Archive for January, 2009

7
January

Call center 101

Posted by kirksydney | 46 Comments

Category: Callboy manias

Sa loob ng tatlong buwan kong pagiging callboy, ang dami ko ng nakausap na iba’t ibang klaseng customers. Ang dami ko na ding mga kakaibang scenarios na naranasan. Merong mga sobrang nakakabadtrip talaga pero meron din namang sobrang natatawa na lang ako. Depende na lang sa tao kung paano nya dadalhin yung sitwasyon nya. Para sa mga kapareho kong callboys and callgirls, siguradong naranasan nyo na din tong mga sitwasyon na to. Kung hindi man, paniguradong mararanasan nyo din to in the near future, wahaha! Para naman sa mga taong nagbabalak pa lang na pumasok sa magulo, nakakapagod, at puyatang mundo ng call center, baka mapaisip kayo ulit pagkatapos nyong mabasa to. At para naman sa mga walang balak dyan, magbasa na lang kayo. Kung ayaw nyo naman eh magkunwari na lang kayo na binabasa nyo. Kung ayaw nyo pa rin, eh taena lumayas na lang kayo.

Situation #1: Nasaan kayo ng kailangan ko kayo?

- Eto yung sobrang weird ng na-rereceived kong calls. Kahit na kabisado ko na ang pasikot sikot ng product namin, talagang dadating yung time na may tatanungin sakin yung customers at hindi ko na alam kung saan hahagilap ng sagot. Syempre I will put him on hold for two minutes sabay takbo sa coach ko. Pero madalang pa sa bulalakaw na natutulungan ako kaagad ni coach kasi madami din syang ginagawa. Kapag hindi sya available, merong chat support na galing sa help desk. Kaso naman kasing bagal pa ng Windows95 sila kung sumagot kaya kahit kailan, hindi ko sinubukang gumamit ng chat. Pwede din namang humingi ng tulong sa mga kapwa ko agents kaso nahihiya akong i-approach sila lalo na kapag may calls din sila. Kaya ang ginagawa ko na lang eh nagpapacute.. este nakikisuyo ako sa ibang mga coaches. Palagi namang umeepekto ang pagpapacute.. isa pang este paglapit ko sa kanila. Pero not all the time na may available na ibang coaches, tamang timing lang ang katapat.

Read the rest of this entry »

3
January

Huli man daw, huli pa rin

Posted by kirksydney | 43 Comments

Category: Endless rants

To hopingly start the year 2009 right, sumama ako sa team building ng bago kong group sa Pangasinan. Dahil we went to the beach, of course I had fun. We ate a lot.. we drank a lot.. kaso we weren’t able to do boating nor snorkling kasi kahit maaraw, ang lalaki nung alon. Ayaw kaming payagan ng team leader namin, baka daw tumaob yung boat or malunod kami. Amp kill joy, palibhasa gurang na. Nyaha. Naalala ko tuloy yung previous coach ko. Kung gaano sya kabata at kasexy, kabaligtaran naman sya ng coach na napuntahan ko ngayon. Waaaa kinarma na yata ako. Pero ayos lang, kasi mabait naman yung new coach ko. Dahil nga may edad na, para syang nanay sa aming lahat. Nanay na nagger nga lang. Heto pala group picture namin sa Pangasinan, kayo na bahala mag isip kung saan dyan si coach, hehe.

Read the rest of this entry »