Anak ng pucha! December 15 pa pala last na entry ko, at nakadisplay pa ang picture ni Pekyaw. Senyales lamang yan na sobrang busy ako. Wala na akong oras umistambay sa harap ng computer ko tulad ng dati. Trabaho, bahay, at gimik na lang umiikot ang buhay ko ngayon. Mabuti pala at may gimik pa rin, kundi baka mabaliw na ko kakakausap sa mga Amerikano, Arabo, at kung ano ano pang breed na lagi na lang may mga problema sa cable nila.
Ang dami ding pagbabago lately. Aalis na ang Ate ko papuntang ibang bansa sa 27th. Hindi na naman talaga nun kailangang umalis eh. Ewan ko ba, napilit lang ng mga kaibigan. Kaya panay ang labas namin ngayong magkakapatid. Kahit ayaw na ayaw kong naglalakad sa mga malls, pinagbibigyan ko na lang sya kasi syempre aalis na. Pati nanay ng anak ko, at ang anak ko, mag a-out of the country na din. Ang masama, ayaw nilang sabihin sakin kung saan sila pupunta. Tsk tsk. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ng matino tungkol dun. Ano bang nagawa ko, o hindi ko nagawa? Arghhh hindi ko alam!
Sa masayang banda, umattend ako ng Christmas party ng company namin sa Silver City, Tiendesitas. Bumaha na naman ng alak. Ang mga officemates ko na lagi kong nakikitang nakapantalon, eh puro mga naka mini skirt. May mga tinatago din pala silang ka-sexyhan. Wahahaha! Astig talaga magperform si pareng Bamboo, kaso mukha nga syang adik. Pumunta din ako sa separate na Christmas party ng team namin last week. Sapilitan nga lang. Ang isang linggo kong prinoblema na ireregalo sa nabunot ko sa exchange gifts eh natapos ng nagpatulong ako sa isang ka-team mate ko. In return, lighter na green flame from Lighters’ Galore ang natanggap ko. Solved na solved.
At dahil siguradong magiging busy na naman ako at bihira ng makapag online, isasabay ko ng sagutin tong tag ni Joyce. Nakakahiya naman kasi kapag sya ang ni-tatag ko, ambilis nyang sumagot. Saka na lang yung iba ko pang utang na tags, kahit hindi ko na alam kung gaano na sila kadami.
1. Will you be looking for a new job?
- Depende. Kapag tinopak akong magresign ulet.
2. Will you be looking for a new relationship?
- As I’ve said, come what may.
3. New house?
- Yeah! Number one on my plans.
4. What will you do differently in 09?
- Magpapa mo-hawk, para maiba naman.
5. New Years resolution?
- Tuparin ang previous resolutions ko.
6. What will you not be doing in 09?
- Soon, I would know and I will tell you.
7. Any trips planned?
- Mostly hindi planado mga lakad ko eh.
8. Wedding plans?
- Oh C’mon! Gimme a break!
9. Major thing on your calendar?
- Rarely use and look on calendars.
10. What can’t you wait for?
- 2010, 2011, 2012, 2013, and 2014.
11. What would you like to see happen differently?
- Arroyo will be taller and Obama will be whiter.
12. What about yourself will you be changing?
- Bawas gimik, more time for my son.
13. What happened in 08 that you didn’t think would ever happen?
- Have this blog. Pinilit lang ako dito eh.
14. Will you be nicer to the people you care about?
- I certainly can’t promise that.
15. Will you dress differently this year than you did in 08?
- I’ll wear whatever I want to wear.
16. Will you start or quit drinking?
- That’s a tough one, hehe.
17. Will you better your relationship with your family?
- I’m a family guy, kahit hindi halata.
18. Will you do charity work?
- I’m doing them silently. Much better.
19. Will you go to bars?
- They will miss me, what can I do?
20. Will you be nice to people you don’t know?
- I don’t know and I don’t care.
21. Do you expect 09 to be a good year for you?
- Nope, only time will tell.
22. How much did you change from this time last year till now?
- Shit man, tinatamad ako mag isip.
23. Do you plan on having a child?
- I do have one. Don’t have plan yet of having another one.
24. Will you still be friends with the same people you are friends with now?
- Yes, oo. Siguro, maybe.
25. Major lifestyle changes?
- Less smoking, less drinking sessions.
26. Will you be moving?
- Yeps. From Quezon City to Makati.
27. What are your New Years Eve plans?
- Umuwi ng Fairview to be with my family.
28. Will you have someone to kiss at midnight?
- I’ll kiss my dog, Rufus.
30. One wish for 09?
- Sana two thousand and ten na.
Amp napasubo ako dun ah, ang hihirap ng mga tanong. At dahil tinatamad na naman akong mag isip, wala na muna akong i-tatag. Merry Christmas na lang sa lahat at salamat sa pagbabasa kahit madalas akong absent.


nice..buti na lang may update na ulit..
gusto ko tumangkad din si arroyo..para d na makailag sa kamatis at kamote..
merry paskow!
Baka naman saluhin nya lang yung mga yun.
parang may kulang sa update mo….
At parang alam ko na yan…
Taga-Fairview ka pala? ‘Pag umuwi ka dun pakisabi na lang sa Nanay ko sa Novaliches na huwag papabayaan ang sarili niya at bawas-bawasan ang lakwatsa kasama ng mga amiga niya. *LOLz*
sya pala si gasoline dodo…lols :))
Lapit lang, kaso laging trapik dun sa Nova.
hekhek!
buti ka pa nga’t may naaatendang krismas party, ako wala! hmp!
gusto ko rin makita ang bamboo balang araw. kainggit!
“Pati nanay ng anak ko, at ang anak ko, mag a-out of the country na din”
huh? may anak ka na po pala! hekhek! tatay na!
Tagal na, tatlong taon na kong tatay.
akala ko may mababasa akong tungkol kay labli.
ngek! saan punta si kurt? baka magdi-disney sila ni motherloo mo at hindi ka gustong isama dahil magulo ka. hehe
sulitin ang panahong magkasama ni ate mo. saan ba siya dadapo?
Sa lugar ng mga Arabo. ABout Kurt, hinde Mom ko yung kasama kundi yung mom mismo ni Kurt.
welcome back to blogging, Kirk! hehe…
daming tanung nun ah. trenta?
mga pang-slumbook ng highschool pero angkulet.
babati lang ako ng God bless at Merry Christmas. may you have a meaningful one.
Same to you, Bro.
dame tanong pala ah, sige neks taym tatag din kita! nyahahahaha
wow! naglinis ng maagiw na bahay si bata. tayo’y magdiwang.
hindi pa po ako tapos magbasa. magbabalik pwamis. may date ang siopao! he he.
Wahaha pwede na kasi bahayan ni Spiderman.
23. Do you plan on having a child?
- I do have one. Don’t have plan yet of having another one.
*panalo to kapatid, minsan ginagamit din dapat ang utak na nasa itaas*
25. Major lifestyle changes?
- Less smoking, less drinking sessions.
*gawin mo to neytan ipangako mo! kung gusto mo pa mabuhay ng matagal*
31. The person you missed the most?
-Heleyna
*OWS! Talaga namiss mo ko?! Hindi halata, hindi ka nag-iwan ng kiss mark este beso pala..andyan pa naman si rev sa taas. toinks!*
Haha biglang nagka-31. Pakiss na nga!
Merry Christmas!
aalis sila pero di mo alam kung saan?
tsk tsk..
Yeah, pasaway yung Nanay. Tsk tsk.
nagbabalik…
kahit super kulet lang ng karamihan sa sagot mo, i have to say “bravo” on your answers for numbers 12, 18, 23, 25, & 27.
great… just great!
have a truly blessed christmas!
Wow talagang nagbalik at inisa isa ni Rev.
aba masunurng bata. parang nagkautang na loob pa ko dito ah..
*Nakakahiya naman kasi kapag sya ang ni-tatag ko, ambilis nyang sumagot. *
alamo kung tatangkad si gloria dapat ako den, sa ngayon konting konti lang ang tangkad ko sa kanya eh.
salamat sa pagsagot! Merry Christmas to you and your bebe! Ü
Wahaha syempre, nahiya ako eh.
aba’y biruin mu yun may hiya ka pala. hahaha. hapi nuyir!
Sayo lang, kaya wak kang maingay.
o wag mu ilakas baka marinig ni heleyna at magselos pa yun.
Oks lang, mukhang lagi naman syang absent.
oo parang ikaw lang.
nagmumuni-muni rin ako sa 2008 ko.. kaya wala akong masabi sa post mo.. except… happy christmas and successful new year to you and yours… ngayon ko lng narealise.. walang selebrasyun and pasko ko
matutulog lng ako…
Wala din akong masabi.. kundi goodnight.
at bakit naman ayaw kang sabihan kung saan sila pupunta? isa lang ang ibig sabihan noon, gusto ka nilang taguan. ang tanong: magaling ka ba sahide and seek?
may lighter din akong green flame. mga three years old na. me roses and flowers sa harap kaya mukhang girlie lighter talaga siya. nirerefill ko lang ng butane. ang saya talaga pagginagamit ko ito. astig kasi talaga ang green flame. hahaha… syet. ambabaw ng kaligayahan ko.
merri christmas sayo!
Ewan ko nga dun, lagot saken yun. Hehe. Astig nga green flame. Kakaiba, hehe.
napost ko na yung lintek na tag mo…
pakabait ka na at saka wag ka na masyado makulet.. mapapanot ako sayo.. cheers;p-glesy the great
ay bakit nawala?
ulitin ko na lang..
napost ko na yung pesteng tag mo…
pakabait ka na.. wag na masyadong makulit.. mapapanot ako sayo eh…
cheers;p-glesy the great
Okay naman ah, sinasaniban ka na naman.
11. What would you like to see happen differently?
- Arroyo will be taller and Obama will be whiter.
hahahaha you’re a funny guy..
huli man at nagmamagaling, well, magaling pa rin.. haha! belated happy christmas and advance meaningful new year… sana nga matupad ang mga hindi natupad na mga previous resolutions… tsk! tsk! wala ka na kasi oras sa mag ina mo.. sows! isipin mo maige kung bakit mukhang ilalayo seo si Kurt.. hala ka!
Godbless!
Same to you. Hinde na tayo nag aabot.
“4. What will you do differently in 09?
- Magpapa mo-hawk, para maiba naman.”
wtf. hahahahaha. oh well.
kurt says mewi kismas. sorry late. wala agad net dito amf
Shit, asa Italy na kayo?
whoo! belated merry xmas and advanced happy new year, kuya!
buti may update na ‘to.
Ten years bago mag update ulet.
ako rin eh. (rofl)
happy new year, kirk
happy new year!
Same to you!
Parang ang hirap ata nun, tumangkad si Arroyo at pumuti si Obama…oh well!


Merry Christmas and Happy New Year to you and your families
More blogging activities for 2009.
If time will permit me, yes. Haha.
Thats the best thing a kid will appreciate from you, more quality time from you.
Merry Christmas!
Yeah, and thanks for dropping by.
meri pasko en hapi nu yir neyts!
wala pakong amnesia kaya kilala pa rin kita!
magpakabait ka na.
Mabait na ko, matagal na.
happy new year po!
Happy new year din po!
woi, haping hapi na 2009 sa ‘yo sir!
kamustasa kalabasa?
panis na ang updates! magluto na ng bago.
all the best!
Dahil request mo Rev, ayan may bago na.
bat wala panng bagong post
ang tagal na ah
happy new year!
late man late pa rin!
welcome 2009!
Ayan, at related pa sa comment mo yung title.
haha. sana nga tumangkad si arroyo. lol. pero bago sya.. ako muna. haha.
niwey, ang cute ng name ng dog mo. rufus? haha.
happy new year!
Late new year!
O, san pupunta ang mag-ina mo?Naisip ko tuloy yung friend ko yung mag-ina niya nag-abroad tinakas ng biyenan tapos di na niya alam kung nasaan. Every year the mom sends a picture of the kid na walang return address. Nakakaloka kaya yun! Sana naman wag ganun sayo…
Natawa ako kay Bamboo, astig panoorin yun, yung mga gestures niya hindi mo alam kung astig o parang baliw hahaha
Wag naman sana huy.
Who's Online
Powered by IP Address Location
Recent Posts
Recent Comments
Most Popular
Quick Chat
Top Locations
Copyright © 2008 Kirksydney.com
Emerald Green | Design: NET-TEC Nachrichten of Weleda Naturkosmetik. Coding: Holzfertighaus of Herrenuhren.
Proudly powered by: WordPress
Valid CSS and xHTML