Ilang araw din akong nawala sa mundo ng internet. Bukod sa nagseryoso na ko sa pagttrabaho ngayon, bigla din akong nawalan ng connection. Ehem oo naman, seryoso na kong callboy. Hindi na ko nale-late ng konti, umaattend na ko ng uptrainings, at hindi na din ako nagrerelease ng call kapag badtrip yung customer ko. Sa mga panahon na yun at kahit sobrang occupied na ako, ang dami ko pa ring biglang naiisip. Pero lately, laging pumapasok sa utak ko yung madalas na itanong at sabihin sakin ng mga tao. Eto mga sample:
Sabi nila: Bakit ka nagccall center? Architecture graduate ka di ba?
Sabi ko naman: Eh ano bang pakielam nyo? Mabilis ako magsawa eh.
Sabi nila: Parang ayoko sayo. Babaero ka eh.
Sabi ko naman: Mas okay na yun. Kesa naman lalakero, di ba?
Sabi nila: Bakit hindi ka nakatira sa bahay ng ermat mo?
Sabi ko naman: Mas trip ko mag isa, I’m free to do anything I want.
Sabi nila: Ano bang pinakagusto mo sa isang babae?
Sabi ko naman: Yung hindi mahihiyang kumain sa harap ko.
Sabi nila: Anong oras na? Late ka na naman.
Sabi ko naman: Sira yung stop light sa may Ayala eh.
Sabi nila: Wala ka bang plano sa buhay mo?
Sabi ko naman: I’m a non-plan planner.
Sabi nila: Parang lagi kang happy go lucky lang.
Sabi ko naman: Akala nyo lang yun, graduate na ko dyan.
Amp nakalimutan ko na yung iba, sa susunod na lang. Kapag naisip ko ulit, isusulat ko na siguro sa papel. Sa ngayon, yung parating na medical exam ng company namin ang pinoproblema ko. Putaena naman kasi, kailangan daw fingerin sa pwet. May nagsabi sakin kanina, dahil daw exposed kami masyado sa radiation. Sabi ko naman, bakit ba.. pwet ko ba nakatapat sa harap ng computer kapag sumasagot ng tawag ng mga nyemas na Amerikano? I’m thinking of resigning na tuloy. Kaso naman kapag tinanong ako ng bago kong aapplyan kung bakit ako nagresign sa previous work ko, anong sasabihin ko? Dahil ayokong magpa-finger sa pwet? Oh no, I’m torn! One more week . . .


