10
December

One plus one

Posted by kirksydney Popularity: 323 views

Category: Random stuff

Haaaaay. Napapagod na ko sa shifting schedule ng pagiging callboy. Gusto ko ng dalawang balot ng spicy pancit canton. Kailangan ko ng bagong tsinelas. Nagseselos ako. Hindi pa ako ssweldo sa Byernes. At hindi din sa Lunes dahil Intsik ang may ari ng kumpanya namin. Namimiss ko ang anak ko pero hindi ko sya mapuntahan. Puro bottled water na lang ang laman ng ref ko. Pasado ulit ako sa quality assurance monitoring kanina. Parang gusto kong manapak ng tao. Tambak na ang marurumi kong damit. Nagtatampo ang ate ko sakin. Pero alam ko namang Ferrero lang ang katapat nya. Gusto kong bumalik ulit sa pagtugtog. May inuman na naman sa Sabado after work. Mag aanak naman ako sa binyag kinabukasan. Kung hindi Twilight, Marky Cielo naman ang topic sa office kanina. Nakakabadtrip. Paulit ulit sila, parang mga gago lang.

Isa pang haaaaay. May pasok ako ng 10pm-7am sa Pasko. Lagot na naman ako sa ermat ko nito. Ang babait ng customers ko kanina, himala. Nabagsak ko at nawasak ang cellphone ng tropa ko. Pansin ko palagi ng sumasakit ang lower back ko. Buhay pa rin ang Kilometer69. Oo maniwala ka, nasasaktan din naman ako. Matatapos na ang Survivor ng hindi ko man lang napapanood. Napakarami kong utang na tags. Just recently, meron akong naudlot na pag iibigan at ako ang sinisi nya. Naaadik na naman ako sa yosi. Nagpplano na kong lumipat sa Makati sa susunod na linggo. Sumisigaw na ang 988 unread messages sa email address ko na basahin ko na daw silang lahat. Gusto kong matutong manligaw ng pormal at maayos. Sa wakas naman, gagraduate na yung isang kapatid ko pagkatapos ng pitong taon nya sa college.

At isa pang haaaaay. Napagtripan kong panoorin ulit ang Bioman sa Youtube. Namatay yung isa sa mga bagong panganak na tuta namin sa Fairview. May nagmessage sakin sa Friendster, amp yan, ‘Kylang Talong’ ang pangalan. Mas nasusunod ko na ang timezone ng Tate kesa sa Pinas. Naconfiscate ng guard yung usb ko kaninang umaga. Natalo ako sa pustahang Paquiao at Dela Hoya. Napapadalas na akong sumpungin ng init ng ulo. Taena hanggang ngayon, hindi pa rin kumpleto ang requirements ko sa office namin. Inaantok ako, gusto kong matulog na lang magdamag. Dahil dyan, titigilan ko na to. Babye!

56 Comments

  • At 2008.12.10 12:51, Jonell PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

    deds na nga si marky cielo.. biglaan talaga.. tapos ng laban ni pacquiao at good news kasi nanalo sya.. news naman sa pagkamatay ni marky ang sumunod.. nakakalungkot.. sayang ambata nya pa.. andami nya pa sanang magagawa..

    • At 2008.12.13 09:17, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Sus hanggang dito ba naman. *kamot ulo*

  • At 2008.12.10 13:20, The Gasoline Dude SINGAPORE said:
    Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

    Astig sa post! Free flowing lang! *LOLz*

    • At 2008.12.13 09:17, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Haha wala na kong maisip na i-post.

  • At 2008.12.10 13:35, p0kw4ng ITALY said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    ay alam ko yang arte na yan..PMS lang yan..ganyan din ako..hahaha may PMS ka kirk???

    ginawa ko na yung tag nong sunday pa..di ko pa lang naipopost…hihihi…

    • At 2008.12.13 09:18, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      I-post mo na huy, wak kang madaya.

    • At 2008.12.14 17:34, p0kw4ng ITALY said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

      ay ilang araw ko na kayang na ipost..di ka kasi nagbabasa..hahaha

    • At 2008.12.15 07:59, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.1 on Windows XP

      Ay andun na ba? :lol: Sensya na busy lang.

  • At 2008.12.10 13:37, Call Center Gal PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows Vista

    Nakakatuwa naman ang random somethings mo. Ayos, may aanakin ka pala sa binyag tamang tama magpapasko na..
    Bakit nga pala nakumpiska ang usb mo? Tinik naman ng guard!

    • At 2008.12.13 09:19, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Bawal kasi usb dun samin, nakalimutan ko nasa bulsa ko pala. Pagkapkap saken bago ko pumunta ng pod ko, ayun na. Pero binalik naman bago ako umuwi.

  • At 2008.12.10 14:53, joycee UNITED STATES said:
    Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

    eto katapat nyan: tulog at isang hello panda. trust me. :)

    • At 2008.12.13 09:26, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Anung Hello Panda? :o

    • At 2008.12.16 19:32, joycee UNITED STATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      cookies from meiji, sarap yun! bili na! *duplicate, erase mu nalang yung sa baba hehe

  • At 2008.12.10 18:02, lalaine PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    mukhang kelangan mo nga pahinga… parang dami laman ng isip mo eh =).

    • At 2008.12.13 09:33, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Oo nga no, hinde ko napansin. Hehe.

  • At 2008.12.10 18:45, Helena PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    matutulog ka na pala…sige bukas na magco-comment… :)

    • At 2008.12.13 09:35, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Sus kelangan andito pa ko?

    • At 2008.12.13 20:11, Helena PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

      tampo ka na naman nyan??

      Lech! may anak ka na pala?! Inunahan mo pa ko neytan!?

      so kamusta na ang prinsipe okay na ba? *hugs*

  • At 2008.12.10 23:45, glesy the great PHILIPPINES said:
    Using Google Chrome 0.4.154.29 on Windows XP

    nakakapagod talaga ang shiftng.dahan-dahan sa canton baka bata ka pa lang kelangan mo na ng dialysis. naririndi na ako sa twilight. back pain? o eto link http://www.backpainadvice.co.uk/
    okay lang walang tulog, wag lang walang gising…

    cheers;p-glesy the great

    • At 2008.12.13 09:36, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Wow may link pa talaga, haha. Thanks. :D

  • At 2008.12.11 00:36, ron PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    ang daming hayyyyyyyyy ano? ganyan talaga buhay…buti lahat sila na entry mo…

    • At 2008.12.13 09:56, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Ewan ko nga, bigla ko na lang na-type. :lol:

  • At 2008.12.11 03:10, Arachne PHILIPPINES said:
    Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

    huy!! kelangan mo ng pahinga! tama na ang pag-gala.. matulog ka ng maayos at kumain ng healty food.. bawasan ang yosi at uminom ng maraming tubig… kung magkakasakit ka, aabsent ka o di kaya magresign na ng tuluyan… ibig sabihin, tapos na ang countdown.. wag nmn sana! sayang ang record di mo pa nakuha… bwahahaha.. concerned lng po.. bow!

    • At 2008.12.13 09:56, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Hinde ako magreresign. :P

  • At 2008.12.11 05:43, muymuy UNITED ARAB EMIRATES said:
    Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

    haaayyy…ang dami mo namang hinaing sa buhay…hehehe..pro ok din toh ah..cge na tulog ka na!..hayyy!!

    • At 2008.12.13 09:56, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Okay goodnight. :lol:

  • At 2008.12.11 06:37, rio PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 2.0.0.18 on Windows XP

    tulog ka muna para ma relax ka konti..
    may humabol pang inaanak para sa darating na pasko…ang saya naman nyan..hehe

    • At 2008.12.13 10:02, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Ginagawa nilang business, hahaha.

  • At 2008.12.11 07:31, potsquared JAPAN said:
    Using Mozilla Firefox 2.0.0.14 on Windows 2000

    naduling ako ng basa.. kala ko mag-aanak ka na naman.. hindi ko nabasa yung mag-aanak sa binyag… wag kang makinig sa kanila.. uminom ka pa! gumala ka pa! ituloy mo ang masarap na buhay! woohoo!! magdala ka ng liveraide…

    • At 2008.12.12 07:13, Dadadoll PHILIPPINES said:
      Using Google Chrome 0.4.154.29 on Windows Vista

      hahaha! yun din ang akala ko nung una! pina ulit ulit ko pa. :lol:
      “Gusto kong bumalik ulit sa pagtugtog.” - really…

    • At 2008.12.13 10:04, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Pag untugin ko kayong dalawa ni Dada eh. :lol:

      Yeps Hilda, gusto ko ng tumugtog ulet.

  • At 2008.12.11 09:53, yhen PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    aba aba aba akalain mong pumusta ka kay dela hoya.. hehe! lugi!

    • At 2008.12.13 10:05, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Oo, lahat kasi si kay Pakyaw. Paano magkakaron ng pustahan? Kaya sumugal ako kay Dela Hoya. :lol:

  • At 2008.12.11 14:42, kengkay GERMANY said:
    Using Mozilla Firefox 2.0.0.17 on Windows XP

    pitong taon sa college? yung kapatid ko nga almost 10 years yun, di pa rin tapos. pero hindi naman abogado yon, hehe

    • At 2008.12.13 10:32, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Baka naman magdodoktor? :lol:

  • At 2008.12.11 21:50, brotherutoy FRANCE said:
    Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

    si dela joya rin ang pusta mo? hehehe… ako rin eh. buti na lang, walang nakakakilala dito kay Pacquiao. wala tuloy akong nakapustahan.

    lam mo, kirk, tama si doc rio. tulog lang yan! shit happens.

    • At 2008.12.13 11:16, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Parang bakla sumuntok ang gago eh. :lol:

  • At 2008.12.11 23:52, revsiopao ITALY said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    bro, bakit hindi pumasok ang comment ko kagabi? whaaaahhhhhh!!!

    • At 2008.12.13 11:18, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Baket kaya? Hmmmm…

  • At 2008.12.11 23:52, revsiopao ITALY said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    anyway, ito lang naman ang sinabi ko e: INHALE… EXHALE!

    he he he! ciao!

    • At 2008.12.13 11:18, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Sus kaya naman pala, kasi yan lang. :lol:

  • At 2008.12.12 02:57, Lambing PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

    at kanino ka nagseselos kirk??? sa

    akin ba??? ahahaha !

    okey lang yan mga hinaing na yan…

    at least buhay ka!!!

    kita mo nga naman dami mong nasulat na hinaing.. meaning exciting ang buhay mo hahaha!

    miss you.. sabay ganun eh…

    pa kiss na rin hahaa *mwaaah*

    • At 2008.12.13 11:18, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Uy si Lambing muling naglalambing, hehe.

  • At 2008.12.12 06:18, kamotenista PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 2.0.0.18 on Windows XP

    ako rin talo sa pustahan….huhuhu

    kirks matulog ka na na na na……

    godd night!

    • At 2008.12.13 11:24, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Okay kay kay kay . . .

  • At 2008.12.12 13:54, mayui PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows Vista

    kuya neytaaaan!
    wawa ka naman. :( dami na namang problema. pero kaya mo yan lagpasan, ikaw pa.
    GOD bless at goodluck, kuya.

    • At 2008.12.13 11:24, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Para namang napakabigat nila. :lol:

    • At 2008.12.13 12:19, mayui PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows Vista

      yun nga, hindi mabigat pero super dami naman.
      hehe. at least masaya ka naman kahit paano.

  • At 2008.12.13 03:54, Kris Jasper UNITED KINGDOM said:
    Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

    sa dami ng “SIGHSSSSSS…….” mo, yung sa tuta mong namatay ako nakikisimpatya…

    sigh…..

    • At 2008.12.13 11:27, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      At isa pang sigh.

  • At 2008.12.14 07:28, xG PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox 2.0.0.18 on Windows XP

    napagod ako sa iyo!
    ahaha

    • At 2008.12.15 07:59, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.1 on Windows XP

      Lika tulog na tayo. :P

  • At 2008.12.15 12:05, Aling Baby UNITED ARAB EMIRATES said:
    Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

    eow neytan! :)

    hataw tong post mo ah…summarization ng mga nangyari sau. ilang araw naman itong ni-shortcut mo ha? ha? ha?

    oks lang yan, atlis onti lang ang pang-stress kesa sa medya hapi moments.

    tigilan mo na kasi ang pagkokolboy, its bad for your health.

    ***ako nga pala si Aling Baby, in case kinalimutan mo na ko.

    :P

    • At 2008.12.15 16:02, joycee UNITED STATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      cookies from meiji, sarap yun! bili na!

      • At 2008.12.20 08:39, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

        nalito rin ako sa dami ng hinaing mo, kala ko manganganak ka na naman, kelan ka pa nagkamatris? *peace* at oo PMS lang yan, mas may malas pa seo na hindi lang pagkatalo sa pusta ang problema.. ok cge na baka kutusan mo ko eh.. hehehehe…. uuwi naman si mumu your labs di ba? uyyyy… mainit ang pasko ni neyt! yoohooooo..!!!

        • At 2008.12.21 01:37, lei UNITED STATES said:
          Using Mozilla Firefox 3.0.4 on Windows XP

          grabe ang dami! sana nakabullet o kaya naman eh yung may number.. mas ok yun, mas mabibilang ko kung ilan mga hinaing mo. ilista mo kaya? weeh.. :)
          ok lang yan.. enjoy ur christmas nalang! tska mas ok na ngayon ka na malasin kesa next year! hehe. :)


          (Required)
          (Required, will not be published)