Ilang araw din akong nawala sa mundo ng internet. Bukod sa nagseryoso na ko sa pagttrabaho ngayon, bigla din akong nawalan ng connection. Ehem oo naman, seryoso na kong callboy. Hindi na ko nale-late ng konti, umaattend na ko ng uptrainings, at hindi na din ako nagrerelease ng call kapag badtrip yung customer ko. Sa mga panahon na yun at kahit sobrang occupied na ako, ang dami ko pa ring biglang naiisip. Pero lately, laging pumapasok sa utak ko yung madalas na itanong at sabihin sakin ng mga tao. Eto mga sample:
Sabi nila: Bakit ka nagccall center? Architecture graduate ka di ba?
Sabi ko naman: Eh ano bang pakielam nyo? Mabilis ako magsawa eh.
Sabi nila: Parang ayoko sayo. Babaero ka eh.
Sabi ko naman: Mas okay na yun. Kesa naman lalakero, di ba?
Sabi nila: Bakit hindi ka nakatira sa bahay ng ermat mo?
Sabi ko naman: Mas trip ko mag isa, I’m free to do anything I want.
Sabi nila: Ano bang pinakagusto mo sa isang babae?
Sabi ko naman: Yung hindi mahihiyang kumain sa harap ko.
Sabi nila: Anong oras na? Late ka na naman.
Sabi ko naman: Sira yung stop light sa may Ayala eh.
Sabi nila: Wala ka bang plano sa buhay mo?
Sabi ko naman: I’m a non-plan planner.
Sabi nila: Parang lagi kang happy go lucky lang.
Sabi ko naman: Akala nyo lang yun, graduate na ko dyan.
Amp nakalimutan ko na yung iba, sa susunod na lang. Kapag naisip ko ulit, isusulat ko na siguro sa papel. Sa ngayon, yung parating na medical exam ng company namin ang pinoproblema ko. Putaena naman kasi, kailangan daw fingerin sa pwet. May nagsabi sakin kanina, dahil daw exposed kami masyado sa radiation. Sabi ko naman, bakit ba.. pwet ko ba nakatapat sa harap ng computer kapag sumasagot ng tawag ng mga nyemas na Amerikano? I’m thinking of resigning na tuloy. Kaso naman kapag tinanong ako ng bago kong aapplyan kung bakit ako nagresign sa previous work ko, anong sasabihin ko? Dahil ayokong magpa-finger sa pwet? Oh no, I’m torn! One more week . . .


dilemma nga iyan pare. sos. charge to experience yan. kaso nga lang masaklap na experience nga lang.
eto ung isa kong tanong: sino nanay mo? sinnooo? lols..
peace!
Eh sino muna tatay mo?
tsk kaya naman pala aktib ang neytan, may new post pala, sus kung kelan naman nagseryoso tsaka dumating yang medical na yan.
pero ginagawa ba talaga yun sa medical??? hmmm. matawag ang doktora helena para magpaliwanag.
Oo nga, at bukas na medical ko.
okay lang yun..mas malaki pa din naman ang tae na lumalabas sa pwet mo kesa sa ipapasok na finger eh..umalma ka kung kamao na ang ipapasok,hihihi
marami talagang tao ang mahilig problemahin ang ibang tao,hihihi dami nilang tanong….
pero ako may tanong din…pag tumatae ka anong itsura mo?
At naikonek konek mo ang medical ko sa tae at sa mga tanong. Napakahusay!
kapag tinanong ka bakit gusto mong mag resign? sabihin mo i wanted to explore a new field that is interesting for me and i am willing to be trained
good luck!
Uyyy pwedeeee!
Nyaiks! Sige sabihin mo ako na lang gagawa…di naman kita fifingeren…ako na lang magsusulat sa rectal exam notes mo..o di ayos problema mo diba?! Hindi ba pwedeng ako?! cge magresign ka na lang..lolz
Kung pwede lang ba eh.
kiiiiiiiirk! namiss kita ah! hahahahaha! sus. eto naman! part lang naman ng routine examination yang gagawin sainyo.. go ka na jan!
Namiss din kita kasi namiss mo ko!
ahahaha… ayos!!! iliha mo na yang pwet mo para looking bright and new na pagdating sa judgment day…
unting sakit lang yan… kaya wag mo ng ipagdamot yung pwet mo… ahaha parang natutuwa ako sa agony mo… cheers;p-glesy the great
Putaenang yan.
“Oh no, I’m torn!” —-> nyahahaha censored ata pumasok sa isip ko ah.. amp! ka talaga hernandez! lols
buti nmn nagseryoso kana ng kaunti. wag nmn masyado baka di ka na nmin makilala…
Nyaha! Hoy, busy ka ata the past few days?
eow neytan…mustasa??
anu na naman tong pinag-iisip mo? nagpapaniwala ka sa mga yan o. Walang namiminger ng pwet pag nagpapa-medical, binubuka lang nila ung magkabilang pisngi nito para makita kung may buntot ka ba talaga o wala nyahahaha!!
di nga, titingnan lang naman, indi hahawakan at walang ipapasok. paranoid.

Nagkwento kanina yugn officemate ko, may ipapasok daw eh tapos iikot pa sa loob. Amp yan! Oo nga pala, namiss kita!
misis ko rin, thomasian at archi. =D
Huwaw. Anong year sya grumaduate?
isipin mo na lang mga paghihirap ng bakla
finger lang naman pala eh hahah!
tsaka hindi lang naman ikaw fifingerin diba, marami naman kayo kaya ok lang naman siguro hahaha!
Hmmm salamat sa encouragement.
Baka naman visual check up lang ang gagawin?
Baka naman sexy at maganda yung Doctor na magpeperform?
Baka naman 1 minute test lang yun, so sayang naman kung magreresign ka.
Baka naman.. baka naman..
haha.lol ako sa post na to.medyo hindi nga acceptable ang reason na yun.ewan ko nga ba bakit kelangan sa medical nito.dumaan na rin ako dito and it’s not the best thing that could happen to you. goodluck.
Anong pakiramdam pagkatapos pre?
>Sabi nila: Ano bang pinakagusto mo sa isang babae?
>Sabi ko naman: Yung hindi mahihiyang kumain sa harap ko.
may babaeng nahihiya kumain sa harap ng ibang tao???
kakaiba.
tiisin mo na muna yang pwet mo, baka pag lumipat ka ng work mas masahol ba dyan ang medical nila. may kakilala kasi akong ganyan din, umiwas sa medical na mahawakan ang pwet pero dun sa nilipatan nya yung ano nya ang hinawakan ng doktor. doktok na matandang lalake. ewww!
Waaaaaaa salamat ng marami!
“Sabi nila: Ano bang pinakagusto mo sa isang babae?
Sabi ko naman: Yung hindi mahihiyang kumain sa harap ko”
Okay lang din ba yung malakas kumain?
Okay lang, basta totoong tao.
oy namiss ko tumambay dito wah:D
…bakit pinifinger sa puwet?..pra san ba yun?..natawa ako sa sinabi mong “pwet ko ba nakaharap sa computer”..hehehe
Who's Online
Powered by IP Address Location
Recent Posts
Recent Comments
Most Popular
Quick Chat
Top Locations
Copyright © 2008 Kirksydney.com
Emerald Green | Design: NET-TEC Nachrichten of Geländer. Coding: Terrasse of natürliche Potenzmittel.
Proudly powered by: WordPress
Valid CSS and xHTML