Nakapag OT (Oh Thankyou) na naman ako ng wala sa oras, amp. 9:30 ng umaga talaga dapat ang tapos ng shift ko pero dahil sa sangkatutak na offline works, 11:45 na ata ako halos nakapag out. At syempre, hindi ko naman yun tatawaging Oh Thank you kung magdadagdag yun sa payslip ko. Sabagay.. kasalanan ko din naman. Kung ginawa ko lang yung mga ginawang pagsunod ng mga team mates ko sa Team Leader namin kapag sinabi nyang sagutan nyo to.. gawin nyo to.. i-submit nyo to.. at kung ano ano pa, hindi sana ako naggagalaiti habang nagsasagot ng sangkatutak na exams at refreshers.
Hindi pa dyan natapos ang OT ko. Paglabas ko ng opisina, saktong nakita ko naman yung ibang team mates ko na nag iinuman. Syempre gusto ko ng umuwi kasi 8:30 pa ko ng gabi huling nakatikim ng tulog. Hindi naman pumayag ang mga kolokoy na hindi ako tatagay. Napatagay ako ng isa.. dalawa.. yosi dito.. yosi doon.. tatlo.. hanggang sa namalayan ko na lang nakaupo na ko ng tuluyan sa umpukan nila. Sa isip ko, hindi na naman ako nito makakatulog.
Pagkatapos ng mga apat na oras, natapos din ang inuman. Mabuti na lang at may pasok pa ngayong gabi ang mga gago kundi sigurado magdamagan na sunugang baga at atay na naman ang magaganap. Ngayon, lagpas 8:30 na ng gabi at bente kwatro oras na kong gising. Kapag nasa opisina, kulang na lang talaga yung makatulog ako sa station ko habang nagtotroubleshoot ng internet service ng customer ko pero kapag nakauwi na ko, biglang nawawala ang antok ko. Nakapag update tuloy ako ng wala sa plano.
Simula ngayong gabi, mahaba haba ang off ko. Lunes na ng 5:00am ang balik ko. Pang umaga na ko next week. Susulitin ko to pero sana naman antok.. parang awa mo na.. dalawin mo na koooo!!! Ngayon na mismo! Please???


aaw… wawa nmn ang callboy.tsk tsk… you should learn to say no.
ako rin hirap nang kumuha ng tulog these past few weeks.
nasanay na ko sa lecheng night shift.
hmm I was gonna try for a call center pero I think hindi ko kakayanin ung toxicity ng work XD Hope you’ll enjoy the rest of your off while you can
Good luck nalang kuya Kirk. Ako 3-11pm duty ko ngayon. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Ahaha