2
November

Drama sa radyo

Posted by kirksydney Popularity: 524 views

Category: Just for fun

Day off ng callboy tuwing Sunday kaya may oras para mag asikaso ng mga dapat asikasuhin. Kasama na dyan ang pagpunta ko sa laundry shop para ano pa ba… eh di magpalaba at magpaplantsa. Suki na ko dun, at usually sila pa mismo kumukuha ng mga damit ko sa unit ko pero may schedule. Since wala ako sa lungga ko most of the time ngayon, nasira na yung schedule na yun kaya kanina, binitbit ko mga damit ko papunta sa kanila. Pagpasok ko pa lang, may narinig na kong parang nag aaway pero hindi nanggagaling sa mismong personnel ng shop yung mga boses. Tama nga ang unang naisip ko! Nakikinig sila ng drama sa radyo. Habang kinikilo ang mga damit ko at nagfifill up ako ng kung ano ano, eto yung mga napakinggan ko:

Sa kasaysayang pinamagatang, Ako’y Iyong Nilisan..

“Huwag mo ‘kong hawakan Berting. Nasasaktan ako! Magulo na ang buhok ko at pumapalag ako ngayon kahit napakalakas mo!”

“Magtapat ka Lorena, nakikipagkita ka sa ibang lalaki! Magtapat kaahh!! …habang lalong humihigpit ang hawak ko sayo!”

“Tama ka Berting! Nakikipagkita ako kay Pareng Aldo! May nakikita ako ngayong kutsilyo sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo.. Ayan.. nakuha ko nah.. sinasaksak na kita!”

*magiging mabilis ang saliw ng musika, mapusok na tugtugin..*

“Aaaahh! Sinasaksak mo ako ngayon sa tiyan! Napakasakit, Lorena. Ito ngayo’y nagdurugo at mamamatay ako.. Ayan.. patay na ako..”

Putang inang yan! Pagkatapos ko, derecho labas ako ng laundry shop.

75 Comments

  • At 2008.11.02 10:51, Arachne PHILIPPINES said:
    Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

    aldo??? omg! pangalan ng kapatid ko yan.. nayahaha

    naalala ko tuloy ng nakita nya akong nanood ng mga telenovela (hindi ako umaabang natyempuhan lng yun ang pinapanood sa bahay) ang sabi nya sa akin “Huwaaat! ikaw nanonood niyan?? HINDI NA KITA KAPATID!!”

    huwahahahahah :P

    • At 2008.11.02 11:40, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Naiintindihan ko ang kapatid mo.

      :lol:

    • At 2008.11.03 01:40, Arachne PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      (annoyed) there’s an insult somewhere along those lines.. >:P

  • At 2008.11.02 11:41, Aling Baby UNITED ARAB EMIRATES said:
    Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

    nyahaha!!

    di nga, yan talaga yung mga sinasabi nila?? haha..ang kulet! sana tinapos mo…

    • At 2008.11.02 11:44, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Yan nga mismo. Amp umalis nga kagad ako eh. :lol:

    • At 2008.11.02 11:49, Aling Baby UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

      dati kasi pag nakikinig ng ganyan nanay ko mega walkout ang drama ko…parang interesante pala haha…sakit siguro ng chan ko kakatawa habang nakikinig ako nyan imbes na ma-emote haha.

    • At 2008.11.02 11:50, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Oo nga eh, may sound epeks pa. Amp tlga.

  • At 2008.11.02 12:28, The Gasoline Dude SINGAPORE said:
    Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

    Hahaha. Masaya nga pakinggan ‘yang mga ganyang drama sa radyo. Nakakaaliw. Naalala ko dati ‘yung “Gabi ng Lagim” sa DZRH. Matatawa ka, hindi ka matatakot. *LOLz*

    • At 2008.11.02 12:34, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Parang wala na atang mas titindi pa sa napakinggan ko kanina. Gusto ko abutin yug radyo at ilagay sa loob ng washing machines nila eh. :lol:

    • At 2008.11.03 13:56, Dadadoll PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows Vista

      lol! oo grabe tinatakot pa ako ng kasamabahay ko dati sa “isang gabi ng gabi… ng lagim… awooo” hehe! napaka bilis namang uminit ng ulo ni sir… funny nga e! :D

  • At 2008.11.02 14:16, Honeul PHILIPPINES said:
    Using Google Chrome 0.3.154.9 on Windows XP

    Ang taas talaga ng imagination ng mga tao, pati sa radio nagawan nila ng drama.. buti na lang di ko naabutan ang mga ganitong eksensa sa buhay, otherwise, di na talaga ako makikinig at manunuod ng teledrama! haha

    • At 2008.11.02 14:36, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Ang lupet nga eh. :lol:

  • At 2008.11.02 18:08, kengkay GERMANY said:
    Using Mozilla Firefox 2.0.0.17 on Windows XP

    hahaha, kapag nakikinig ng ganyan ang nanay ko kinikilabatutan talaga ako. tumatakbo agad ako palabas ng bahay :) pero nakikinig ako ng toning, hahaha

    • At 2008.11.02 18:09, kengkay GERMANY said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.17 on Windows XP

      kapag nakakarinig ako ng ganyan e kinikilabatutan din ako. pero nakarinig ka na ba ng toning, hehe

      • At 2008.11.06 03:50, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Waaaa sinong/anong Toning? :o

    • At 2008.11.02 18:18, p0kw4ng ITALY said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows XP

      hihihi enjoy naman!

      salamat sa pagdaan sa bahay ko at sa invitation sa tambayan nyo..pero italy ako hindi dubai =)

      daan ka ulit ha!

      • At 2008.11.06 03:51, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Amp sorry. Nalito ako sa flag mo, Italy nga pala yan. Mukha kasing UAE. :lol:

    • At 2008.11.03 04:17, glesy the great PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.17 on Windows XP

      ahaha… di pa ako nakakarinig nyan sa totoo lang… katuwa naman, ang sarap patayin lahat ng cast para wla nang sunod na episodes… cheers;p-glesy the great

      • At 2008.11.06 03:51, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Radio actors serial killer ka naman ngayon, haha.

      • At 2008.11.07 00:24, glesy the great PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 2.0.0.17 on Windows XP

        masarap lang naman patayin, hindi naman gusto kong patayin… ahehehe… bakit? gusto mong maging accomplice? kahit tagatapon ka lang ng bangkay…. cheers-glesy the great

    • At 2008.11.03 05:39, ice PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows Vista

      huy, neytan. di mu ba nakikita yung airplane dun sa commentbox? loser ng pc mo. bwahahaha.

      anyway, drama ba yun? eh mukhang timang lang. hahahaha. ang sama ko. i shut up nao. :lol:
      *wow. benguet na ulit ako. balik pilipinas. :p

      • At 2008.11.06 03:53, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Wahaha sa comment box ba? Sa theme ko kasi hinahanap. Hinde mo naman sinabi. :lol:

    • At 2008.11.03 06:51, yhen PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows XP

      hehehe… ganyan po talaga sa radyo… kailangan detalyado… hehehe…

      noong gumawa kami ng radio dramo noong college sobrang OA talaga ng script yung tipong… “Ito na lalapit na ako sa iyo, naglalakad na ako sa direksyon mo (obvious ba? hehe) kukunin ko na ang aking nakatagong patalim sa loob ng aking kaliwang (kailangan talaga kaliwa) bulsa” sagot naman ng babae “Huwag po, tulad ng nakikita mo naglalakad na ako palayo sa iyo (kami di namin makita). hindi ko hahayaang madungisan ang aking balat ng patalim na iyan mula sa kaliwang bulsa mo.”

      ay naku wag ko na ngang ituloy.. mahalay na! hehe! yun lang! ;-)

      • At 2008.11.06 03:53, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Nakupo!!!

    • At 2008.11.03 07:57, buzzing flowerpecker PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      nakakainit ba ng ulo? haha.

      high blood na high blood ka ata.

      • At 2008.11.06 03:54, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Oo eh, taenang yun. :lol:

    • At 2008.11.03 11:07, mayui PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 2.0.0.16 on Windows Vista

      ang kwela kaya! nyahaha.. mga drama sa radyo talaga, oo.
      sana man lang si lorena na nagsabi na patay na si aldo. ahaha..

      • At 2008.11.06 03:54, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Si Berting yung namatay, hinde si Aldo. :lol:

      • At 2008.11.10 08:38, mayui PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 2.0.0.17 on Windows Vista

        ay, oo nga! nalito pa ko. :lol:

    • At 2008.11.03 16:32, lei UNITED STATES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows Vista

      hahahhhahahahahahhahahhahha!
      LOL to the Nth degree!
      parang tanga lang.. as in sinabi pa na “ayan, sinaksak mo ako sa tyan!” comedy ang dating eh.. haha.

      • At 2008.11.06 03:54, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Nyaha. Uy webaks pala. :D

    • At 2008.11.04 02:29, ifoundme PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows XP

      hahahaahhahhha! patay na nagsasalita… hahahaha! di ko talaga mapigilan tumawa sobra!

      • At 2008.11.06 03:55, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        :lol:

    • At 2008.11.04 03:15, popoy PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

      huwaw. nakakatawa naman yun. parang bubble gang lang. sasaksakin kita, ayan na. naramdaman mo ba? heto sasaksakin kita ulet, teka iilag ako. pft. eh di ba dapat sound epeks na lang yun?

      nakakaaliw yan. uso yan dati sa mga probinsya hahahaha

      • At 2008.11.06 03:55, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Comedy nga amp. :lol:

    • At 2008.11.04 06:40, sommer UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows XP

      whaaaa..kamiss makarinig ng ganyang drama sa radyo…miss ko na din tunog ng bombo radyo pag nagsasabing me bagyo..o kaya ang tambalang korina sanchez at ted failon…=)
      ..nice one nathan!!

      • At 2008.11.06 03:55, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Hala ganyan ka na katanda parekoy? :o

    • At 2008.11.04 09:15, baboyita UNITED STATES said:
      Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows XP

      natawa naman ako dun, ayan tumatawa na ako, ang sakit ng tyan ko sa kakatawa. hawak ko na ang tyan ko ngayon habang tumatawa. hahahaha!

      ang tagal ko ding hindi nabalik dito, dami kong dapat habulin ng pagbabasa :D

      • At 2008.11.04 10:10, muymuy UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

        hahahahahah!!..mas natawa ako dito!..

      • At 2008.11.06 03:56, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Hahahaha!

      • At 2008.11.07 10:49, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

        wahahahahahahaha!

    • At 2008.11.04 10:11, muymuy UNITED ARAB EMIRATES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      kung hindi ko pa nabasa yung mga napakinggan mo..ang iisipin kong pinakikinggan nila ay yun horror sa radyo na “si matarrrrrr”

      • At 2008.11.06 03:57, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Anong Si Matar? :o

    • At 2008.11.04 10:48, gmac SAUDI ARABIA said:
      Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

      hahahaha. pambihira sinasabi pa talaga per word eh noh. hahahaha.

      • At 2008.11.06 03:57, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Kalokohan nga eh. :lol:

    • At 2008.11.04 11:07, kat PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      nye! as in ikuwento daw ba ang mga pangyayari!
      may scarcity na talaga ng matitinong writers sa ngayon, sa TV man or radyo.
      mas matino pa jan ang mga pinagsusususlat ko sa scriptwriting class ko nung magma-masscom pa ako nyahaha

      • At 2008.11.06 03:57, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Pabasa nga, hehehe.

    • At 2008.11.05 07:41, mayyang PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

      hehehhe….nakakawindang naman yan! naku…try mo kaya tapusin ung drama sa radyo at baka makrelate ka..heheheh…

      • At 2008.11.06 03:59, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Waaaaa nevermind.

    • At 2008.11.05 08:21, eloiski PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

      Ay putanes!

      Nakakbwisit! Patay na nga nakakpagsalita pa! Oh holy kamote!

      Nakaranig na ako ng ganyan eh kaso hindi ko lang iniitindi… ganyan pala!

      • At 2008.11.06 03:59, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

        Mabuti pang wak mo na lang intindihin, haha.

    • At 2008.11.05 10:05, call center gal PHILIPPINES said:
      Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

      yan ang type na type kong pakinggan! tapos dagdagan mo ng mga eksenang mala dante varona ang drama, yung kunwari me kabayo tapos biglang bubuksan ang pinto tapos ina-announce na sasampalin na yung babae…hehehee

      • At 2008.11.05 10:06, pinay freelancer PHILIPPINES said:
        Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

        Sasampalin na kita, sasampalin na kita sa pisngi, hayan na…

        O ha! kung hindi ka ba naman maloka sa batuhan ng linya ewan ko na lang ahihi…

        • At 2008.11.06 03:59, kirksydney PHILIPPINES said:
          Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

          Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

      • At 2008.11.05 10:12, yhen PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows XP

        Did you know?

        • The Great Wall of China, known to be one of the eight wonders of the world, is made of rice. Its foundation is composed of plain sticky rice and compressed dirt.

        However, this has been reconstructed and repaired for a number of times, but parts of it with the rice and compressed dirt can still be seen today.

        NOVEMEBER IS NATIONAL RICE AWARENESS MONTH!

        more of this trivia at http://www.yhen1027.wordpress.com

        • At 2008.11.05 10:30, RED PHILIPPINES said:
          Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

          lols

          • At 2008.11.05 11:20, joshmarie PHILIPPINES said:
            Using Internet Explorer 6.0 on Windows XP

            malamang DZRH yun station na yun. sila lang naman ang may radio shows na drama. hehe.

            • At 2008.11.06 04:00, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

              Nyaha alam na alam ah. :lol:

          • At 2008.11.06 12:58, potsquared JAPAN said:
            Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows Vista

            naawa ako kay berting… *hikbi*

            • At 2008.11.07 10:55, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
              Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

              si berting ung anawnser potsie! nyahahah!

            • At 2008.11.08 02:38, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

              Haha taenang yan.

          • At 2008.11.06 23:35, utakmunggo UNITED KINGDOM said:
            Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows Vista

            yung longkatuts namin dati halos nag-fuse na ang tenga sa radyo. grabee pati sa banyo habang nagjijebs nakikinig pa sa drama.

            iniisip ko, ano kaya kung ganyan talaga ang normal na conversation ng bawat tao?

            • At 2008.11.07 10:51, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
              Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

              natawa naman ako sa sinabi mo UM.. ayan ang tinitipa ko sa keyboard ko…. nyahaha!

            • At 2008.11.08 02:39, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

              Waaaa wag naman sana Mahalnamunggo. Si Ethel natuwa pa amp. :lol:

          • At 2008.11.07 10:53, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
            Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

            naalala ko tuloy si mama nung elementary ako,twing naglalaba sya sa hapon, drama din sa radyo ang kajamming nia…. pambihira tlga! umaalingawngaw pa sa buong street namin ang sounds ehh… pang asar pag ako taga banlaw eh, yoko din ng drma s radyo noh!

            • At 2008.11.08 02:40, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

              Baket kaya mabenta yung drama sa radyo sa mga naglalaba? Nyahaha!

          • At 2008.11.08 15:40, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
            Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

            alangan nmang dalhin ang tv sa posohan dba?? eh di nagtyaga na lng sa radyo… nyeheheheheh

            • At 2008.11.08 16:23, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

              Uy ang talino mo ah.

            • At 2008.11.13 19:28, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
              Using Internet Explorer 7.0 on Windows Vista

              sentido kumon dude….

          • At 2008.11.10 20:59, Lhay UNITED ARAB EMIRATES said:
            Using Mozilla Firefox 3.0.3 on Windows Vista

            LOL, totoo ganun mga dialogue nila? hahaha..pero hindi ata drama sa radyo un eh, bka comdey sa radyo?

            • At 2008.11.16 09:44, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

              Most probably. :lol:

          • At 2008.11.15 22:04, Jonell PHILIPPINES said:
            Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

            hahahaha hanep na drama yan benta..

            • At 2008.11.16 09:44, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

              Taenang yan nga eh.

          • At 2008.11.16 17:18, brotherutoy FRANCE said:
            Using Internet Explorer 7.0 on Windows XP

            kung ganyan ang description kapag violent scenes, paano pa kaya yung uhhmm, intimate scenes? hmmmmm… porn for the visually impaired!

            • At 2008.11.16 17:37, kirksydney PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox 1.5 on Windows XP

              Uy gusto ko yan. Pwedeeeeeeeeeeee! Makabalik nga sa laundry shop an yun. :lol:


          (Required)
          (Required, will not be published)