25
November

Nang iwan mo ako

Posted by kirksydney Popularity: 219 views

Category: Endless rants

Pagkagising ko kaninang umaga, ikaw kaagad ang hinanap ng inaantok pang mga mata ko. Nag iba ang pakiramdam ko at tuluyan ng nagising nang hindi kita nakita. Nabadtrip ng husto. Nawalan ng gana kumain. Bumagal ang kilos. At ang resulta? Nahuli ako sa trabaho. Habang nagmamaneho ako papunta sa opisina, binalik balikan ng isip ko kung ano bang nangyari nung nakaraang gabi. Ano ba ang pwedeng maging mga dahilan para iwan mo ako.

Ang natatandaan ko lang eh day off ko kahapon at sinamahan ko ang ate ko sa Glorietta 1. Maghapon kami dun. Katulad ng dati, nagmistulang boypren nya na naman ako at naging tagabitbit ng paper bags ng mga pinamili nya. Argh! Sinasabi ko na nga ba eh. Sana sinunod ko na lang ang konsensya kong nagngangalang katamaran at hindi na lang sumama pa. Tsk tsk! Isa sa hindi ko maintindihan at kinaiinisan sa mundong ito ay kung bakit napakatagal mamili ng mga babae. Bakit ang hilig nilang maglakad ng maglakad sa iba’t ibang stalls.. maghahalungkat ng kung ano anong bagay.. at pagkatapos ay hindi naman pala bibilhin. Pwede namang dumerecho na lang sa pagbibilhan, kunin ang bibilhin, at dalhin sa cashier para bayaran. Napakaraming arte nga naman oo! Pero dahil andun na ko, wala na kong nagawa pa.

Pagkatapos kong tumunganga at sumunod sunod na parang aso sa loob ng anim na oras, dumerecho naman ako ng Pier 1 para sa party ng company namin. Tang ina. Kahit sandamakmak na pulang kabayo ang tinoma ko at plato platong seafoods ang nilantakan ko, hindi ka pa rin naalis sa isip ko. Buong magdamag kong tinatanong ang sarili ko kung maaabutan ba kita mamya pag uwi ko. Paulit ulit ko ding sinabi na sana naman wag mo na akong pahirapan kapag sinubukan ko ulit na hanapin ka. Alam mo namang hindi ako nakakatulog kapag wala ka. Hinahanap hanap kita. Alam na alam mo yan. Sa katunayan, kahit saan ako magpunta eh bitbit kita. Ganyan ka kaimportante sakin.

Pasado alas kwatro na ko nakauwi. Pagbukas ko pa lang ng pinto, tiningnan ko kaagad kung nasa loob ka. Sa sobrang pagkadesperado, binilin ko pa sa ate ko na pakidaanan ka at ipagtanong sa mga kolokoy na dumayo sa lugar ko nung isang araw. Pero nasa bar pa lang ako, nakatanggap na ko ng text galing sa kanya na hindi nya nakita kahit anino mo. Tiningnan ko na ang lahat ng sulok pero wala ka pa rin. Nanglulumo na ko at nawawalan na ng pag asa. Yun ang pinakaunang gabi na matutulog ako ng hindi ka suot suot. Naupo na lang ako pero sa totoo lang, sa mga oras na yun, gusto kong isigaw ang..

“Putang ina nyo, ibalik nyo ang tsinelas ko at ayoko matulog ng nakamedyas!”

77 Comments

  • At 2008.11.25 12:39, muymuy UNITED ARAB EMIRATES said:
    Using Internet Explorer on Windows

    …hahahha..yang tsinelas mo naglakad mag-isa nya!..hehehhe matagal mo na ba syang gamit?..bakit ngayon ka pa nya iniwan?..puro tanong ba?..

    • At 2008.11.25 12:58, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox on Windows

      Kilala ng tsinelas ko ang paa ko at sigurado akong napagtripan na naman ako ng mga kolokoy. Yeps, matagal ko ng gamit yun at hinde talaga ako nakakatulog ng hinde ko yun suot.

    • At 2008.11.25 13:17, Dadadoll PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox on Windows

      hehehe! you wear slippers while sleeping? weirdo ka tlga nathan… (may next line pa dapat ako kaso wag nalang) hehe!

      kaya kami mas matagal mamili kasi mas matalino kami. smart buyers baga. :lol:

      • At 2008.11.25 13:22, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox on Windows

        Yeah, hinde mo pa alam yun? :o

        Sus hinde katalinuhan ang dahilan kung baket humahaba ang mga pila sa cashier. At alam ko na ang next line mo, nahiya ka pa eh.

        Heto ang sagot ko: I love you too.

        :lol:

        • At 2008.11.27 10:47, Dadadoll PHILIPPINES said:
          Using Google Chrome on Windows

          lakas ng apog mo, tatamaan ka kay mumu kung sino man siya. :)

        • At 2008.11.27 11:45, kirksydney PHILIPPINES said:
          Using Mozilla Firefox on Windows

          Sus ewan ko sayo.

        • At 2008.11.25 13:46, Mr. Siopao ITALY said:
          Using Mozilla Firefox on Windows

          O ayan nakapag-comment din. Matagal-tagal na rin akong “namboboso” lang dito sa blog mo tsong. He he.

          Cool post! And tibay mo! You really wear your slippers while sleeping? Whew!

          Ayan, simula na rin ito ng pagkakalat ng lagim ng siopao sa isa na namang bahay. Toinks!

          Saw your comment in Utoy’s. Ano ka ba? Kahapon pa ako nag-resign as Ging-Ging’s manager. Hehe.

          Ciao! God bless!

          • At 2008.11.25 13:50, kirksydney PHILIPPINES said:
            Using Mozilla Firefox on Windows

            Ahh ehh hinde kasi ako updated mashado dun sa pa-contest ni pareng Utoy. At sana nag iwan ka ng link para makapagkalat din ako ng lagim sa bahay ni Mr. Siopao. Wahaha!

            • At 2008.11.25 13:53, Mr. Siopao ITALY said:
              Using Mozilla Firefox on Windows

              Naku! Si Siopao ay isa ding “holy kolokoy” parang si Utoy. Wala pa siyang blog. Abangan ang international launching! (O ha!)… Naghahanap pa kasi siya ng manager. Kasi naman e… wala pa man ding blog, sandamakmak na ang fans. Toinks!

            • At 2008.11.25 13:55, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox on Windows

              Aba pagala gala lang pala si Mr. Siopao. Ingat ka at baka kung sino2x ang kumagat sayo, nyahaha.

              Cge isa ako sa mag aabang ng launching ng blog mo. Wak mo kame ipahiya, lalong lalo na sa tatlong fans mo. :lol:

              • At 2008.11.25 14:06, Mr. Siopao ITALY said:
                Using Mozilla Firefox on Windows

                Kagat? Saan banda? (Malakas na toinks!)

                Naku, bawal na e…
                Baka maisumbong ako sa mga kinauukulan sa Vatican. c”,)

            • At 2008.11.25 14:03, The Gasoline Dude SINGAPORE said:
              Using Internet Explorer on Windows

              Ayos! Ang tsinelas mo ay parang si Maningning lang. *LOLz* Baka naman me pangalan din ‘yan. Si Birks ba ‘to o si Havanas? Hahaha. = D

              • At 2008.11.25 14:11, kirksydney PHILIPPINES said:
                Using Mozilla Firefox on Windows

                Wahaha wala namang pangalan. :lol:

              • At 2008.11.25 14:44, joycee UNITED STATES said:
                Using Internet Explorer on Windows

                *nashock din like the others*
                you really wear slippers while sleeping? ngayon lang ako nakakakita/nakarinig/nakabasa nun. pagpray naten na makita na nya ang daan pabalik sa iyo. :)

                • At 2008.11.26 09:51, kirksydney PHILIPPINES said:
                  Using Mozilla Firefox on Windows

                  Yeah, I know I’m weird.

                  • At 2008.11.27 15:29, joycee UNITED STATES said:
                    Using Internet Explorer on Windows

                    di naman masyado. :)

                • At 2008.11.25 14:56, Mahalia UNITED STATES said:
                  Using Mozilla Firefox on Windows

                  hahaha expected ko tuta o kuting, tsinelas pala

                  • At 2008.11.26 09:51, kirksydney PHILIPPINES said:
                    Using Mozilla Firefox on Windows

                    Mas mahalaga yan kesa sa tuta o kuting. :lol:

                  • At 2008.11.25 14:59, p0kw4ng ITALY said:
                    Using Mozilla Firefox on Windows

                    hahaha ang tibay mo! ngayon lang ako nakarinig nyan! yipiii tao na ako,hihihi

                    • At 2008.11.26 09:52, kirksydney PHILIPPINES said:
                      Using Mozilla Firefox on Windows

                      Congratumilations!

                    • At 2008.11.26 00:45, glesy the great PHILIPPINES said:
                      Using Mozilla Firefox on Windows

                      pustahan tayo di mo na makikita yan ahahaha (nang-aasar lang..)

                      ano bang klaseng fungi ang meron jan sa tsinelas mo at di ka makatulog ng wala yan? cheers;p

                      • At 2008.11.26 09:52, kirksydney PHILIPPINES said:
                        Using Mozilla Firefox on Windows

                        Siguro ikaw kumuha, lakas ng loob mo pumusta eh.

                      • At 2008.11.26 03:09, Kris Jasper UNITED KINGDOM said:
                        Using Internet Explorer on Windows

                        lol. adik! tsinelas lang pala.

                        anw, sabi mo nasa blogroll ko ex mo (na nasa UK)?

                        SI ATE UTAK MUNGGO?????????
                        (joke lang ate. lol)

                        • At 2008.11.26 09:54, kirksydney PHILIPPINES said:
                          Using Mozilla Firefox on Windows

                          Wahaha naunahan na ko ni Sarge dun eh. :lol:

                        • At 2008.11.26 04:41, potsquared JAPAN said:
                          Using Mozilla Firefox on Windows

                          yes! may mas may toyo pa palang matulog kesa sa akin… hihihi

                          ang mga babae matagal talagang mamili pero magtataka ka.. yung unang stall na pinuntahan, yung ang babalikan para bilhin yung sinukat doon.. grrr…

                          • At 2008.11.26 09:55, kirksydney PHILIPPINES said:
                            Using Mozilla Firefox on Windows

                            Tama yan Pot! :lol:

                          • At 2008.11.26 04:47, buzzing flowerpecker PHILIPPINES said:
                            Using Internet Explorer on Windows

                            nilayasan ka na ng tsinelas mo! wag mo nang hanapin. nagtatago na iyon. hehe.

                            • At 2008.11.26 09:55, kirksydney PHILIPPINES said:
                              Using Mozilla Firefox on Windows

                              Hanggang ngayon wala pa rin. :cry:

                            • At 2008.11.26 06:35, kat PHILIPPINES said:
                              Using Internet Explorer on Windows

                              so uulitin ko lang ang mga sinabi nila:natutulog ka ng naka-tsinelas? wapak!!! yun ba yung fluffy at may bunny ears?

                              • At 2008.11.26 09:56, kirksydney PHILIPPINES said:
                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                Hinde ah. Kulay red tapos malaki tenga.

                                :lol:

                                • At 2008.11.28 08:22, kirksydney PHILIPPINES said:
                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                  Napansin ko lang, panay palit mo ng Gravatar ah.

                                  :lol:

                                  • At 2008.11.28 11:15, kat PHILIPPINES said:
                                    Using Internet Explorer on Windows

                                    alam mo na, self-absorbed! pag pumunta ka nga sa photos page ng blog ko maiinis ka sa dami ng mukha ko wahehehe

                                • At 2008.11.26 10:58, mayui PHILIPPINES said:
                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                  wow. ikaw lang ang kilala kong natutulog ng nakatsinelas. :O

                                  • At 2008.11.26 11:04, kirksydney PHILIPPINES said:
                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                    Syempre kakaiba ako eh. :lol:

                                  • At 2008.11.26 11:32, Arachne PHILIPPINES said:
                                    Using Internet Explorer on Windows

                                    natutulog ka suot ang tsinelas? parang iba na ata yan ah… maki appointment kana sa shrink.. kelangan mo na ata ng professional help… :P

                                    • At 2008.11.26 12:15, kirksydney PHILIPPINES said:
                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                      Yan ang normal. At abnormal kayong lahat!

                                      • At 2008.11.27 10:22, Arachne PHILIPPINES said:
                                        Using Internet Explorer on Windows

                                        why thank you.. bwahahaha

                                      • At 2008.11.27 10:29, kirksydney PHILIPPINES said:
                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                        Aba teka.. wala ka pa ring mukha…

                                      • At 2008.11.26 16:23, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
                                        Using Internet Explorer on Windows

                                        hoy mas weird ka pa pala sakin matulog,naka medyas ako matulog bukod sa pantulog ko xempre noh..
                                        ahm ako hindi matagal mamili, kaso madami naman ako pinupuntahang stalls… heheheheheheh…. bumisita ka na sa bahay ko?

                                        • At 2008.11.27 10:13, kirksydney PHILIPPINES said:
                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                          Akala ko medyas lang eh. :lol:

                                          Yeps pumunta na ko dun. :D

                                          • At 2008.11.28 11:21, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
                                            Using Internet Explorer on Windows

                                            uy salamat! pero mgpapasalamat din ako sa bahay ko..yun ay kung nagkomento ka na…

                                        • At 2008.11.26 19:03, kengkay GERMANY said:
                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                          bakit? sleep walker ka ba?

                                          • At 2008.11.27 10:13, kirksydney PHILIPPINES said:
                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                            Hinde, nasanay lang talaga ko ng nakatsinelas.

                                          • At 2008.11.26 21:20, prinsesa000 PHILIPPINES said:
                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                            natutulog ka nang nakatsinelas? at akala mo normal yun?

                                            paggising mo ba, suot mo pa rin yung tsinelas mo?

                                            • At 2008.11.27 10:14, kirksydney PHILIPPINES said:
                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                              Normal yun para saken. Syempre suot2x ko pa rin. Hinde yun natatanggal. Ang weird nga daw eh.

                                            • At 2008.11.26 22:45, MARU PHILIPPINES said:
                                              Using Safari on Windows

                                              tsk! hindi nga naman magandang tingnan yung matulog ng naka medyas. dapat magsuot ka rin ng shoepatos.

                                              • At 2008.11.27 10:14, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                Wahaha taba talaga ng utak mo. :lol:

                                              • At 2008.11.27 03:37, bloom PHILIPPINES said:
                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                *bulong* kiiiiiiiirk.. nagawa ko na request mo :)

                                                • At 2008.11.27 10:15, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                  *sigaw*

                                                  Talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa???

                                                • At 2008.11.27 03:38, yhen PHILIPPINES said:
                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                  tsinelas habang natutulog? totoo ba ito? hehehe! ;-)

                                                  • At 2008.11.27 10:16, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                    Oo nga, sus.

                                                    • At 2008.11.28 03:50, yhen PHILIPPINES said:
                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                      bakit? bakit talaga eh no? hehehe! weird!

                                                    • At 2008.11.28 08:22, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                      Nasanay kasi ako mula nung bata pa ko.

                                                    • At 2008.11.27 07:29, mumu UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                      alam ko to ahh

                                                      • At 2008.11.27 10:15, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                        Syempre! :D

                                                      • At 2008.11.27 07:34, ayz PHILIPPINES said:
                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                        sa sobrang tagal ko nang di nakakabalik dito, e muntik ko nang makalimutan panu magreply. ahahha

                                                        alam ko na! may topak ang blogspot ko, di nagsho-show ang updates mo! kainis!

                                                        • At 2008.11.27 10:16, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                          Excusesssssssssssssss!!!

                                                        • At 2008.11.27 09:04, utakmunggo UNITED KINGDOM said:
                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                          wat hapind? umaygas! da sinilas is mishing? werdahel? watdahel? waydahel? tsk.. time for a cool change. mag bantex ka na. hehe

                                                          • At 2008.11.27 10:17, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                            Hinde ko alam Mahalnamunggo. :cry:

                                                          • At 2008.11.27 11:40, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                            Using Mozilla Firefox on Mac OS

                                                            kakaiba ka palang magmahal, di mo maalis sa isip mo kahit anong gawin …at oo kakaiba ka din matulog nakasinelas?!?! wat da!

                                                            • At 2008.11.27 11:46, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                              Oh yeah! Uy pers taymer ka dito. Alam mo bang may initiation akong ginagawa sa mga newbies sa blog ko na katulad mo?

                                                              • At 2008.11.27 11:54, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                Using Mozilla Firefox on Mac OS

                                                                anong ipapagawa mo sakin? hanapin ko lelats mo?

                                                              • At 2008.11.27 12:03, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                May mas importante pa dyan. TUWAD!

                                                              • At 2008.11.27 12:13, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                Using Mozilla Firefox on Mac OS

                                                                teka nasa ilalim ba ng kama yung lelats bakit may tuwad? di ko alam yung tuwad tuwad na yan!

                                                                • At 2008.11.27 12:24, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                  Kasinungalingan!!!

                                                                • At 2008.11.27 12:30, mj UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                  Using Internet Explorer on Windows

                                                                  WOW! tsinela lang talaga un ha? hehehe…so sweet mu naman sa tsinelas mu..

                                                                  dun sa mga girlaluh na sobrang magshopping Goodluck! hehhe.hindi ako ganun!

                                                                  • At 2008.11.27 12:43, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                    Buti naman nabawasan ng isang ganung babae.

                                                                  • At 2008.11.28 02:51, eloiski PHILIPPINES said:
                                                                    Using Internet Explorer on Windows

                                                                    hahaha!
                                                                    ako mabilis lang magshop!
                                                                    bago ako pumasok sa shop eh sinisuguro ko na bibilhin ko yun!
                                                                    nakakapagod kaya umikot-ikot!
                                                                    amp!

                                                                    pero adik ka sa tsinelas ah!
                                                                    akalain mong hanggang sa pagtulog kasama mo sya!

                                                                    wahahaha!

                                                                    • At 2008.11.28 07:48, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                      Ayan bukod kay MJ, kaw din. Dalawa na kayo.

                                                                    • At 2008.11.28 09:10, siangelnawalangpakpak PHILIPPINES said:
                                                                      Using Internet Explorer on Windows

                                                                      di ba, hinuhubad naman ang tsinelas pag natutulog? =)

                                                                      niloloko mo naman ata kami kirk.

                                                                      hehe, joke.

                                                                      • At 2008.12.03 07:15, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                        Wahaha hinde. Ganun talaga ko matulog.

                                                                      • At 2008.11.29 03:59, lei UNITED STATES said:
                                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                        akala ko kung sinong tao na un. haha. tsinelas pala. sabi ko na nga ba mas ok magbasa muna ng comments bago basahin ung post eh. parang spoiler lang eh noh? haha.

                                                                        ang weird mo. nakatsinelas matulog? haha. sa akin hindi uubra un kasi kinukuskos ko ung paa ko sa kobre-kama bago matulog. sabi nga nila.. kanya-kanyang trip lang yan. :)
                                                                        p.s
                                                                        kahit pangmadaling araw na shift ka na ngaun.. magpost ka parin dito ah! babalik-balikan ko parin to. hehe.

                                                                        • At 2008.12.03 07:14, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                          Tama, kanya kanyang trip nga yan. :D

                                                                        • At 2008.12.02 08:40, mayyang PHILIPPINES said:
                                                                          Using Internet Explorer on Windows

                                                                          kakaiba ka matulog ha! naktsinelas…hehehe…

                                                                          naku!cnu naman kumuha nun?hmmmm…may alam kba?..heheheh…

                                                                          • At 2008.12.03 07:14, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                            Wala, bibili na lang akong bago.

                                                                          • At 2008.12.10 02:11, LoV UNITED STATES said:
                                                                            Using Internet Explorer on Windows

                                                                            nahanap mo na po ba ang mahiwagang tsinelas?

                                                                            • At 2008.12.10 09:50, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                              Hinde pa rin eh. :cry:


                                                                            (Required)
                                                                            (Required, will not be published)