Ako po si Glesy the great… at nautong mag-sulat sa dalawang blog na may interconnected topic kung nandito ka at nagbabasa punta ka rin sa kakambal nyang post at eto yun… mejo question mark ang utak ko sa topic na to kaya wag nyo akong seseryosohin. Cheers! ;p
Naniniwala ba kayo sa cyber love? Malamang yung iba jan isang kumukulo at umuusok na “Utang na Loob!!!” ang sagot. Parang love kasi ng mga taong wala sa hulog at mga taong nakakadama ng mga guni-guning hindi nakikita ng mga normal na nilalang. Ay parang mali, pang paranormal definition pala yan. Nyahaha parang pagmamahal sa isang lamanglupa naman yun. Anyway…
Sa page na to ikwekwento ang side ni babae. Bakit babae? Basta babae wala kayo pake. Kung gusto nyong mabasa ang side ni lalake punta kayo dito.
Ang mga babae kasi simula pa lang sa chromosomes ng DNA ni Eba eh likas ng uto-uto ang pinang-galingan. Mutated ang genes natin pagdating sa ganyan. Walang exception to the rule, lahat may chromosomal aberration basta babae. Kung babae ka alam kong hanggang ngayon at since the world began eh in-denial ka pa rin. At kung lalaki ka, malamang sasabihin mo “Oo naman ganyan talaga ang mga babae, napansin ko rin yan sa lahat ng niligawan ko.” Dahil ang mga lalaki naman eh simula ng mabawasan ng isang buto sa tadyang eh likas ng mapagtahi ng pambobola.
Anong kinalaman ng pagiging uto-uto ng babae sa cyber love? Sa totoo lang di ko alam. Tinitingnan ko lang kung pati kayo uto-uto. Pero uto-uto talaga ang mga babae at mas grumagrabe pa exponentially sa mundo ng mga make-believe personalities — ang internet. Yun naman pala ang connection eh, so tuloy ang kwento…
Ganito kasi yun, merong isang babae na naniniwalang kumekendeng ang puso para sa isang self-proclaimed kiri (nyahahaha kunwari blog ko to at hindi sa isang lalaking self-proclaimed kiri). Bagay tong dalawang to kasi yung isa gullible (mas pinasosyal na term for uto-uto), at ang lalaki eh hmmmmm kiri na lang rin ulet para di ako mahirapan mag-isip. At yung isa eh masokista at yung isa eh sadista. At nagkakilala sila sa internet. Siyempre when the pabling and the madaling mabola ay nagkrus ang daan eh panigurado lokohan lang toh. Nyahahaha yun ang akala nyo.
Kung babae ka at halos nakadikit ang kaluluwa mo sa internet malamang makakatisod ka ng mga lalake. At dahil nga babae ka tapos di mo pa kayang timpiin na maniwala sa lahat ng sinasabi sayo malamang magkakaboyprend ka ng tuluyan pero siyempre it differentiates to a certain shade sa iba’t-ibang klase ng babae. Depende sa level ng pagiging uto-uto.
Pero bakit naman tayo magdududa? Sino naman si Glesy the great at lalong sino ka naman? Mahirap magmagaling kasi baka matagal na sila tapos ako matagal ng single pa rin. Eh ano kung uto-uto ang mga babae. Eh ano kung liklik at umaapaw ng mga kunwa-kunwariang personality sa internet? Bakit sa totoong buhay ba walang plastic na tao?
Wala tayong karapatang mag-magaling na tutulan sila. Sabihin na di sila bagay o nagpapalaputan lang sila ng laway sa pangloloko sa isa’t-isa kasi lahat naman talaga pwedeng mangyari. Siguro ang magagawa na lang natin eh tingnan na lang natin sila at pagchismisan para masaya. Tapos gawa tayo ng kwento na malayo sa katotohanan para naman feeling ng dalawang to eh sikat sila. Pustahan tayo kung hanggang kelan sila at kung sino man ang gustong mag-bid eh lumapit lang kay Glesy the great at dun kayo maglaglagan ng pera. Basta ako taga-dasal lang ako na sana eh magtagal pa sila para kung magkatuluyan man sila eh malibre naman nila ako… Cheers?
Cheers!!! ;p-Glesy the Great.


[…] na may interconnected topic kung nandito ka at nagbabasa punta ka rin sa kakambal nyang post at eto yun… mejo question mark ang utak ko sa topic na to kaya wag nyo akong seseryosohin… […]
(rofl)
.
.
.
.
.
amff..wala eh..
sabi nya..
sabi mo..
sabi nila..
nood na nga lang ulit..
Nyaks!
wahaahha! kakaloka naman
oh right yeah ganun talaga–likas na mapangBOLA ang mga guys at likas na madaling nauuto ang mga girls.
that’s life.
kung walang nambobola at walang nauuto aba’y lahat tayo ay single parin diba? :))
balance of nature HAHAHA lols
nice one!:)
Wahaha may tama ka!
Nasa tao na lng kung magpapabola ka… After all nambobola ka rin lang naman di ba! di ba! kaya nga Cyber eh! Magbolahan na lang tayo! ha.ha.ha.
Hinde naman lahat sa cyber eh purong bolahan lang. Meron ding seryoso. Ehem ehem.
sino nagsulat nyan? ang galing ah…. nyahaha
anyway, ingatan mo si jen… lagot ka sakin pag niloko mo siya…
at kayong dalawa wag kayong maglolokohan, sayang naman yung ginawa kong entry…
AT YUNG CODE!!!! ASAN NA????
At oo, ililibre ka namin!
ano suntukan na lang!! mga babae talaga… kaya gusto ko sa lalake eh.. hihihi
Bwahahaha!
babae nga naman..
hahaha
Baka ginaganyan din tayo ng mga babae.
uto-uto? LOL!
sabi nga..
If women are from Venus… Why dont they stay there?
Tama!!!
asan na yung code ko!!!!!!!!!!!
Hinde naman kasi tayo nagkakasabay na online.
wahahaha!!!
ourch… natatamaan ako dun ha????
uto uto din ako.. weeee
nice post
Thanks to Glesy, hehe.
aba…aba..sana walang stereotyping dito ha.hehe
Wahahaha!
hahhahaha. ang kulet ni glessy.
kung aq tatanungin mo, prehas lang kmi ng glessy ng opinyon dyan~ di rin ako naniniwala. bakit? kc para sa akin ung mga pilit na nang-uuto sa cyberworld eh un yung walang love life sa totoong buhay. lol. kumbaga- hanggang internet lang cla.
at sa mga gurls na madaling mauto, ibig sabihin lang nun konti lang ang nang-uuto sa kanila sa totoong buhay kaya madali silang nahuhulog sa internet.
hmmmmmmm.
Hinde ata ganyan yung opinion ni Glesy.
wow!
Babe.
ewan ko pero pakiramdam ko may pinariringgan si glesy the great dito..ehehehe..cheers!
Sino naman?
[…] THE GREAT SOLEMNLY SWEAR? (for mommy Kengkay ulit) 7. HE SAID, SHE SAID (for Burinj) 8. HE SAID, SHE SAID (for Kirksydney) 9. TONG TONG PAKITONG KITONG (for […]
Who's Online
Powered by IP Address Location
Recent Posts
Recent Comments
Most Popular
Quick Chat
Top Locations
Copyright © 2008 Kirksydney.com
Emerald Green | Design: NET-TEC Nachrichten of Massivholzmöbel. Coding: Holzfertighaus of Bankirai.
Proudly powered by: WordPress
Valid CSS and xHTML