Bago ang lahat, heto pala ang view from the top ng office namin. I easily get fascinated by lights and busy streets at sa tulong ng Canon G7, nabigyan ng buhay ang isang pangkaraniwang gabi sa kahabaan ng Ayala Avenue.
Archive for November, 2008
Day off ng callboy tuwing Sunday kaya may oras para mag asikaso ng mga dapat asikasuhin. Kasama na dyan ang pagpunta ko sa laundry shop para ano pa ba… eh di magpalaba at magpaplantsa. Suki na ko dun, at usually sila pa mismo kumukuha ng mga damit ko sa unit ko pero may schedule. Since wala ako sa lungga ko most of the time ngayon, nasira na yung schedule na yun kaya kanina, binitbit ko mga damit ko papunta sa kanila. Pagpasok ko pa lang, may narinig na kong parang nag aaway pero hindi nanggagaling sa mismong personnel ng shop yung mga boses. Tama nga ang unang naisip ko! Nakikinig sila ng drama sa radyo. Habang kinikilo ang mga damit ko at nagfifill up ako ng kung ano ano, eto yung mga napakinggan ko:
Sa kasaysayang pinamagatang, Ako’y Iyong Nilisan..
“Huwag mo ‘kong hawakan Berting. Nasasaktan ako! Magulo na ang buhok ko at pumapalag ako ngayon kahit napakalakas mo!”
“Magtapat ka Lorena, nakikipagkita ka sa ibang lalaki! Magtapat kaahh!! …habang lalong humihigpit ang hawak ko sayo!”
“Tama ka Berting! Nakikipagkita ako kay Pareng Aldo! May nakikita ako ngayong kutsilyo sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo.. Ayan.. nakuha ko nah.. sinasaksak na kita!”
*magiging mabilis ang saliw ng musika, mapusok na tugtugin..*
“Aaaahh! Sinasaksak mo ako ngayon sa tiyan! Napakasakit, Lorena. Ito ngayo’y nagdurugo at mamamatay ako.. Ayan.. patay na ako..”
Putang inang yan! Pagkatapos ko, derecho labas ako ng laundry shop.


