Archive for March, 2009

25
March

Bots-tang ina nyo

Posted by kirksydney | 26 Comments

Category: Just for fun

Current mood: Trip kausapin ang hinde naman talaga nakakausap.

Tang ina nyong mga bots at spammers kayo, tantanan nyo blog ko! Sa araw araw na pagclick ko ng Dashboard ko dito eh mga comments nyong tungkol sa viagra, penis enlargement, sex satisfaction methods, at kung ano ano pang kalaswaan ang nababasa ko. At isa pa, di hamak na dagdag kayo sa disk at bandwidth usage ng blog ko kaya tang ina nyo, huwag na kayong babalik!

Alam kong Akismet lang katapat nyo pero tinatamad pa kong mag install dahil tinatamad din akong hanapin ang API key ko.. kung anuman yun. :lol:

23
March

It’s not the end

Posted by kirksydney | 7 Comments

Category: Endless rants

Netong Sabado lang, pumunta ako sa Novaliches para umattend ng birthday ng anak ng pinsan ko. Normal na inuman, kantyawan, kwentuhan.. pero hindi ko alam na nung araw din pala na yun eh may matatanggap akong balita na pwedeng makapagpabago ng buhay ko. Dumaan na din ako sa Fairview, kung saan naman ako talagang nakatira dahil halos 30-minute drive lang yun from Novaliches. Nakausap ko ang ermat kong ilang bwan ko ring hindi nakita pero wala akong lakas ng loob sa kanyang sabihin kaagad.

Habang pauwi, napakaraming bagay at tao ang tumatakbo sa utak ko. Paano kung hindi naman pala totoo? Pero anong gagawin ko kung sakaling totoo nga? Naguguluhan ako. Maghapon at magdamag akong nag isip. Hindi ko alam ang gagawin ko pero mas pinili ko ang manahimik. Wala akong ibang taong planong kausapin kundi sya lamang dahil sigurado akong mapapagaan nya ang lahat ng nararamdaman ko. Pero kasabay nun eh nagdadalawang isip pa rin ako. Paano kapag sinabi ko sa kanya eh yun na ang katapusan namin? Paano kung talikuran nya ko ng dahil sa nangyari? May tiwala ako na hindi nya ko bibitawan pero paano kung yun na ang hinihingi ng sitwasyon? Putang ina hindi ko na talaga alam, ayokong mawala sya sa akin!

Bukas na bukas nga, kailangan ko ng kausapin ang dapat kausapin. Ayusin ang dapat ayusin. Sana maging maganda ang takbo ng lahat. At para sayo…

“I’ve been trying to tell you something, but you never understand. I feel like we’ve been going around in circles. You look at me like I’ve become a stranger on the streets. A skeleton that’s been hiding in your closet. I see you next to me but still you feel so far away. Where did we go wrong? I guess this is the part where you look at me, and probably will say goodbye.”

“I’ve been around the world, and I’ve seen so many things. I can’t even tell you where I’m going. But no matter where I’m heading, and no matter what I do, something keeps me coming back to you.”

“Don’t, don’t let me go. It’s not the end.”

16
March

She said, he said

Posted by kirksydney | 30 Comments

Category: Guest blogger

Ako po si Glesy the great… at nautong mag-sulat sa dalawang blog na may interconnected topic kung nandito ka at nagbabasa punta ka rin sa kakambal nyang post at eto yun… mejo question mark ang utak ko sa topic na to kaya wag nyo akong seseryosohin. Cheers! ;p

Naniniwala ba kayo sa cyber love? Malamang yung iba jan isang kumukulo at umuusok na “Utang na Loob!!!” ang sagot. Parang love kasi ng mga taong wala sa hulog at mga taong nakakadama ng mga guni-guning hindi nakikita ng mga normal na nilalang. Ay parang mali, pang paranormal definition pala yan. Nyahaha parang pagmamahal sa isang lamanglupa naman yun. Anyway…

Sa page na to ikwekwento ang side ni babae. Bakit babae? Basta babae wala kayo pake. Kung gusto nyong mabasa ang side ni lalake punta kayo dito.

Ang mga babae kasi simula pa lang sa chromosomes ng DNA ni Eba eh likas ng uto-uto ang pinang-galingan. Mutated ang genes natin pagdating sa ganyan. Walang exception to the rule, lahat may chromosomal aberration basta babae. Kung babae ka alam kong hanggang ngayon at since the world began eh in-denial ka pa rin. At kung lalaki ka, malamang sasabihin mo “Oo naman ganyan talaga ang mga babae, napansin ko rin yan sa lahat ng niligawan ko.” Dahil ang mga lalaki naman eh simula ng mabawasan ng isang buto sa tadyang eh likas ng mapagtahi ng pambobola.

Read the rest of this entry »

12
March

When callboy meets callgirl

Posted by kirksydney | 30 Comments

Category: Callboy manias

Sa tinagal tagal ng Globe post paid ko, nung isang araw lang ako tumawag sa customer service nila. Ni hindi ko nga alam yung number kaya nagtanong pa ko. Sabi naman ng isang tropa ko, sindakin ko daw at daanin sa English para five star treatment ang ibigay nila sa akin. Pagkatapos ng pagkarami raming selections sa automated phone system nila, naka-connect na din ako sa isang agent at ganito naging takbo ng usapan namin…

Miss callgirl: Thanks for calling Globe, this is Michelle. How may I help you?
Me: My line’s not working fine for almost a month now.
Miss callgirl: What ahmmm.. do you mean sir?
Me: I cannot receive messages nor calls. Both locally and internationally.
Miss callgirl: I’m sorry to hear that sir but can I have your full name please?
Me: Nathan Hernandez.
Miss callgirl: How about the name on the contract?
Me: Jonathan Klein Hernandez.
Miss callgirl: And your number sir?
Me: 0927_4_9_5_
Miss callgirl: Can I put you on hold Sir Nathan for two minutes?
Me: Sure, go ahead.

Hanggang sa may background song na kong narinig na hindi ko alam kung ano bang kanta yun. Mainipin akong tao pero that time naghintay talaga ako kasi gusto kong maayos yung problema ko. Pero salamat naman at binalikan nya ako kaagad and the conversation continues..

Miss callgirl: Thank you for patiently waiting sir Nathan. As I check your account, it is okay and ahmmm.. when did it start sir ahmmm the problem?
Me: I think first week of February. I’m not sure.
Me: And I believe my contract isn’t expired yet, right?
Miss callgirl: I see and yes sir. May I know what is your mobile unit?
Me: It’s Nokia _ _ _.
Miss callgirl: Thank you for that information sir Nathan and ahmmm can I put you again on hold for two minutes? I am going to verify the details for you.
Me: Okay, take your time.

Read the rest of this entry »