Kahit hindi pa tapos yung meeting nung Sunday at kahit halos sumigaw na yung QA namin sa galit dahil sa mababang scores ng batch namin, ang iingay na ng mga kasama ko sa likod. Pinag uusapan yung swimming for that day. Ang dami kasing mga buraot na nagsiatrasan. Sudden change of plan kasi yung nangyari. Ang original talaga, sa Dasma Cavite kaso when we called the resort, hindi raw pwede magpasok ng alak. Ampota yan. Meron kasi silang bar dun at kailangan dun lang dapat bumili. Ayaw naman pumayag ng lahat kasi syempre dapat talaga may inuman na hindi ginto ang presyo ng alak. Second choice nila sa Antipolo. Ang dami namang tumutol kasi gusto nila outside Metro Manila daw. Nakikinig lang ako sa kanila at naghihintay ng final decision dahil wala naman akong pakielam kung saan kami pumunta. Basta may beach, yosi, at alak, solve na ko dun. Mabuti na lang yung isa kong officemate, may kamag anak sa Pansol, Laguna. Isang tawag nya lang sa pinsan nya, may nahanap kaagad na available na private resort. Sa tatlumpung agents na umoo before that day, katorse na lang kaming natira. Sa anim na coaches naman, dalawa na lang sila. Pero tinuloy pa rin, sayang naman mga dala naming gamit. Hehe. Tinawag pa nga ni coach yun na 500 pesos extra challenge kasi usapan, hindi dapat lalagpas sa 500 yung gagastusin ng bawat isa samin.
We left Manila at around 6pm, may mga stop over para magyosi so we arrived sa Laguna ng mga 9pm na. We stayed there for one night and one day. May inuman, bilyaran, sugalan, puyatan, kwentuhan, asaran, laglagan, tuksuhan, at mawawala ba naman ang simpleng ligawan. We all had fun. I had fun. Then right after the Laguna escapade, imbes na umuwi na, we went straight to coach’s house. Inuman ulit na para bang bukas eh wala ng yosi at alak. Alas dos ng madaling araw na kami natapos at hindi na naman ako nakauwi.
Mula nung Linggo ng hapon, Martes ng umaga na ko nakauwi sa unit ko. Kahit hindi ko naramdaman yung 2 days off, ayos lang. Masaya naman, kahit papano nakatakas kami sa magulo at talaga namang nakaka-stress na work sa call center. At oo, natalo kami sa 500 pesos extra challenge dahil hindi ko alam kung magkano nalagas sa wallet ko pero siguradong sobra sa 500 pesos yun.


asan ang katawan na pinagmamalaki mo???! boo! wala nmn ah!!!
hahahah… pero infairness parang you had fun talga at walang kastress-stress (read: hindi malandi hyuk hyuk hyuk).. yung mga kuha mo relaxed talga itsura mo… bagay sa’yo..
Di ba pinakita ko na sayo yung katawan ko dun sa photo sharing sa YM?
ooh! i want to see it too!
Mga manyaks!
blank blank blank………..
yoko na!
Palpak amp!
huh?! saan?! (annoyed) iba atang k-chat mo eh…
ang gaganda ng mga babae jan sa laguna..grabe, mga nakakatibo
Mas maganda ka naman sa kanila.
yan ang na miss ko sa buhay pinas.Enjoy lang habang bata pa.
Hmmmm okay.
ayan hinay hinay lang sa pag-inom at yosi, baka masermunan ka ate helena..
Lage namang wala yun eh.
ayun ang isang ayaw kong inuman..yung malalasing ka sa presyo ng alak…
ayos…panalong weekend!
Wahaha tamaaa.
walastek.. ang tagal ko na palang di dumadalaw dito!!! yan ang kulang sakin ngayon…. di pa ako nakakagala… ahehe.. okay lang na hindi mo na mauwian ang unit mo, sayang ang saya!!! cheers;p-glesy the great
Masyado ka atang busy eh.
kirk.. pafa.. welcome to the club! hihihi
Club ng ano Fareng Pot?
sweet kasi kayo nung isa jan.. inggit ako.. hihihi
it looks like you really had fun.
at least e naka-takas kahit 2 days sa stressful na buhay-kolboy. ayos ‘yan!
cheers!!
Oh yeah, all worth it.
no comment! nyahah!
namiss ko tuloy yung beach sa pinas.
ayan lang comment ko. lols!
No comment ka pa ng lagay na yan.
padaan poh ahehe.. yan ang potang kaasar sa mga resorts na yan sinasamantala ang kahinaan nating mga lasenggo..
Haha lasenggero.
ang saya niyo.
Oo.
Yeah, I added more pics.
yan ba yung beach kung saan tayo magsu-shooting?
Hinde yan, panget yan para sayo.
di ganyan kaganda ang pansol…as i remember it…baka sa pics mo at sa napuntahan mo…wahehehe…
lanya…new job na ako tsong…seryosong nagsusulat na ako…weeeeeee…
Sa camera lang yan.
san namang resort yang ayaw magpapasok ng alak? boo! pero seryoso, baka alam ko yung resort na yon medyo malapit ako dun eh.
di baleng pagod basta masaya. pag napagod dahil sa lakwatsa mas masaya!
Yung Bolets na resort sa Dasma.
aha, Bolets! kapitbahay!
arrgh! nahuli ako…sorry neyt..anyway nakita ko naman ang ibang pics na yan sa friendster mo. Oh diba updated pa rin naks! Hindi ako magsesermon ngayon joycee kasi hang cute na naman ng pic nya doon oh..ayun!
{wag ka na magkalat ng pagnanasa issue okei? walang maniniwala}
haha..ingats kapatid!
Sabi ko nga wala kang pagnanasa saken eh.
I’ve been in Pansol, xmpre yung rest house and resort dun ay pagaari ng aming school.. perpetual, likod ng USTE.. dun kami nagretrit..
enjoy ba? hehe..pustahan naubos 500 mo sa yosi.. ai joke lang hehe..
Perpetual ka o Uste? Sensya na bangag ako ngayon at mahirap umintindi.
Who's Online
Powered by IP Address Location
Recent Posts
Recent Comments
Most Popular
Quick Chat
Top Locations
Copyright © 2008 Kirksydney.com
Emerald Green | Design: NET-TEC Nachrichten of Kamine. Coding: Schwedenhäuser of Kopfschmuck.
Proudly powered by: WordPress
Valid CSS and xHTML