30
November

Araykupo!

Posted by kirksydney Popularity: 241 views

Category: Endless rants

Ang sakit naman nun. Sapul na sapul.
Hindi isang beses mo lang sinabi, inulit ulit mo pa.
Ngayon ko lang to naramdaman at ayoko ng maulit pa.
Pero sa tuwing nakakausap kita, hindi ko mapigilang magtanong.
Dahil alam na alam ko sa sarili ko na may pag asa pa.
Nararamdaman ko din yun sa bawat mga salita mo.
Halatang halata ang pagpipigil mo sa talagang gusto mo.
At kahit anong gawin mo, hindi mo yun maitatago sakin.

Hanggang sa umamin ka na ngang mahal mo pa rin ako.
Pero naniniwala ka pa ring hindi na natin kaya.
Dahil ang sabi mo pa, hindi tayo para sa isa’t isa.
Kung ilang beses mong sinabi sakin ang mga salitang yan.
Ganun kadaming beses ko ding pilit na tinutulan.
Pero hanggang sa huli, nagmatigas ka sa paniniwala mo.
Wala na kong nagawa pa, natalo mo ako ng tuluyan.

Siguro nakukulitan ka na sakin at naiirita na rin.
Kahit naman ako, hindi ko inakalang magagawa ko yun.
Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa isang tao.
At lalo namang hindi ako naghahabol ng kahit na sino.
Pero ang lahat ng mga yan nag iba pagdating sayo.
Kinain ko ng buo ang pride ko na wala pang nakagawa.
Wala akong pakielam kahit nagmumukha na kong gago.
Dahil mas magiging gago ako kung pakakawalan kita.

Kanina nag usap na naman tayo, binigo mo na naman ako.
Hindi ko maipaliwanag ang dapat kong maramdaman.
Ang bigat bigat ng loob ko at gusto kong magwala.
Pero mas pinili kong manahimik at kausapin ka pa rin.
Parang wala lang nangyari pero, umiinit na ang mata ko.
Hindi ko akalaing iiyak ako ng dahil sa isang babae.
Pero sa kauna unahang pagkakataon, nangyari nga.

Nagpatuloy yun kahit nagkkwento ako sayo ng masasaya.
Tumatawa ako pero ramdam ko pa rin ang lahat.
Tumigil man kaagad ang pag iyak ko, andun pa rin ang sakit.
Pero pilit kong tinatago sayo dahil nahihiya na ko.
Baka isipin mong ang hina hina naman ng loob ko.
Naputol ang pag uusap natin ng walang paalamanan.
At hindi ako sigurado kung makakausap pa kitang muli.

Sa mga oras na to, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.
Hindi pa rin ako kumbinsido na kailangan na kitang kalimutan.
Gusto ko pa ring umasa at maghintay ng tamang oras.
Pero ayoko namang paulit ulit pang masaktan dahil dito.
Tang ina naman talaga. Sobrang naguguluhan ako.
At tulad ng sinabi ko, iisipin ko to hanggang sa pagtulog ko.
Sana lang paggising ko, alam ko na ang sagot. Sana.

97 Comments

  • At 2008.11.30 13:52, libay UNITED STATES said:
    Using Mozilla Firefox on Windows

    “binigo mo na naman ako”

    mang emong kaw ba yan?

    • At 2008.11.30 14:28, glesy the great PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox on Windows

      batuhin na yan ng tissue

      • At 2008.11.30 14:46, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox on Windows

        Sus kunyari ka pa Kopiko, ikaw din eh. :lol:

      • At 2008.11.30 13:52, utakmunggo UNITED KINGDOM said:
        Using Mozilla Firefox on Windows

        sa panong paraan kita binigo? hehee feeling.

        kaya pala nawala sa plurk gumagawa ng post. hmp.

        • At 2008.11.30 14:28, glesy the great PHILIPPINES said:
          Using Mozilla Firefox on Windows

          may sarili palang teleserye dito…

          • At 2008.11.30 14:46, kirksydney PHILIPPINES said:
            Using Mozilla Firefox on Windows

            Wahaha tsaka naguluhan din ako dun eh.

          • At 2008.11.30 13:54, mayui PHILIPPINES said:
            Using Mozilla Firefox on Windows

            i know that feeling. parang pati prinsipyo mo isinaisantabi mo para sa kanya.

            matulog ka na para mahaba-haba ang oras mong mag-isip, kuya. :))

            • At 2008.11.30 14:29, glesy the great PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox on Windows

              mahaba talaga.. kasing haba nung tula

              • At 2008.11.30 14:47, kirksydney PHILIPPINES said:
                Using Mozilla Firefox on Windows

                Ayoko nga matulog kasi ayoko ng isipin pa.

              • At 2008.11.30 13:58, mumu UNITED ARAB EMIRATES said:
                Using Internet Explorer on Windows

                ang galeng :o

                • At 2008.11.30 14:27, glesy the great PHILIPPINES said:
                  Using Mozilla Firefox on Windows

                  nakadrugs lang yan…

                  • At 2008.11.30 14:47, kirksydney PHILIPPINES said:
                    Using Mozilla Firefox on Windows

                    Hehehehe.

                  • At 2008.11.30 13:59, timi KUWAIT said:
                    Using Mozilla Firefox on Windows

                    emote-emote!

                    • At 2008.11.30 14:30, glesy the great PHILIPPINES said:
                      Using Mozilla Firefox on Windows

                      parang si judy anne lang umarte no?

                      • At 2008.11.30 14:47, kirksydney PHILIPPINES said:
                        Using Mozilla Firefox on Windows

                        Emote emote talaga!

                      • At 2008.11.30 14:01, rache NORTHERN MARIANA ISLANDS said:
                        Using Mozilla Firefox on Windows

                        uy emote… pinagsasabay ang blogging at plurking! good job!

                        • At 2008.11.30 14:31, glesy the great PHILIPPINES said:
                          Using Mozilla Firefox on Windows

                          kakaibang raket di ba?

                          • At 2008.11.30 14:48, kirksydney PHILIPPINES said:
                            Using Mozilla Firefox on Windows

                            Pag callboy, sanay sa multi tasking. :lol:

                          • At 2008.11.30 14:22, mumu UNITED ARAB EMIRATES said:
                            Using Internet Explorer on Windows

                            ang sama naman nyang hinayupak na yan upakan naten

                            • At 2008.11.30 14:31, glesy the great PHILIPPINES said:
                              Using Mozilla Firefox on Windows

                              asan ang kalaban? sugod!!!!

                              • At 2008.11.30 14:33, mumu UNITED ARAB EMIRATES said:
                                Using Internet Explorer on Windows

                                nandun sa sesame street

                              • At 2008.11.30 14:49, kirksydney PHILIPPINES said:
                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                Waaaaaaaaaaak, mahal ko yun.

                              • At 2008.11.30 14:40, glesy the great PHILIPPINES said:
                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                dahil iniwan nyo ako sa plurk.. dito naman ako magflo-flood.. pwede na akong taga-response sa mga comments mo…

                                seryoso mode: pare, kung uukol bubukol… kung ayaw nya at pagkatapos mong gawin lahat, yaan mo naman siyang mag-isip rin (malay mo may pagka-slow yan)… magpamiss ka naman…

                                at kung hindi pa rin… ilabas na ang alak at pulutan.. tatagayan kita!!! (pinapasaya lang kita) cheers;p

                                • At 2008.11.30 14:49, kirksydney PHILIPPINES said:
                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                  O baka gusto mong replayan sarili mong comment?

                                  • At 2008.12.02 11:39, glesy the great PHILIPPINES said:
                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                    asar ka na nyan?

                                  • At 2008.12.03 07:16, kirksydney PHILIPPINES said:
                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                    Hinde noh. :P

                                  • At 2008.11.30 15:40, Dadadoll PHILIPPINES said:
                                    Using Google Chrome on Windows

                                    it hurts because you’re thinking too much. bawas bawasan ang pag iisip kung paano na, bakit pa at kung ano pa man… kung mahal mo edi mahalin mo. Don’t expect, don’t assume.

                                    • At 2008.11.30 15:46, kirksydney PHILIPPINES said:
                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                      Naks. Parang alam ko saan nanggagaling yan. :P

                                      • At 2008.11.30 15:51, Dadadoll PHILIPPINES said:
                                        Using Google Chrome on Windows

                                        umm… mejo antok nako. hindi ko gets! gar!

                                      • At 2008.11.30 15:53, kirksydney PHILIPPINES said:
                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                        Wala, nevermind. :P

                                      • At 2008.11.30 17:00, kengkay GERMANY said:
                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                        alam mo, let it go muna. tutal naman litong lito ka na e. bigyan mo ng pagkakataon na kumalma muna ang iyong puso at utak. dun mo lang malalaman kung dapat mo bang itanong ulit o dapat mo bang itigil na.

                                        • At 2008.11.30 17:50, kirksydney PHILIPPINES said:
                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                          Siguro nga tama ka.

                                        • At 2008.11.30 17:47, prinsesa000 PHILIPPINES said:
                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                          try mo kayang biglang maglaho..
                                          malalaman mo kung importante ka rin sa tao pag di na nya maramdaman presence mo.. pag hinabol ka e di effective.. pag di ka hinabol ibig sabihin di ka talaga importante sa kanya…

                                          • At 2008.11.30 17:51, kirksydney PHILIPPINES said:
                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                            I will try to do that. Graveyard shift na ko the whole week, madali na sigurong umiwas.

                                          • At 2008.11.30 18:20, The Gasoline Dude SINGAPORE said:
                                            Using Internet Explorer on Windows

                                            Huwaw! Sinong mag-aakalang ang isang Kirksydney ay magiging ganyang ka-EMO? *LOLz*

                                            • At 2008.12.03 07:17, kirksydney PHILIPPINES said:
                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                              Wahaha minsan lang to pre. :lol:

                                            • At 2008.11.30 18:40, p0kw4ng ITALY said:
                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                              galing ako sa ganyang feeling..aktuli kasalukuyan,hihihi

                                              mahirap talaga..pati pride lumigwak na din..wala ng natira..pero okay lang yun atleast nailabas mo ang nararamdaman mo..kung walang naging sagot..eh di wala..

                                              ang daling sabihin hirap gawin..harhar!

                                              • At 2008.12.03 07:18, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                Yeaaaaaaaaaaah.

                                              • At 2008.12.01 00:27, Arachne PHILIPPINES said:
                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                Wala akong pakielam kahit nagmumukha na kong gago.
                                                Dahil mas magiging gago ako kung pakakawalan kita.

                                                ang ganda ng umaga ko dito ah.. touched nmn ako.. pero sino bang engot na babae yan?? bat ikaw pinakawalan nya???

                                                • At 2008.12.03 07:18, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                  Sikret walang clue.

                                                • At 2008.12.01 01:05, helena PHILIPPINES said:
                                                  Using Opera on Windows

                                                  Ayan kahit pinangako kong dededmahin kita. Dahil sa post mo.. Ang masasabi ko lang ay welcome to the club ng mga taong magulo ang lablayb.
                                                  Kaya mo yan bro, pray over kita wag ka mag-alala.

                                                  • At 2008.12.01 17:21, joycee UNITED STATES said:
                                                    Using Internet Explorer on Windows

                                                    sali sa club! hahahaha

                                                    • At 2008.12.03 07:25, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                      Wow dami nyo ng members ng club nyo ah. :lol:

                                                    • At 2008.12.01 04:47, siangelnawalangpakpak PHILIPPINES said:
                                                      Using Internet Explorer on Windows

                                                      shiyet. emo post.

                                                      idaan na lang yan sa inom.

                                                      • At 2008.12.03 07:25, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                        Tapos na, haha.

                                                      • At 2008.12.01 05:13, eloiski PHILIPPINES said:
                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                        hala!
                                                        usapang pag-ibig na naman ba ito?
                                                        im outta here!

                                                        hindi ko magets!
                                                        wala akong masay!

                                                        • At 2008.12.03 07:27, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                          Webaxxx na lang para sayo. :lol:

                                                        • At 2008.12.01 06:02, bloom PHILIPPINES said:
                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                          awwwww.. bayaan mo na kirk. :) sending my hugs jan sa libis :)

                                                          • At 2008.12.03 07:28, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                            Salamat Bloom tarat tarat!

                                                          • At 2008.12.01 08:18, potsquared JAPAN said:
                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                            pero kirk.. alam mo naman kung gaano kita kamahal.. sana maintindihan mo.. huhuhu i need to say.. goodbye…

                                                            • At 2008.12.03 07:28, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                              Nyahahahaha. :lol:

                                                            • At 2008.12.01 10:27, yhen PHILIPPINES said:
                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                              ay moment kung moment! hehehe

                                                              • At 2008.12.03 07:28, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                :D

                                                              • At 2008.12.01 12:04, arnie UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                emo kirk kelan pa?amfff..lumalabas ang pagiging makata pero la ako naintindihan hang over pa sa karera eh hahaha..itutulog ko muna saka kita babalikan :P

                                                                • At 2008.12.03 07:29, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                  Hmmm ayun o may date sa itaas. :lol:

                                                                • At 2008.12.01 17:21, joycee UNITED STATES said:
                                                                  Using Internet Explorer on Windows

                                                                  wala ng mas e-EMO pa. sus! itulog mo lang yan. :)

                                                                  • At 2008.12.03 07:29, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                    Siguro nga kulang lang ako sa tulog, haha.

                                                                  • At 2008.12.02 08:07, rio PHILIPPINES said:
                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                    ang emo naman nito…tissue naman dyan…nakakaiyak e..

                                                                    • At 2008.12.03 07:30, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                      Weeeeee. :P

                                                                    • At 2008.12.02 11:29, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                      Using Internet Explorer on Windows

                                                                      sows! ayun naiinlab at nasasaktan din pala ang isang neytan…
                                                                      gnyang nmn *ata* tlga ehhh….wala! gnyan tlga ehh…nyaha!
                                                                      ahhmm…ano kaya itsura ni neyt pag umiiyak noh? hmmmm…..

                                                                      • At 2008.12.03 07:30, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                        Wak mo ng alamin! :lol:

                                                                        • At 2008.12.07 06:21, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                          Using Internet Explorer on Windows

                                                                          pustahan pangit ka umiyak, sabay mei uhog na tumutulo… nyaha!

                                                                        • At 2008.12.07 13:14, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                          Weeeeeeeeeeeee!

                                                                        • At 2008.12.03 10:19, melissa PHILIPPINES said:
                                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                          she is one lucky girl..

                                                                          • At 2008.12.04 08:25, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                            Hmmmm…

                                                                          • At 2008.12.03 12:05, bloom PHILIPPINES said:
                                                                            Using Google Chrome on Windows

                                                                            kiiiiiiiirk! may tag pala ako sayo! :D hahahahaha! wag ka na pumalatak jan! gawin mo na! hahahaha! :p

                                                                            • At 2008.12.04 08:25, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                              Waaaaaaaaaaaaaaaa!!!

                                                                            • At 2008.12.03 16:46, lalaine PHILIPPINES said:
                                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                              ouch! kaya mo yan… kayanin mo… hindi ko alam kung anu sasabihin na makakapagpalubag ng loob mo sa post na ito…

                                                                              hmmm… life must go on… :)

                                                                              • At 2008.12.04 08:26, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                Kayang kaya, hehe.

                                                                              • At 2008.12.03 19:23, Lhay UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                (LOL) di bagay mang emo, balik kana sa dati mong anyo!!!!

                                                                                • At 2008.12.03 19:28, Lhay UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                  at di ko nakita ang message ko??? watta!!!

                                                                                  • At 2008.12.04 08:27, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                    Okay naman ah. :o

                                                                                  • At 2008.12.04 17:49, Shobe PHILIPPINES said:
                                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                    ay. araykupo nga. kain na lng po tayo. baka makatulong. :D

                                                                                    ate Vanni says thanks for the prayers. ;)

                                                                                    • At 2008.12.06 08:07, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                      Hey, you’re welcome. How is she now?

                                                                                    • At 2008.12.04 22:46, revsiopao ITALY said:
                                                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                      E ilan bang katol ang nahithit mo kapatid bago mo ito na-compose? Toinks! {o baka naman MSG?}

                                                                                      Haayy… buhay pag-ibig!

                                                                                      Kitakitz sa Lunes ha! Sa pasinaya ng aking bagong tindahan. Nasa blogroll na kita kahit naka-kandado pa. Hehe. Stay cool!

                                                                                      • At 2008.12.06 08:10, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                        Wala na yan, tapos na yan. At tama, rest day ko sa Lunes. Makaka-attend ako. Pengeng vip pass ha. :lol:

                                                                                        • At 2008.12.06 08:41, revsiopao ITALY said:
                                                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                          nakupo! kaka-pressure naman. he he. parang ayaw ko na tuloy magbukas ng tindahan. ‘yung mga nakapila nga e nagagalit na e. toinks! kahit 2 vip passes for you, dumating ka lang parekoi. cheers!

                                                                                        • At 2008.12.06 10:52, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                          Nyaha nasan na ba kasi ang master key? Baka pwede pasilip. Wahaha! :lol:

                                                                                          • At 2008.12.06 10:58, revsiopao ITALY said:
                                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                            sikretong malufet! ang gulo pa nga ng tindahan e… katatapos lang ng mga dingding. he he. woi, nabasa ko comment mo kay boni. ibugaw ba ang ate or si coach. toinks! ciao! c:,)

                                                                                          • At 2008.12.06 11:11, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                            Madayaaa!!! Haha oo si Boni kasi. :lol:

                                                                                          • At 2008.12.05 12:13, buzzing flowerpecker PHILIPPINES said:
                                                                                            Using Internet Explorer on Windows

                                                                                            wee. ayos yang napagdaanan mo. exercise sa heart yan para hindi ka magka-heart disease. hehe.

                                                                                            *no scientific studies to prove my point*

                                                                                            • At 2008.12.06 08:10, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                              At dahil dyan, hinde ako maniniwala. :lol:

                                                                                            • At 2008.12.07 15:08, Mumu UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                              lalalalala

                                                                                              • At 2008.12.07 15:11, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                Anu yan?

                                                                                                • At 2008.12.07 15:11, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                  Napakagandang binibini mo naman.

                                                                                                  • At 2008.12.07 15:15, Mumu UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                    wag mo kong utuin dahil hindi moko binibili ng pancit canton! un lang rekwes ko sayo ndi mo pa ginawa anung klase kang mortal tsk

                                                                                                  • At 2008.12.07 15:16, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                    Saan ka naman kasi nakakita ng Mumung kumakain ng pancit canton? Tapos demanding pa.

                                                                                                  • At 2008.12.07 15:18, Mumu UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                    para canton lang eh!! kawawa naman ako, at itong tula mo kantahin mo sa tono ng bahay kubo bagay

                                                                                                    • At 2008.12.07 15:31, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                      Dingdong na lang pwede? At ayaw ko ng bahay kubo, leron leron sinta gusto ko. :lol:

                                                                                                    • At 2008.12.07 15:47, rache NORTHERN MARIANA ISLANDS said:
                                                                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                      i can relate to your poem pala ksi medyo napagdaanan ko na sitwasyon na yan esp. 7 yrs or more kmi nsa long distance relationship… masasabi ko lng - kung para syo talagang para sayo at in the end love still prevails…
                                                                                                      o sya tama na nga naman ang emote :)

                                                                                                      • At 2008.12.23 13:00, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                        Tama! Meant to be, meant to be.

                                                                                                      • At 2008.12.10 12:46, Jonell PHILIPPINES said:
                                                                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                        tama na yan inuman na! hehe!

                                                                                                        • At 2008.12.23 13:00, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                          Tapos na ko dyan pre, hehe.

                                                                                                        • At 2008.12.11 05:49, muymuy UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                                                          Using Internet Explorer on Windows

                                                                                                          naknang!..kung ayaw sayo lubayan mo…hehehe

                                                                                                          pag hindi mo na yan pinansin ewan pampam na yan sayo..pustahan?!

                                                                                                          • At 2008.12.23 13:03, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                            Sa tingin ko nga tama ka dyan.

                                                                                                          • At 2008.12.21 01:49, lei UNITED STATES said:
                                                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                            awwwwww! emo na naman. hindi na naman ako maka relate. lol.

                                                                                                            • At 2008.12.23 13:04, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                                              Nagcomment pa kasi, matagal na yan. :lol:


                                                                                                            (Required)
                                                                                                            (Required, will not be published)