Bago pa lang kami mag auto log in kahapon, kinausap na kami ng coach namin. Habang nakatitig ako sa kanya (ehem ng walang malisya), sabi nya: “Guys, I have good and bad news for you. What do you want to know first?” Wala pa atang isang segundo, sabay sabay ng nagsigawan ang mga bakla at babaeng baklang officemate ko. “Baaaaaaaaaaaaaaad first!”, sabi nila. Wala na kong nagawa pa kundi ang makinig na lang. At pinasabog na nga ang bad news. “Some of you should go and this night may be your last stay here.”, sabi ulit ng coach namin. Parang gusto kong humagalpak ng tawa pero mas pinili ko na ngumiti na lang. Amp naman kasi, kung gaano sila kaingay nung una, parang naputulan silang lahat ng dila at natakpan ng scotch tape ang mga bibig nila sa sobrang tahimik. At ang good news kamo? Hindi mapapalitan ang coach namin, she will stay with us. Oh yes! Taena yan ang good news! Nyahaha.
At dahil nga dyan, buong gabing tensyonado ang Team Colorado. Mga hindi mapakali sa mga pods. Merong ilang beses kung lumabas pasok sa wash room at conference room. Meron namang nakailang baso na ng unlimited free coffee at Milo sa pantry. Meron ding mga natataranta sa mga current calls na natatanggap nila kaya napagalitan ng wala sa oras. Pero mas marami ang nagkkwentuhan kung saan ba pupulutin yung mga matatanggal. Ang dami nilang haka haka na wala namang basehan, parang mga tanga. Pero hindi ko sila masisisi kasi nakaka-stress naman talaga yung announcement na yun. Hindi ako nagsasalita, tahimik lang ako, nakikinig lang ako sa kanila. Sabi nila parang wala daw akong pakielam sa nangyayari, panay lang daw ang yosi ko kada 15 minute break. Taena. Akala lang nila yun. Gago ba sila. Syempre ayokong mapahiwalay kay coach… este syempre ayokong mawalan kaagad ng trabaho. Putaena nakakaisang sweldo pa lang ako. Pero kung matanggal, eh di matanggal. Tanggapin na lang. Hindi naman mababago yun kahit ilang drum pa ang ihiin ko o ilang libreng kape pa ang higupin ko.
When the clock hit 10pm, nagsimula na ang kalbaryo. Isa isang papakinggan ng coach namin kung paano kami maghandle ng call at magbigay ng more than a hundred percent customer service. Sinasabi ko sa sarili ko na sana eh hindi ako matapat sa isang kano na umaangal tungkol sa overcharged na ten cents sa bill nya o sa isang kano na nuknukan ng tanga na hindi mapagana ang remote control ng dahil lang sa luma pala ang batteries na ginamit nya. Tsk tsk. Pinagdasal ko din na sana eh makapagconcentrate akong mabuti kahit na halos isang pulgada lang ang layo namin ng pagkaganda ganda kong coach. Ilang minuto lang ang lumipas, nakarinig na ko ng “Beeeeeeep!”. Hudyat na may kano ng tumatawag sa linya ko. Hindi ko na namalayan kung gaano tumagal ang tawag na yun at kung wala bang sabit ang English ko. Basta ang alam ko, nasolved ko ang request nya na magpadala ulit ng isang copy ng billing statement nya kasi natapunan daw ng hot chocolate yung orig copy. Bwahaha buti na lang at simpleng concern lang. Nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ng lahat ng assessment, sa end ng shift daw i-aannounce kung sino ang mga mapupunta sa local accounts. Kailangan pa raw ng deliberation with the managers. Hanep! Parang supervisor position ang hawak namin.
Mas tumindi pa ang tensyon pagkatapos ng shift namin. Sabi maghintay daw kami sa pantry at isa isa kaming kakausapin to show us our performance assessment grades. Nagulat na lang ako nung lumabas galing sa internal room yung dalawang ka-team kong babae, umiiyak sila pareho. Yun pala, apat ang naligwak samin. Tsk tsk. Habang nag iiyakan at nagyayakapan silang lahat sa pantry, tuloy tuloy akong lumabas papuntang lobby. Nagsindi ng Marlborong pula, tinignan ko laman ng wallet ko, at sinimulan kong i-text ang mga kolokoy. Putang ina magpapainom ako kasi pumasa ako! Bwahahahahaha!


