16
January

Call center 102

Posted by kirksydney Popularity: 388 views

Category: Callboy manias

Ngayon lang ako nagkaoras at sinipag ulit kaya pasensya sa mga nabitin ng husto sa Call center 101. Hmmm at dahil naaamoy ko at nagpaparamdam na naman si katamaran, mabuti pang simulan ko na. Ehem ehem game..

- Kapag natapat ka sa tinatawag nilang Jurassic na computer, paktay ka na. Jurassic yung tawag nila dun sa mga lumang computers na sobrang bagal magload ng system. Hindi ko ginagamit yung word na yun kasi para sakin pangbakla masyado. Hindi pa naman pwede mamili kasi walang permanent na station. Kung saan ka naka-assign for that week, doon ka na.

- May mga oras na hindi gumagana ang amplifiers at headsets. At kapag nangyari yun ng nasa middle ka ng call, wala kang magagawa kundi gamitin ang speaker feature. Bukod sa kailangan mong umiba ng pwesto at ingudngod ang mukha mo sa speaker para lang magsalita ka at marinig ang customer, napakahirap din magpindot ng kung ano anong buttons. And worse, maririnig pa ng buong floor kapag sinisigawan at minumura ka na ng customer.

- Dumadating din yung mga panahon na nagkukulang sa swivel chairs at pods lalo na kapag graveyard shift. Nakadepende na lang sa coach ang swerte mo. Merong mga coaches na automatic ng hindi ka muna pagttrabahuhin hanggat wala pang bakante. Pero kung isa ka namang pagkaswerte swerteng nilalang, mapipilitan ka talagang magtake ng calls ng nakatayo.

- Kung new hire ka pa lang, wala ka pang permanent na locker. Madalas ding nagkakaroon ng scarcity sa lockers at priority yung mga regulars na kahit may dala ka pang sarili mong padlock. Kailangan mo pang maghintay ng team mate or batch mate mo para magshare kayo sa isang locker. Ang technique dyan, agahan mo ang pasok o kaya huwag ka na lang magdala ng gamit mo.

- Hindi uso ang martir sa call center. Five minutes before ang break time at kahit may call pa, makikita mo na sa soft phone ng mga agents ang “aux mode delayed”. Ibig sabihin lang nyan, right after that call, automatic ng hindi makakareceive ng susunod na tawag at automatic na ding break. Unahan na ang mga agents sa wash room, sa pantry, o kaya sa smoking area. Kung babagal bagal ka sa pagclick sa soft phone mo, paniguradong tuloy tuloy ang calls mo at hindi ka na nga makakapagbreak. Kapag naman tapos na ang 15 minute break, nagpapakiramdaman na yan. Usually, kung sino pa yung mga naunang magbreak, sila pa yung mga nahuhuling bumalik sa stations.

- Katropa mo na ang lahat ng klase ng vendors. Cigarette vendors, fishball vendors, icecream vendors, kakanin vendors, at kung ano ano pang vendors. Katulad ng buhay ng mga call boys at call girls, magdamag din silang gising at naghihintay sa labas ng gate. Minsan nga magugulat ka pa, nakikipag usap na din sila sayo in English. Pero huwag ka ng magulat kung doble ang presyo nila. Isang piraso ng yosi eh dalawang piso. Yung candy naman na dapat tatlo dos eh piso isa. Taena. Ikaw kaya buong araw at buong gabing tumambay sa labas, ewan ko lang kung hindi mo doblehin ang presyo.

- Hindi advisable na kumain sa pantry. Itataya ko ang isang buwang sweldo ko dyan amp! Sa mga hindi pala nakakaalam, pantry ang tawag sa canteen o sa kainan. Palagi na lang pangat ang ulam. Pangat-long init, wahaha. Ang susungit pa ng mga nagbebenta. Mapipilitan ka lang kumain dun kapag nasa graveyard shift ka at walang 24 hours open na fast food chain sa paligid.

Okay, nagtagumpay na si katamaran kaya to be continued na lang ulit . . .

41 Comments

  • At 2009.01.16 11:33, revsiopao ITALY said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

    dapat makauna… kahit hindi ko pa nababasa. he he!

    • At 2009.01.16 11:34, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      Amp basta mauna lang. :lol:

  • At 2009.01.16 11:41, revsiopao ITALY said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

    Gusto ko ding maka-tropa ang mga fishball vendors, ice-cream vendors, at kakanin vendors.

    Parang ‘yun lang ang masarap na part sa mga ni-kuwento mo e.

    Bitin ulit… part 3 na dali!

    • At 2009.01.16 11:45, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      Wala pang sampung minuto nung pinost ko yan, nanghihingi ka kaagad ng part 3. :cry:

  • At 2009.01.16 11:52, revsiopao ITALY said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

    huwak na mag-explain…
    part3 na dali!…. he he!

    • At 2009.01.21 04:09, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      Saka na, yang escapade muna namin. :D

  • At 2009.01.16 12:23, The Gasoline Dude SINGAPORE said:
    Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

    Hindi ako maka-relate. Hindi pa kasi ako nakapag-trabaho sa call center. Hehehe. Pero nami-miss ko na ang mga Jollijeep sa Makati. Dun kasi ako bumibili dati ng mga kakanin kapag merienda time na.

    • At 2009.01.21 04:10, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      Wahaha alam ko din yang Jollijeep.

  • At 2009.01.16 23:20, utakmunggo UNITED KINGDOM said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows Vista

    hindi naman halatang natatae ka at ginagawa mo lang excuse na tinatamad ka. hihi

    nagdodobol shifting rin pala ang mga vendors ano. haha.. kayo ang nagpapayaman sa kanila. sabagay, kung ako man ang nasa kalagayan nyo, magi-eat all you can fishball, balut, etc nalang ako kesa kumain ng pangat. (salamat sa bagong natutunang word)

    • At 2009.01.21 04:10, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      Himala hinde mo alam yung ‘pangat’. Hmmm…

  • At 2009.01.17 05:57, baboyita PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

    tropa din namin ng mga officemates ko ang mga fishball vendors. na bigla na lang maglalaho sa harap mo at kakaripas ng takbo pag may nanghuhuling pulis sa ayala. ang saya ng adventure!

    • At 2009.01.17 08:53, jeniffer PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.14 on Windows XP

      ah sa call center ka pala work.. so makati boy ka ba dati? bago ka pa lumipad?

      • At 2009.01.17 10:38, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Lumipad? Saan naman ako pumunta? :lol: Makati boy pa rin ako hanggang ngayon.

    • At 2009.01.17 11:10, joycee PHILIPPINES said:
      Using Google Chrome 1.0.154.43 on Windows XP

      sus si jen hilo na naman ata.

      ay naku lahat nga ata ng callcenter ganyan ang pantry. tas magpapalit-palit ng concessionaire na sa uan lang masarap ang ulam, pag tumagal, pangat na naman. garsh.

      • At 2009.01.21 04:11, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Oo nga, may survey pa nga yung HR office namin. Puro one binigay ko. Kung may zero lang ba eh.

    • At 2009.01.17 13:17, p0kw4ng GERMANY said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      ayos pa ngang kumain sa labas kung ganon…naalala ko nong nasa baguio pa ako nag aaral..tanghalian ko eh 1 day old hick,hihihi

      • At 2009.01.21 04:13, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Old hick? :P

      • At 2009.01.21 18:19, p0kw4ng GERMANY said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        suri tao lang dude..chick pala yun,hihihi

    • At 2009.01.17 15:58, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

      namiss ko tuloy ang taho na sa gabi nilalako. oo mei taho sa gabi tama? eh di ba mei ministop naman? ay oo nga pala sa rcbc ka nga pala kaya mejo malayo kayo sa mga convenient stores. kakamiss din yung napakalinis na ayala ave sa madaling araw na pwde makipag patintero sa kalsada.. heheh..

      • At 2009.01.21 04:13, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        The best nga ang Ayala Avenue!

    • At 2009.01.19 00:14, potsquared JAPAN said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.14 on Windows 2000

      so lahat yan ay naranasan mo na pafa kirk.. napakaswerte mo naman pala.. at bilib ako sa mga vendor ah. spokening dollar ah.. baka mas mahusay pang mag si english yang mga yan.. ehehehe

      • At 2009.01.21 04:13, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Nakakagulat nga sila bilhan eh. :lol:

    • At 2009.01.19 08:21, kat PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      Ganun, kulang sa gamit at may mga gamit na dysfunctional? Naku, warla yan. Buti na lang hindi ko naranasan yung ganyan nung panahong sinubukan kong mag-call girl. Prang ang hirap naman ng naka-speaker phone dahil napaka-ingay sa floor. Sa kabutihang palad maayos naman lahat dun sa pinagtrabahuhan ko. Winiwish ko pa ngang may masira para hindi ako makapag-calls wehehe.

      Totoo yang sinabi mo sa pantry. And sungit nga din nung tindera dun sa teleperfomance. Lagi nakasimangot. Tapos yung mga food ang mamahal na kala mo milyones ang kinikita ng mga nagtratrabaho dun.

      • At 2009.01.21 04:16, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Salamat at naiintindihan mo kalagayan ko. :lol:

    • At 2009.01.20 10:41, Arachne PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      talaga nmn at ayokong mag call center.. hahaha… saludo ako sa’yo at nkatiis ah.. :p officially over na ang countdown. :D

      • At 2009.01.21 04:16, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        I won!!!

    • At 2009.01.21 04:37, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Mac OS

      buhay call boy nga naman, pero enjoy ka naman? di ko lang kase sure kung ito ba eh reklamo o mga bagay na kinatutuwaaan mo?
      bakit yung naranasan ko na pagiging call girl ang gawa eh yung tipong nakatayo ka lang sa labas tapos pag may dumaan na mama sasabihin mo lang ” hi pogi” ehehehehehehe…

      • At 2009.01.21 04:49, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Ahh yan yung call girl na mukhang mayaman.

      • At 2009.01.21 04:57, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Mac OS

        yaman ko diba pakipansin naman na akin lang yung mozilla Firefox 3.0.5 on (may drawing na apple na may kagat na rainbow color) Mac OS
        ehem… ehem…ay em rich
        hihihihihi

      • At 2009.01.21 04:59, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Ayan buti nga nawala yung icons. :lol:

      • At 2009.01.21 05:27, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Mac OS

        wat da icon? eyng???

      • At 2009.01.21 05:29, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Lumalabas sayo yung images? :cry:

      • At 2009.01.21 05:42, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Mac OS

        ahhhm syempre kase saming mayayaman wala yang ganyan ganyan mo… (kahit wala akong idea sa mga sinasabi mo) pero oo andito pa din yung apple na may kagat na rainbow color na nagsasabing ang yaman mo teh!

      • At 2009.01.21 05:58, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

        Sus kunyari alam yung sinasabi ko. :lol:

      • At 2009.01.21 06:16, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Mac OS

        mukha nang plurk tong commentahan mo, at oo alam koyung sinasabi mo… ahhm ano ba kase yun…

    • At 2009.01.21 06:47, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.5 on Windows XP

      Ahhh yung ano yun. Di ba?

      • At 2009.01.21 10:42, KIng SAUDI ARABIA said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        ganun pala sa callcenter? wala kasi akong work exprience sa field na yan pero mukhang masaya.

        • At 2009.01.24 03:51, kirksydney PHILIPPINES said:
          Using Mozilla Firefox 3.0.1 on Windows XP

          Ay wak mo ng pangaraping magka-experience pa.

      • At 2009.01.22 04:36, yas PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

        wa akong masabi. hehe buti na lang at wala na ako sa voice account.. chat chat na lang. haha

        • At 2009.01.24 03:51, kirksydney PHILIPPINES said:
          Using Mozilla Firefox 3.0.1 on Windows XP

          Mas boring yata yan?

      • At 2009.01.26 20:34, brotherutoy FRANCE said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        tagal kong di nadako dito ah. andami nang post, nyemas sa backread.

        natawa naman ako dun sa vendors. hataw sa tubo, presyong mall. nyahaha!


        (Required)
        (Required, will not be published)