8
February

10 - 1 = 9

Posted by kirksydney Popularity: 315 views

Category: Taggable tags

Saksakan ng daming salamat kay Joycee. Ng dahil sa tag nya sakin eh may maipopost ako ng wala sa oras. Wala ako sa wisyo ngayon. Epekto yata to ng biglaang two days off ko sa opisina, hindi ako sanay. Oo nga pala, pasensya ulit sa mga dating tags na hindi ko pa napatulan. Pana panahon lang yan eh at nagkataon na magaling syang tumayming, hehe.

Eto daw pala ang rules: Magsabi ng (10) sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo. (9) Siyam dun ang totoo at (1) isa ang kwentong barbero.

1. Nakadalawang schools ako nung college days ko pero same course lang naman, Architecture. Una, sa Far Eastern University (FEU). Kaso napag initan ako ng dean kasi sumali ako sa isang radical group doon na laging nakatambay sa freedom park. After two years, nagdecide akong lumipat sa University of Santo Tomas (UST) kaso syempre back to zero kaya huwag nyo ng tanungin kung anong year ako talagang grumaduate.

2. Minsan pakiramdam ko eh napakawalang kwenta kong ama. Nakakalimutan ko palagi birthday ng anak ko at dahil sa trabaho ko ngayon, madalang na kung mapuntahan ko sya. Naramdaman ko lalo yun nung minsang nagkausap kami. Sabi nya gusto nya daw ng ‘toter’ at ‘epen’. Napatanga ako kasi hindi ko sya maintndihan. Yun pala ang ibig nyang sabihin eh ‘helicopter’ at ‘airplane’. Kung hindi pa sinabi sakin ng nanay nya, hindi ko malalaman. Pero unti unti na naman akong bumabawi sa kanya. Sana lang tuloy tuloy na.

3. Wala akong sense of direction, mabilis akong maligaw. Makakalimutin din ako sa mga landmarks at kung left ba o right ang susunod na kalsada. Wala ding gamit sakin ang mga road maps. Pero mas pinipili ko pang magdrive ng magdrive hanggang kung saan ako mapunta kesa magtanong for directions.

4. I’m a big Barangay Ginebra fan. Nung college, hindi kami pumapasok ng tropa ko para lang mapanood games nila ng live either sa Araneta Coliseum o sa Cuneta Astrodome. Minsan kapag dumadayo sila sa Antipolo or other out of town games, sumusunod din kami sabay road trip na din.

5. Medyo mabilis akong magsawa sa kahit na ano. Bahay, trabaho, pagkain, relasyon at kung ano ano pa. Happy go lucky guy nga daw ako sabi nila at mahirap din daw akong i-please. Akala lang nila yun kasi kapag dumating na yung katapat ko, nagseseryoso naman na ako. At kapag nagseryoso ako, seryoso talaga at hinding hindi ako magsasawa.

6. Hindi ako punctual na tao. Since high school hanggang college, palagi na kong late. Nasanay na ko sa araw araw na banat sakin ng professor ko nun na “Mr. Hernandez, you’re late again!”. Kahit sa mga meetings at gimiks, huli pa rin akong dumadating. Mainipin kasi ako, ayoko ng naghihintay. Sa trabaho ko ngayon, nabibigyan na ko ng dalawang memo dahil sa pagiging late.

7. Sa tingin ko tatagal ako sa pagiging callboy. Nag eenjoy ako sa halos every week na paglipat ko ng team at coach. Ngayon naman eh nasa team Oakley na ko at ang new coach ko eh mamya ko pa lang makikilala. Naaastigan din ako sa 12 midnight na pasok ko at alas onse ng gabi ang uwi na minsan eh inaabot ng ala una dahil sa walang katapusang meetings with the quality assurance specialists na pare pareho lang naman ang mga sinasabi. Ayos na ayos din sakin yung mabilisang yosi kada 15 minute break at mabilisang tulog naman sa break room kapag lunch break ng alas tres ng madaling araw.

8. Palagi akong nahuhuli ng pulis sa may Ayala Avenue at Ortigas for beating the red traffic light. Sabi sa inyo eh, palagi akong late kaya palagi din akong naghahabol. Isang malutong na isang daang piso lang katapat nyan!

9. Meron akong collection ng t-shirts galing sa mga lugar na pinupuntahan ko. Sa ngayon, hindi ko na mabilang kung ilan basta I see to it na bawat puntahan ko eh bumibili talaga ako. Pero hindi ko naman sinusuot, basta kinokolekta ko lang. Meron ding caps pero lamang yung t-shirts.

10. Habang sinasagutan ko to, may isang taong minamadali ako. Ang hirap nga pala talaga netong tag na to, ang yabang ko pa nung una. Wahaha. Halos ilang oras din bago ko natapos ah. Amp. Mahulaan kaya nya yung nag iisang kwentong barbero? Hmmm lemme see…

Haaay natapos din, at ayoko ng ipasa ang pahirap. Tigilan na to. :lol:

42 Comments

  • At 2009.02.08 12:18, ifoundme PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

    yikes! ang hirap hanapin yung kwentong barbero!

    • At 2009.02.08 12:19, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      Kaya mo yan. :lol:

  • At 2009.02.08 12:23, ifoundme PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

    feeling ko #2 yun. hindi ko alam kung pumasok yung comment ko o hindi pero inuulit ko, #2 yun. hahaha! hula lang yan ha!

    • At 2009.02.08 12:24, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      Wrong. Try again. :lol:

  • At 2009.02.08 12:25, ifoundme PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

    yoko na!

    • At 2009.02.08 12:27, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      Wala ka pala eh. Panis! :lol:

  • At 2009.02.08 12:46, Helena PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

    Akalain mo me similarities din pala tayo (3 & 6).

    Ang barbero eto sure ako: “At kapag nagseryoso ako, seryoso talaga at hinding hindi ako magsasawa.” lolz

    peace kapatid! ibeybi mo anak mo habang bata pa sya…mamiss mo yan pag lumaki sya..samantalahin mo din na mura pa pinapabili nya. Tingnan mo helicopter at airplane na lolz. Next time submarine na yan pramis!

    • At 2009.02.08 12:50, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      At negative yung similarities naten. Ibig bang sabihin nyan eh soulmates tayo? Kaso negative din? :lol:

  • At 2009.02.08 13:00, Helena PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

    soulmates tayo sure yun!! at oo sure ding negative! lolz

    • At 2009.02.08 15:22, Neex PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      Hula ko no.7 yung kwentong barbero. Haha

      • At 2009.02.09 03:48, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Wahaha Neex, napadpad ka dito!

      • At 2009.02.09 10:35, Neex PHILIPPINES said:
        Using Safari 525.27.1 on Windows XP

        Okay na yun na paminsan minsan iniistorbo ko naman kayu dito. Hahaha

      • At 2009.02.11 05:19, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Sabihin mo, wala ka lang magawa. :lol:

    • At 2009.02.08 15:37, mayui PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows Vista

      ang hirap nga hulaan, kuya. pero sa tingin ko either 7 or 8 yun.
      mukhang sarcasm yung 7, pero parang di ikaw yung tipo na nanunuhol sa pulis (saka isang daan lang na suhol? may papayag ba sa ganon?) :lol: sana nga magtuloy-tuloy na yung pagbawi mo sa kurt mo. :) GOD bless, kuya.

      • At 2009.02.09 03:49, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Sa hirap ng buhay ngayon, kahit 100 pinapatos na. :lol: At hinde pwedeng dalawa ang sagot kasi isa lang dyan ang kwentong barbero. :lol:

      • At 2009.02.09 04:27, mayui PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows Vista

        sige na nga. sagot ko, 7!
        may premyo ba ang makakahula? :P

    • At 2009.02.08 19:17, p0kw4ng GERMANY said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      di na ako manghuhula…para namang lahat totoo yan eh..

      • At 2009.02.09 03:49, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Hindeeee.

    • At 2009.02.09 09:39, joycee PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      anlakas ko talaga sayo sa mga tag hanu :) *salamats..

      I go with number 7, hehe. wala lang feeling ko lang. O baka number 5? ay ewan!

      • At 2009.02.11 04:53, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Syempre, takot ko lang sayo di ba? :lol:

    • At 2009.02.09 11:16, potsquared JAPAN said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows Vista

      parang ang hirap hulaan ah.. pero sa tingin ko yung number 12 ang di totoo jan… pramis…

      • At 2009.02.11 04:53, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Tsk mali, number 13 kaya.

    • At 2009.02.09 16:36, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

      cge makikihula ako. ung #1. logic–> limang taon kinukuha ang archi,so kung nagdalawang universities ka, malamang ay kakagrad mo lang. hindi ako sure sa calculations ko..

      mali ako? kpayn!

      • At 2009.02.11 04:54, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Hinde kung anong year ako grumaduate ang dapat mong hulaan kundi kung ano ang kwentong barbero!

    • At 2009.02.10 06:27, kat PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      Ang hula ko ay number 7.

      Ako din walang sense of direction. Pag nagta-taxi nga ako tapos tinatanong ako kung saan kami dadaan naiinis ako dahil wala akong natatandaan sa mga kalye at landmark kahit ilang beses ko pang daanan. At kaya kong magsaulo ng mga nababasa libro pero hanggang ngayon hindi ko matandaan kung anu ba ang Glorietta 1,2, 3 at 4!

      • At 2009.02.11 04:58, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Glorietta 4 yung malapit sa Landmark. :lol:

    • At 2009.02.10 10:11, Dadadoll PHILIPPINES said:
      Using Google Chrome 1.0.154.48 on Windows Vista

      number 3.

      • At 2009.02.11 04:58, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Wrong. :P

    • At 2009.02.13 14:55, jeniffer PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.14 on Windows XP

      Oh I see ka-tamaraws pala kita ako din naka dalawang school.. FEU tapos UPHS(likod ng uste).. 2 yrs. ako sa bawatt school.. lumipat ako kc ang mahal ng tuition namin, 80,000.. eh sa UPHS 60,000 malaki difference… wala pa jan ang graduation fee and other expenses.. so graduate me 2008 ng nursing.. I finished on time, since nahabol ko lahat ng subject ko.. so I spend only 4 yrs.. but don’t expect that my grades are good.. dahil naghabol ako.. di ko natutukan ang mga subjects, sa sobrang dami.. ganun ang mundo ko nun.. malaking BUSY.. hahaha.. and now is the opposite.. after all my complaints “ANG HECTIC NG SCHED. KO..” ngayon naman.. “BAKIT WALA AKO MAGAWA?” lol.. :)

      • At 2009.02.17 06:13, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Nyaha it only shows na wala talaga tayong kakuntentuhan sa buhay. Angal ng angal. :lol:

    • At 2009.02.15 09:44, glesy the great PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      o? anong ngyari sa comment ko
      lintek naman o

      • At 2009.02.17 06:14, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Pumasok naman ah.

    • At 2009.02.15 09:46, glesy the great PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      basta ang sabi ko ayaw kong mag-isip tinatamad ako… isa lang naman ang di totoo jan so wala nmang mangyayari kung maniwala akong lahat yan totoo… pero alam ko hindi tumatanggap ng transferree ang uste… ayaw ko ng mag-cheers… nabwibwisit na ako;p

      • At 2009.02.17 06:14, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Bwahaha mali naman. Bytheway, bumalik ka na!

    • At 2009.02.16 05:31, muymuy UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      alam ko na kung ano yung hindi totoo..

      number 7.

      • At 2009.02.17 06:15, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Hmmm pwede!

    • At 2009.02.17 06:06, Arachne PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      #8? at di ako tumingin sa guess ng iba.. :P

      • At 2009.02.17 06:12, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Dahil hinde ka tumingin, mali ka tuloy. :lol:

    • At 2009.02.18 01:20, flamindevil UNITED STATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      tingin ko (palagay ko lang ha) binobola mo kami sa number 9.nagbaback read ako ng mga posts mo, parang hindi ka naman yung tipo ng tao na mangongolekta ng t-shrits.haha

      so my verdict: number 9 is a HOAX!

      • At 2009.02.22 11:09, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Mali parekoy. :lol:

    • At 2009.02.18 01:58, revsiopao ITALY said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

      nagsasawa na akong manghula!
      ayoko na talaga!

      #9 ba?
      {nakigaya na lang kay flamindevil}

      • At 2009.02.22 11:09, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.6 on Windows XP

        Dahil nakigaya ka lang, mali din. :lol:


    (Required)
    (Required, will not be published)