12
March

When callboy meets callgirl

Posted by kirksydney Popularity: 457 views

Category: Callboy manias

Sa tinagal tagal ng Globe post paid ko, nung isang araw lang ako tumawag sa customer service nila. Ni hindi ko nga alam yung number kaya nagtanong pa ko. Sabi naman ng isang tropa ko, sindakin ko daw at daanin sa English para five star treatment ang ibigay nila sa akin. Pagkatapos ng pagkarami raming selections sa automated phone system nila, naka-connect na din ako sa isang agent at ganito naging takbo ng usapan namin…

Miss callgirl: Thanks for calling Globe, this is Michelle. How may I help you?
Me: My line’s not working fine for almost a month now.
Miss callgirl: What ahmmm.. do you mean sir?
Me: I cannot receive messages nor calls. Both locally and internationally.
Miss callgirl: I’m sorry to hear that sir but can I have your full name please?
Me: Nathan Hernandez.
Miss callgirl: How about the name on the contract?
Me: Jonathan Klein Hernandez.
Miss callgirl: And your number sir?
Me: 0927_4_9_5_
Miss callgirl: Can I put you on hold Sir Nathan for two minutes?
Me: Sure, go ahead.

Hanggang sa may background song na kong narinig na hindi ko alam kung ano bang kanta yun. Mainipin akong tao pero that time naghintay talaga ako kasi gusto kong maayos yung problema ko. Pero salamat naman at binalikan nya ako kaagad and the conversation continues..

Miss callgirl: Thank you for patiently waiting sir Nathan. As I check your account, it is okay and ahmmm.. when did it start sir ahmmm the problem?
Me: I think first week of February. I’m not sure.
Me: And I believe my contract isn’t expired yet, right?
Miss callgirl: I see and yes sir. May I know what is your mobile unit?
Me: It’s Nokia _ _ _.
Miss callgirl: Thank you for that information sir Nathan and ahmmm can I put you again on hold for two minutes? I am going to verify the details for you.
Me: Okay, take your time.

At may narinig na naman akong background song na hindi ko pa rin alam kung anong title. Medyo umiinit na yung ulo kasi sigurado akong hindi pa expired yung contract ko at nagbabayad naman ako ng bill ko every month. Imposible ding sa phone kasi nabawi ko na yung phone ko sa utol ko. Nagsindi ako ng yosi para pampakalma at pangtanggal inip. Unang hithit ko pa lang, narinig kong nagsalita na ulit yung agent at nagpatuloy na naman kami..

Miss callgirl: Thanks you for patiently waiting sir Nathan.
Me: No problem. So, what’s the cause?
Miss callgirl: I’m so sorry sir but ahmmm it is considered as an unknown issue since ahmmm your account is in good condition but ahmmm I am going to send a report about this and you can just wait for 24-48 hours for any changes.
Me: Okay, I will call back if it won’t be fixed after two days.
Miss callgirl: Okay sir. You can call us back ahmmm.. we are open 24 hours. And thank you for calling Globe, have a nice day.

Putaenang yan talaga. Sa tinagal tagal ng paghihintay ko at sa dinami dami ng tinanong sakin, hindi rin naman nasolusyunan yung problema ko. Parang nanginginig pa sa takot yung boses nung agent. Lumipas na din yung 24 to 48 hours na sinabi nya pero wala pa ring pagbabago. Tinamad na kong tumawag ulit kasi paniguradong mabbwisit lang ako. Tatapusin ko na lang yung two year contract ko sa kanila at bahala na kung lilipat ako. Alam kong kung ano anong rebuttals ang sasabihin nila sakin para lang i-renew ang contract ko pero matinding perwisyo na kasi yung nangyayari.

Bigla ko tuloy naisip na sigurado ganito din yung nararamdaman ng mga dissatisfied customers namin sa Dish Network. Pero unlike them, mas matino pa naman ako kasi hindi ko minumura ang mga agents at hindi ako nananakot na magccancel ng account para lang mabigyan ng credits or adjustments sa monthly bill ko. Wahahaha! Bigla ko ding naalala yung ate ko. Sya kasi ang madalas na nakikipag away sa mga ganitong sitwasyon. At oo nga pala, birthday nya nung March 10 at syempre, hindi ko sya natawagan dahil nga sa punyemas na Globe na yan. Belated happy birthday na lang Totitots!

30 Comments

  • At 2009.03.12 09:12, jen UNITED ARAB EMIRATES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

    bad bad brother…
    and yeah it sucks calling you ;) let’s blame it on globe?…owkei!
    hehehe

    • At 2009.03.12 09:14, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

      Extend my greeting to ate. :lol:

  • At 2009.03.12 09:19, bloom PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

    ang kalma mo makipagusap ah! hahahaha! nangaway ako ng agent sa PLDT! masakit sa ulo eh! haha. belated hapah burdei ate ni kirk :)

    • At 2009.03.14 11:23, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

      Nabasa ko ata yung post mo na yun. :lol:

  • At 2009.03.12 10:17, Helena PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

    uy betday na ni ate mo. belated!!! Mag-globe prepaid ka na lang wala problema wahahaha.

    • At 2009.03.12 12:34, mayui PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows Vista

      siguro kaya ka matinong makipag-usap kasi nakakarelate ka dun dahil agent ka rin. antayin mo na lang muna. sana pala inagahan mo yung pagtawag para di sayang yung isang month. haha. suggestion lang. :)
      haberday sa ate mo, kuya! :D

      • At 2009.03.25 15:33, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Siguro nga kasi agent din ako.

    • At 2009.03.12 13:59, jeniffer PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.14 on Windows XP

      ah ang nice naman pala kausap eh.. really natuwa ako sa kanya, pero neat xang kausap.. ikaw din mabait kang kausap :)

      • At 2009.03.25 15:34, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Salamat sa bola. :lol:

    • At 2009.03.12 17:26, joycee UNITED STATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      Hembetdei sa Ate mo ha, sana matawagan mo na sya.

      Isasaggest ko pa nga lang sana na magprepaid ka nalang eh, naunahan na ko ng Helena.

      heniwey, can you give me until the end of the month? Ayoko na sa layout mo, nagloloko eh, sayo nalang!

      • At 2009.03.25 15:34, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Until the end of what month ang tanong. :lol:

    • At 2009.03.13 00:15, glesy the great PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      belated muna kay ate… nars yun di ba? buti pa siya nakapag-empake na..

      never talaga akong nag-line… kasi mapaparami lang ang kaaway ko.. cheers;p-glesy the great

      teka lang, letse ka bakit di ka na nagpupunta sa blog ko.. lately ko lang napansin… tse!!!!

      • At 2009.03.25 15:35, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Tamad na kasi ako magbloghop lately.

    • At 2009.03.13 13:50, yhen PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

      hehehe… baka nga gnyn din ang feeling ng mga di natutuwa sa serbisyo mo… hehe joke…

      pero in fairness mabait po yung sumagot… haha… pero baka at the beck of her mind nagmumura na rin… hahahaha! naisp ko lang naman. pero di naman po cguro…

      • At 2009.03.25 15:36, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Sigurado yun! :lol:

    • At 2009.03.13 17:22, taympers UNITED STATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on WIndows

      haha.. Konting tiis lang mapuputol din.hehe.

      • At 2009.03.25 15:36, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Mapuputol ang? :o

    • At 2009.03.13 20:58, flamindevil UNITED STATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      hey, i worked in Globe before.lumayas ako kasi sobrang baba ng sweldo.may mga isyu kasi na kelangang icheck on a technical side.pero dapat tumawag ka ulit at nagcomplain nang hindi maayos after two days.ako kasi before,nag o-offer magcall back sa kliyente.yun lang

      • At 2009.03.25 15:37, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Nawalan na ko ng gana magcall back eh.

    • At 2009.03.14 00:04, libay UNITED STATES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows Vista

      uy salamat naman sa comment mo sa blog ko. super kasi ako nalungkot kaya ibinuhos ko na lang sa blog entry.

      anyway kailan pa nagkaroon ng 0927 na postpaid???? lols mapagbiro ka talagang call boy ka tsk… la namang lokohan :P

      • At 2009.03.14 11:22, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

        Nyaks! Meron naman talaga. Dati 0917 lang pero ngayon meron ng 0927. :D

    • At 2009.03.15 12:06, Aling Baby UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

      ang galing ni neytan…kalmado lang. ;) uu nga, wala ka talagang mapapala kung magagalit ka. sige na, palitan mo na kasi. biro mo, ang tagal mo nang subscriber pero ang treatment sau parang wala lang hehe… (ginagatungan pa haha..)

      >>namiss kita in fairness. dramatic mashado…shempre kilala pa rin kita noh hehe.

      • At 2009.03.25 15:37, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Mags-Smart na lang ako!

    • At 2009.03.15 17:38, lei UNITED STATES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows Vista

      tsk,tsk. at least ngayon alam mo na ang feeling. pero ahmmmm, di naman sya mahilig mag ahmmmmm, magsalita ng ahmmm ano? di naman? lol.

      • At 2009.03.25 15:38, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Hahaha panay nga ang ahmmm. :lol:

    • At 2009.03.19 17:05, lio loco PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.7 on Windows XP

      lolz! nasubukan ko na ring tumawag sa globe. ganiyang ganian din ang service. ipuput on hold ka para mag-apuhap ng kasagutan. pag nsa linya ka na, ala pa ring kasagutan. mabuti nga kamo’t hindi tayo ganun kabarubal tulad sa mga kano. hehehe.

      • At 2009.03.25 15:38, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Oo nga, kung Kano yan nakabullshit na yan. :lol:

    • At 2009.03.24 06:11, eloiski PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.20 on Windows Vista

      buti naman at hindi pa ako nagkakaproblema sa ganyan. sun naman kasi ang gamit namin dito… hakhak!
      ninyenyerbyos yung callgirl ah… hindi na ata alam kung ano ang sasabihin… panay ahmmmmmmmmmmmmmm!

      • At 2009.03.25 15:38, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0 on Windows XP

        Wahaha napansin mo din pala yun.

    • At 2009.05.10 09:26, efreim jude PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.17 on Windows XP

      haha.nice one kua nathan. di ka nagpadala sa sitwasyon. naaalala ko tuloy ung encounter ko sa bayantel dsl. namura ko ung agent at galit na galit talaga ako.binabaan ko sya ng malakas. haha.d rin nasolve ung prob ko.

      recommendation:
      try mo sa mismong globe ka magpunta para full service at di nakakainip

      :]

      congrats on ur 1st yir of existence.
      :]


      (Required)
      (Required, will not be published)