Pers taym ko makipaglasingan sa mga Vietnamese. Sa totoo lang, hindi naman yun planado. Mula sa bahay ng isang ka-opisina, nakatanggap kami ng tawag galing sa kliyente nya. Nagtaka pa kami kung bakit pa-Ingles ingles sya sa telepono, yun pala yung may birthday na Vietnamese na ang kausap nya. At pagkatapos ng halos kalahating oras ng walang humpay na pagkukumbinsi, lumipat kami ng Gerry’s Grill sa may Bel Air. Pagpasok pa lang namin, kita na kaagad ang mga Vietnamese. Kakaiba kasi mga porma at nangingibabaw ang kaingayan nila. Nag umpisa kaming makipagsabayan sa kanila ng alas onse ng gabi at umalis kami ng alas kwatro ng umaga. Sa loob ng limang oras na kasama ko sila, heto ang ilan sa mga napansin ko:
1. All out sila pagdating sa toma. Hindi bababa sa pitong buckets ng San Mig light ang nasa mesa namin at lahat ng yun eh may laman pa. Halos hindi na nga umaalis sa tabi namin yung waiter kasi minu minuto eh umoorder sila.
2. Peborit nila ang inihaw na atay, chicken inasal, at pork barbecue. Nung una nagtaka pa ko kung bakit kumakain sila ng mga ganun. Bigla ko namang naisip, Vietnamese nga pala sila, at hindi Muslim. Katangahan amp.
3. Hirap silang mag-Inges. No offense sa mga may lahing Vietnamese dyan pero yun ang totoo. Kakaiba din yung accent nila. Mas sumakit ang ulo ko sa pag-iingles nila kesa sa iniinom naming beer. Maraming beses nga na hindi ko naiintindihan mga sinasabi nila pero tumatango tango na lang ako sabay smile para kunyari eh nakakasabay pa ko sa usapan.
4. Napakahilig nila sa picture taking. At bukod sa digital camera, meron pang video camera. Bawat galaw at anggulo eh kinukuhanan. Siguro meron silang Friendster accounts at i-popost nila dun. Aba syempre naman nakiiuso din sila.
5. Gustong gusto nilang matuto ng mga Tagalog words. Hindi naman yata nawawala yun sa mga ibang lahi. At wag nyo na lang itanong kung anong mga Tagalog words ang tinuro namin sa kanila.
6. Hindi sila gaano nagyoyosi. Nung tinanong ko kung bakit, puro scientific reasons and explanations ang binigay sakin. Taena sana hindi na lang ako nagtanong. Kasi pala, andito sila sa Pinas for almost seven months now, para mag aral ng pagiging caregiver. Huli ko na yun nalaman mula sa officemate ko.
7. Mautak sila pagdating sa inuman. Tinatambakan kami ng bote ng San Mig para malasing kami kaagad. Pero naman… mas may uutak pa ba sa mga Pinoy? Sinabayan lang namin, at sa huli, sila ang bumagsak. Wahaha!
8. Galante sila! Oo, sila ang nagbayad ng buong bill. Ayaw tanggapin yung isang libo na inaabot ko para sa mga ininom at nilantakan namin. Sabi nung isa, pa-birthday na lang daw nya sa amin. Ayos din eh no. Sya kaya may birthday. Sana araw araw na lang birthday nya.
Hmmm ilan lang yan. Yung iba sa susunod na lang dahil habang tinatype ko tong entry ko na to, may na-received akong text message at nagyayaya na naman silang lumabas. Mapapalaban na naman ako. Hanggang sa muli!


sana araw-araw burpday..pwede kayang maimbitahan ang mga yan?sagot nila handa ko sa pasko nyahahaha
Hinde ko na sila paaalisin ng Pinas.
salamat naman at nadaan ang mahal na prinsipe. bati na ba tayo ha?!
o sya may babae ba sa mga vietnamese na yan at nawiwili ka ng kaiinom ha?! kaya nasisira ang lablayp eh.
Haha. Peace bro. *kisses*
Lablayp? Anu yun? Nakakain ba yun?
Oi parang nakita kita sa Makati kahapon ng umaga ba yun or kaninang umaga. Sensya na, nalilito na ko sa time zones, haha. Pero seryosong tanong, napapadpad ka ba sa Makati?
aysus, neyt wag mo kasi ko masyadong pag-iisipin para di mo ko nakikita kung saan saan.
weyt, teka..wala ko ibang pinuntahan kahapon o nung isang araw ata ewan…kundi sa may kalentong (naggrocery). so malamang hindi ako yun.
katas lang yun ng iyong imahinasyon…
Ahhh hinde nga ikaw. At kalimutan mo na yung sinabi ko. Sayang, pupuriin pa naman sana kita.
uy ano yang papuri na yan ha? sabihin na dali…kalimutan mo na rin ang sinabi ko idelete na dali..Go! ano nga ulet yun neyt? {may lambing} wahahaha!
Wak na! Kalentong girl ka eh, hinde Makati girl.
whoa. haha.
Whoa?
speechless eh.
may part 2 pa ‘to?
Kapag sinipag, hahaha.
Sabhihin mo sa kanila ilibre ako minsan. Text nyo na lang ako kung okay na ang sched, kay?
Sige. Bye. Hahahahahaha.
Tapos ikaw makikipag usap in English? Pwedeeeeeeeeeeeeeeeeee!
magkapatid kayo ni regina nung past life :/
Baket? Paano? Kelan? Saan?
ahaha nakalimutan ko ang pagkakakilala mo pala kay regina ay “bru”. oo. nakainom na naman ang bruhilda kagabi. nalingat lang ako sandali nakiinom na sa baso ko.
Amp si little munggo pala yun. Ayos! Utakmunggo in the making talaga sya. Haha.
hehe… nasan na ba yang mga vietnamese na yan at nang mahamon ng inuman. aba eh sila pala ang magbabayad! kahit gumapang ako pauwi, walang problema basta kanila ang bill.
kahit sa seminaryo, maraming vietnamese. syempre tinuruan din namin ng tagalog. syempre, di ko rin sasabihin kung anong itinuro namin.
Nagkalat sila sa Makati.
Astig nga. Sabi ng officemate ko, tropahin daw namin yung mga Vietnamese na yun.
sus! read my posts lagi para no more nosebleed sa englisan. lol.
Hinde bale na lang tol.
hahaha ayos ngang maging tropa yan kirk…ayos na ayos…ihanda mo lang lagi ang atay mo..hahaha
Yun lang nga ang panglaban ko.
mag ingat sa lasingan na yan at baka isang gabi ay magising ka na lang na pinagpasa-pasahan ang puri mo ng mga vietcong na yan! yak! bwahaha!
Amp na utak mo talaga oo, haha.
hik!
Kampai pre!
natawa ako sa comment ni UM her excellecies…tomador na ang knyang bru. hahahah…
kamusta naman ang bumabahang beer at nakakalangong ingles na pampadagdag tama? ayos yan neyt para masanay ka sa mga tulad nila.. umayos ka lng sa tagalog na tinuturo sa mga yan…hmmm…
Tingin mo tuturuan ko sila ng matino?
oo nga pala knowing you,wala ka ituturong matino sa kanila… i rest my case… nyaha!
And knowing you, kontra bulate ka talaga.
Marami ding Vietnamese ang pare pareho ng pangalan. Lagi silang may Nguyen sa mga pangalan nila. Mahirap din i-pronounce. *LOLz*
Tatlo lang ang natandaan kong names sa kanila. Jackie, Ken na taga lasing, and yung may birthday na si Sally. Mga normal names naman.
wafekels!
ang saya naman ng inuman niyo dyan!
may wafu ba? hekhek!
Hinde ako marunong tumingin ng gwapo.
para silang pinoy except dun sa inglis at minsan e pumapaltos ang pagiging galante, hahaha
Yup, malalakas din silang tumoma.
neytan.. mahusay ka talaga.. kala ko maaambush ka ng mga vietnamese pero mahusay ka talaga… wag kalimutan ang liveraide… ehehehehe tagay pa!
Haha hinde ako papatalo sa mga yun.
ok lang sa inuman hwag lang sa kainan…ewww.
uy, alam mo yung kapatid ng friend ko namatay dahil sa sobrang inom….ingat kapatid wala pa naman akong pang-kape..
Hinde ka naman nananakot nyan?
pansin ko lang, mahilig yata talaga sa picture ang mga Asians. hehe.
so tama ba ang observation ko na mas magaling ang Pinoy pagdating sa toma? mas tomador tayo kung ganon!
Syempre, walang duda.
okay pala ang mga vietnamese no? parang naalala ko yung inuman namin nung pinasama ako ng kabarkada kong babae tsaka yung DOM niyang boypren at mga kapwa niya DOM na prends. ganyan na ganyan din sila. galante rin sila sobra. at sinisiguro nilang hindi magiging half-full or empty ang inumin mo.
hindi naman siguro mga DOM din yung mga vietnamese na kasama mo ano? =)
Hahaha DOM! Natural naman ata sa mga DOM ang galante. Pero hinde, mga kasing age ko lang din sila.
wala pa ding tatalo sa lasenggong pinoy hahaha!
Kampay!
ayos! ganun pala mga Vietnamese., at least galante.. eh mga pinoy kuripot eh. lol. ahh.. may tanong ako, kapag pa nagpi-picture-ran sila nagvi-V sign din? yung parang “peace”? wala lang.. natanong ko lang. hehe. kasi diba tayong mga Asians ganun? Yung mga Korean, Japanese tska Chinese –peace sign, tapos tayong mga pinoy sinusungayan yung katabi naten. lol.
merry christmas nga pala. haha.
Hahaha natawa ako sa comment mo.
Who's Online
Powered by IP Address Location
Recent Posts
Recent Comments
Most Popular
Quick Chat
Top Locations
Copyright © 2008 Kirksydney.com
Emerald Green | Design: NET-TEC Nachrichten of Kamine. Coding: Gleichstrommotor of Ohrring.
Proudly powered by: WordPress
Valid CSS and xHTML