya), sabi nya: “Guys, I have good and bad news for you. What do you want to know first?” Wala pa atang isang segundo, sabay sabay ng nagsigawan ang mga bakla at babaeng baklang officemate ko. “Baaaaaaaaaaaaaaad first!”, sabi nila. Wala na kong nagawa pa kundi ang makinig na lang. At pinasabog na nga ang bad news. “Some of you should go and this night may be your last stay here.”, sabi ulit ng coach namin. Parang gusto kong humagalpak ng tawa pero mas pinili ko na ngumiti na lang. Amp naman kasi, kung gaano sila kaingay nung una, parang naputulan silang lahat ng dila at natakpan ng scotch tape ang mga bibig nila sa sobrang tahimik. At ang good news kamo? Hindi mapapalitan ang coach namin, she will stay with us. Oh yes! Taena yan ang good news! Nyahaha.
At dahil nga dyan, buong gabing tensyonado ang Team Colorado. Mga hindi mapakali sa mga pods. Merong ilang beses kung lumabas pasok sa wash room at conference room. Meron namang nakailang baso na ng unlimited free coffee at Milo sa pantry. Meron ding mga natataranta sa mga current calls na natatanggap nila kaya napagalitan ng wala sa oras. Pero mas marami ang nagkkwentuhan kung saan ba pupulutin yung mga matatanggal. Ang dami nilang haka haka na wala namang basehan, parang mga tanga. Pero hindi ko sila masisisi kasi nakaka-stress naman talaga yung announcement na yun. Hindi ako nagsasalita, tahimik lang ako, nakikinig lang ako sa kanila. Sabi nila parang wala daw akong pakielam sa nangyayari, panay lang daw ang yosi ko kada 15 minute break. Taena. Akala lang nila yun. Gago ba sila. Syempre ayokong mapahiwalay kay coach… este syempre ayokong mawalan kaagad ng trabaho. Putaena nakakaisang sweldo pa lang ako. Pero kung matanggal, eh di matanggal. Tanggapin na lang. Hindi naman mababago yun kahit ilang drum pa ang ihiin ko o ilang libreng kape pa ang higupin ko.
Read the rest of this entry »