Sa loob ng tatlong buwan kong pagiging callboy, ang dami ko ng nakausap na iba’t ibang klaseng customers. Ang dami ko na ding mga kakaibang scenarios na naranasan. Merong mga sobrang nakakabadtrip talaga pero meron din namang sobrang natatawa na lang ako. Depende na lang sa tao kung paano nya dadalhin yung sitwasyon nya. Para sa mga kapareho kong callboys and callgirls, siguradong naranasan nyo na din tong mga sitwasyon na to. Kung hindi man, paniguradong mararanasan nyo din to in the near future, wahaha! Para naman sa mga taong nagbabalak pa lang na pumasok sa magulo, nakakapagod, at puyatang mundo ng call center, baka mapaisip kayo ulit pagkatapos nyong mabasa to. At para naman sa mga walang balak dyan, magbasa na lang kayo. Kung ayaw nyo naman eh magkunwari na lang kayo na binabasa nyo. Kung ayaw nyo pa rin, eh taena lumayas na lang kayo.
Situation #1: Nasaan kayo ng kailangan ko kayo?
- Eto yung sobrang weird ng na-rereceived kong calls. Kahit na kabisado ko na ang pasikot sikot ng product namin, talagang dadating yung time na may tatanungin sakin yung customers at hindi ko na alam kung saan hahagilap ng sagot. Syempre I will put him on hold for two minutes sabay takbo sa coach ko. Pero madalang pa sa bulalakaw na natutulungan ako kaagad ni coach kasi madami din syang ginagawa. Kapag hindi sya available, merong chat support na galing sa help desk. Kaso naman kasing bagal pa ng Windows95 sila kung sumagot kaya kahit kailan, hindi ko sinubukang gumamit ng chat. Pwede din namang humingi ng tulong sa mga kapwa ko agents kaso nahihiya akong i-approach sila lalo na kapag may calls din sila. Kaya ang ginagawa ko na lang eh nagpapacute.. este nakikisuyo ako sa ibang mga coaches. Palagi namang umeepekto ang pagpapacute.. isa pang este paglapit ko sa kanila. Pero not all the time na may available na ibang coaches, tamang timing lang ang katapat.
Situation #2: Takte mukha kang supervisor!
- Nathan: Thank you for calling Dish Network, America’s leader in HD and DVR services. My name’s Nathan. Can I have your first and last name?
- Customer: I want to talk to your supervisor.
- Nathan: Okay Sir, I’ll be glad to look for an available supervisor for you. However, I still need to verify some information so I can pull up your account.
- Customer: I said I want to talk to your supervisor.
- Nathan (on mute): Pakyu ka, sabi ng kelangan muna yung account mo.
- Nathan: I do understand that Sir, but I really need to pull up your account first so that my supervisor can review it. Will that be okay?
- Customer: Okay, what do you need to know?
- Nathan (on mute): Taena mo, papayag ka din pala.
Situation #3: Kakapalan na yan ng mukha huy!
- Para to sa mga garapal na customers na panay hingi ng adjustments. Kulang na lang eh maging free na yung buong service nila. We, as agents, have the power na magbigay up to $50 adjustment but it should be based on good judgment. Masasabi kong maswerte na yung mga natatapat sa akin dahil maluwag ako pagdating sa pagbibigay ng mga credits at adjustments na yan. Pero syempre chinecheck ko muna kung marami na bang hininging adjustment yung customers in the past. May ilang customers na dinadaan sa galit kasi alam nilang kapag ganun na, pwedeng bumigay kami kaagad. Pero hindi umuubra sakin yung mga yun lalo na kapag tinignan ko yung adjustment history at sandamakmak na adjustments na yung natanggap nya.
To be continued kasi kailangan ko ng maligo at may pasok pa ko . . .


kelangan ba ng comment dito???
isa lang masasabi ko swerte ka pa at inbound calls ka diba..
at isa pa, naliligo ka pala pag papasok no?
Oo naman, isa yan sa hinde ko natutunan sayo.
Nakita ko ‘yung bulaklak na pinadala mo kay ano ah! Hayuf! Anlufet! Idol! = D
(Pasensiya hindi related sa post mo ang comment ko. *LOLz*)
Kanino? Kanino? Kanino?
hahaha kala ko ba nmn tungkol sa flowers ang post.. wattah?!
abangan ko muna ang to be continued nito para mkarep ako ng related.. tsuri na..
Mukha ka na talagang flowers.
kamote naman nathan ang bitin ng estorya. bilis na ang continuation….
As if naman babasahin mo.
sus! hahahahaha..
Halatang hinde nagbabasa. Tawa lang.
hay… last nite kausap ko naman ang mga bestfriends ko sa india. Dun yata kasi ang AOL located. sigh… pano ko kaya mapalipat ang AOL call centre from there to Pinas? Kakainis na kasi kausap ang mga bumbay.
Naku mahirap nga yan tol.
ay grabe! unang salita nya palang talaga supervisor na agad ung hinahanap? baka naman close sila. lol. ang hirap sigurong maging callboy/callgirl. di ako marunong maghandle ng magugulong tao. haha.
Eh syempre, mas magulo ka pa sa customers mo.
nagbasa ako noh! eh hindi naman ako makarelate kase hindi ko naman alam job desc ng call center people.
yeees, ang sungit ko lang daw! wahahahahaha..
Excusesssssssssssssssss!
nice one, naktira ako sa bahay kung saan puro callboy ang kasama ko, ako lang talaga ang hindi. bihira kaming magsama-sama, madalas kasi iba iba ang sced, hirap nga siguro ng work nyo. pero kaya mo yan.
bakit kaya ang mga taga call center ang ingay sa elevator. hehehe….
Eh kasi feeling nila (kasi hinde ako kasama
), extension ng stations nila yung elevator. 
kung sa lalake callboy
sa babae callgirl
ano naman sa bading?
edi callGAYte. Nyek….
vist ka naman sa tambayan ko pag may time ka… god bless…
Uy pwede yan sa Bubble Gang ah.
just remember, you’re being paid to talk to stewpid, vapid, and hopeless people. kaya mo yan!!!! happy new year neytan.
Isipin ko na lang.. ham yan.
wow, dish network ka pala?! dish network ata kami dun sa CA.. or nagpalit na? ahaha..
AT&T agents lang nakausap ko sa call center dahil yung internet lang may problema eh.
Yeah, Dish Network nga, pwede syang bundled sa AT&T. Baka naman Direct TV kayo? Kalaban namin yun eh.
ui, di ah! dish network nga yun. di ko alam yang direct tv eh.
AT&T naman phone namin, obviously.
Wow, cge tawagan mo ko pagbalik mo.
ay nakakabiten hehe. sa ilang buwan ko ding pagiging callgirl, naransan ko din yang pinakauna. haha. kaya ayun lumayas na ko at binalikan ang HR.
oy kamusta application ko pala?
Binigay ko sa pinsan ko para sa kanya yung benefits ng referral. Kawawa naman eh, pulubi.
hasus may ganon daw… tuloy mo pa yun kwento.. nagbabalak din ako pumasok sa magulong call center na yan!!! para matawag din akong call girl nyahahaha!
happy newyear nathan..
at mwwaaah
Cge dali applyyyyyy!
hirap pala talaga ng buhay sa colcenter… buti’t nakakatagal ka po diyan neh? hehehe… kung di lang cguro mataas ang sweldo…
Oh yeah, sa sweldo lang talaga. Hehe.
woi nate!
Woi ka din!
Nung maikling panahong naging call girl ako, isa ako jan sa mga laging nangangailangan ng coach, paano ba naman Dell computers ang account ko at hindi ako techie na tao. Ewan ba bat napunta ako dun. Pero minsan nanghihingi din ako ng tulong dahil gusto kong magpacute dun sa coach na Amerikano hahaha. I must say ine-entertain naman niya ang pagpapacute ko.
Pwede rin kami nun magbigay ng discount (kasi Dell home sales ako) at merong mga nagggagalit-galitan para bigyan mo lang ng discount o rebate o kung anu pa man. eh medyo pushover ang tunog ng boses ko sa telepono, kaya binu-bully ako ng mga takteng amerikano.
Hindi rin ako tumagal sa call center kasi maramdamin talaga ako pag nasisigawan o namumura ako. Sa pagtuturo pala uubra ang malambing kong tinig,hahaha!
Nakupo. Marami talagang customers na sinisigawan mga agents, knowing mga Amerikano. Matira matibay nga labanan sa call centers eh.
uy hindi na sya nagpaparamdam “lang” tuwing may bagong post…talagng di na nagparamdam. Naks! nagbabagong buhay na nga. Pakiss nga muna kapatid!!
Haays makulay talaga ang buhay ng pagiging callboy. Mga naging dyowa ko rin {kunyari madame} ganyan halos ang mga linya ng trabaho.
Tyaga lang bro..pag pagod ka na dyan. Hanap ka na ng iba. Dyusme! with your talent, intelligence and good loooks {syet ayan na ang kidlat!} maraming kumpanya ang tiyak na nangangailangan ng katulad mo.
More power neytan! Syete! ang bait ko ngayon sayo!! Namiss kasi kita..ehehe..saka sana tulungan mo nemen maghanap ng work si joycee para metro manila area na din sya..dali na nemen! weeee!
Wahaha kunyari madameng jowa. Amp mula ng pumasok ako bilang callboy, wala na kong panahon magparamdam. Natatanong ko nga minsan sa sarili ko kung tao pa ba ko kasi nawalan na ko ng nighlife. Waaaa!!!
Salamat sa pambobola, mahal na kita!
yan ang kagandahan ng may second language. kapag gusto mo nang magmura, pwede. gawain ko rin yan, dangan nga lang eh walang mute button dito. it’s a matter of time na lang bago nila malaman kung anong description ko sa mga ina ng mga puting ito. hehe…
Pero naisip mo ba, baka sila din pinag uusapan tayo in a different language?
Ay kasaya pala talaga ng buhay ng mga kolboys at kolgerls.
Ay ‘to be continued’…
Bitin!
Wahaha bitinero.
parang kelang lang nung nakabisita ulit ako dito. kamustasa nemen neyt!
buti ka nga panay sa inbound ka lang eh, ako naranasan ko magbenta ng timeshares. sabak agad sa floor pagkatapos ng ilang oras na pagpapasada ng spiels. kala mo naman kagagaling namin.. hahah! ang hirap! yun lang masasabi ko… pero ang gusto ko lang sa graveyard shift ay dahil walang trapik na magpapa init ng aking ulo..
kaso pala mei nalalaman ka pa’ng to be continued… sos.
Ayan na nga may kasunod na eh.
dish? haha nag-dial din ako nyan for 3 months…outbound sales. ang galing. haha
klap klap!
Ganyan talaga, sa call center industry din ako kaso kami nagawa nang software application para sa mga TL at agents. Kaya tlga lam namin hirap nang work nila lalo na pag may technical problem ung system heheheh. Pero d2 sa IT department panay petiks hehehe kung wlang problem hehehe.
Who's Online
Powered by IP Address Location
Recent Posts
Recent Comments
Most Popular
Quick Chat
Top Locations
Copyright © 2008 Kirksydney.com
Emerald Green | Design: NET-TEC Nachrichten of Auslandsimmobilien Spanien. Coding: Kamine of Industriewaage.
Proudly powered by: WordPress
Valid CSS and xHTML