Anak ng pucha! December 15 pa pala last na entry ko, at nakadisplay pa ang picture ni Pekyaw. Senyales lamang yan na sobrang busy ako. Wala na akong oras umistambay sa harap ng computer ko tulad ng dati. Trabaho, bahay, at gimik na lang umiikot ang buhay ko ngayon. Mabuti pala at may gimik pa rin, kundi baka mabaliw na ko kakakausap sa mga Amerikano, Arabo, at kung ano ano pang breed na lagi na lang may mga problema sa cable nila.
Ang dami ding pagbabago lately. Aalis na ang Ate ko papuntang ibang bansa sa 27th. Hindi na naman talaga nun kailangang umalis eh. Ewan ko ba, napilit lang ng mga kaibigan. Kaya panay ang labas namin ngayong magkakapatid. Kahit ayaw na ayaw kong naglalakad sa mga malls, pinagbibigyan ko na lang sya kasi syempre aalis na. Pati nanay ng anak ko, at ang anak ko, mag a-out of the country na din. Ang masama, ayaw nilang sabihin sakin kung saan sila pupunta. Tsk tsk. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ng matino tungkol dun. Ano bang nagawa ko, o hindi ko nagawa? Arghhh hindi ko alam!
Sa masayang banda, umattend ako ng Christmas party ng company namin sa Silver City, Tiendesitas. Bumaha na naman ng alak. Ang mga officemates ko na lagi kong nakikitang nakapantalon, eh puro mga naka mini skirt. May mga tinatago din pala silang ka-sexyhan. Wahahaha! Astig talaga magperform si pareng Bamboo, kaso mukha nga syang adik. Pumunta din ako sa separate na Christmas party ng team namin last week. Sapilitan nga lang. Ang isang linggo kong prinoblema na ireregalo sa nabunot ko sa exchange gifts eh natapos ng nagpatulong ako sa isang ka-team mate ko. In return, lighter na green flame from Lighters’ Galore ang natanggap ko. Solved na solved.
Read the rest of this entry »
Bilog ang mundo. Kung walang kalaban laban akong natalo ng tatlong libo sa pustahang Pacquiao at Dela Hoya, papayag ba naman akong hindi makabawi? Syempre hindi. Kaya hinamon ko ulit ang tropa ko sa isa pang pustahan.. this time virtual kasi PS3 ang gamit namin. Sa kanya si Pekyaw at sakin si Marquez.

Huwag nyo ng itanong kung bakit mukhang may pangil at mukhang natatae si Pekyaw dyan dahil tang ina, hindi ko din alam. Basta ang alam ko, nakasalalay sa pustahan namin ay five hundred pesos at ang matatalo ang sasagot sa gasolina papuntang Tiendesitas sa Linggo. At pagkatapos ng limang rounds…
Read the rest of this entry »
Haaaaay. Napapagod na ko sa shifting schedule ng pagiging callboy. Gusto ko ng dalawang balot ng spicy pancit canton. Kailangan ko ng bagong tsinelas. Nagseselos ako. Hindi pa ako ssweldo sa Byernes. At hindi din sa Lunes dahil Intsik ang may ari ng kumpanya namin. Namimiss ko ang anak ko pero hindi ko sya mapuntahan. Puro bottled water na lang ang laman ng ref ko. Pasado ulit ako sa quality assurance monitoring kanina. Parang gusto kong manapak ng tao. Tambak na ang marurumi kong damit. Nagtatampo ang ate ko sakin. Pero alam ko namang Ferrero lang ang katapat nya. Gusto kong bumalik ulit sa pagtugtog. May inuman na naman sa Sabado after work. Mag aanak naman ako sa binyag kinabukasan. Kung hindi Twilight, Marky Cielo naman ang topic sa office kanina. Nakakabadtrip. Paulit ulit sila, parang mga gago lang.
Isa pang haaaaay. May pasok ako ng 10pm-7am sa Pasko. Lagot na naman ako sa ermat ko nito. Ang babait ng customers ko kanina, himala. Nabagsak ko at nawasak ang cellphone ng tropa ko. Pansin ko palagi ng sumasakit ang lower back ko. Buhay pa rin ang Kilometer69. Oo maniwala ka, nasasaktan din naman ako. Matatapos na ang Survivor ng hindi ko man lang napapanood. Napakarami kong utang na tags. Just recently, meron akong naudlot na pag iibigan at ako ang sinisi nya. Naaadik na naman ako sa yosi. Nagpplano na kong lumipat sa Makati sa susunod na linggo. Sumisigaw na ang 988 unread messages sa email address ko na basahin ko na daw silang lahat. Gusto kong matutong manligaw ng pormal at maayos. Sa wakas naman, gagraduate na yung isang kapatid ko pagkatapos ng pitong taon nya sa college.
At isa pang haaaaay. Napagtripan kong panoorin ulit ang Bioman sa Youtube. Namatay yung isa sa mga bagong panganak na tuta namin sa Fairview. May nagmessage sakin sa Friendster, amp yan, ‘Kylang Talong’ ang pangalan. Mas nasusunod ko na ang timezone ng Tate kesa sa Pinas. Naconfiscate ng guard yung usb ko kaninang umaga. Natalo ako sa pustahang Paquiao at Dela Hoya. Napapadalas na akong sumpungin ng init ng ulo. Taena hanggang ngayon, hindi pa rin kumpleto ang requirements ko sa office namin. Inaantok ako, gusto kong matulog na lang magdamag. Dahil dyan, titigilan ko na to. Babye!
Current mood: Bangag dahil mahigit isang linggo ng walang maayos na tulog.
Pasado alas kwatro ng madaling araw, heto ako at gumagawa ng biglaang tag. Napakahigpit ng nag tag sakin na si Liberty (wow!) , bantay sarado, at napakademanding, wala na kong nagawa pa. Pasensya dun sa mga naunang pinagkakautangan ko ng mga tags, Hindi ako unfair. Promise hindi talaga.
Tag rules are:
1. Take a picture of yourself right NOW!.
2. DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.
3. Post that picture with NO editing.
4. Post these instruction with your picture.
5. Tag 10 people to do this.
6. No more number six, lucky you.
Para sa biglaan ding paghihiganti, I’m tagging the following creatures:
1. Helena - Pers taym to kaya pagbigyan mo na ko. Salamat.
2. Utakmunggo - Kahit na alam kong hindi mo gagawin to, ayos lang.
3. Dadadoll - Wag ka ng umangal, gawin mo na lang. Okay?
4. The Gasoline Dude - May nagbulong saken na isama daw kita.
5. Glesy the Great - May nagbulong din sakin ng pangalan mo.
6. Timichan - Gagawin ko na yung tag mo sakin pag ginawa mo to, haha.
7. Arnulfo - At long last. Heto na ang kapalit ng kasipagan mo.
8. Ethel Dahil pinansin mong wala ka, eto humabol ka. Wahaha.
9. Joyce - Dahil hindi ko pa nakikita ng husto ang itsura mo. Hehe.
10. Pokwang - Ang mga new bloggers, tinatadtad talaga ng mga tags.
Read the rest of this entry »