Ang sakit naman nun. Sapul na sapul.
Hindi isang beses mo lang sinabi, inulit ulit mo pa.
Ngayon ko lang to naramdaman at ayoko ng maulit pa.
Pero sa tuwing nakakausap kita, hindi ko mapigilang magtanong.
Dahil alam na alam ko sa sarili ko na may pag asa pa.
Nararamdaman ko din yun sa bawat mga salita mo.
Halatang halata ang pagpipigil mo sa talagang gusto mo.
At kahit anong gawin mo, hindi mo yun maitatago sakin.
Hanggang sa umamin ka na ngang mahal mo pa rin ako.
Pero naniniwala ka pa ring hindi na natin kaya.
Dahil ang sabi mo pa, hindi tayo para sa isa’t isa.
Kung ilang beses mong sinabi sakin ang mga salitang yan.
Ganun kadaming beses ko ding pilit na tinutulan.
Pero hanggang sa huli, nagmatigas ka sa paniniwala mo.
Wala na kong nagawa pa, natalo mo ako ng tuluyan.
Siguro nakukulitan ka na sakin at naiirita na rin.
Kahit naman ako, hindi ko inakalang magagawa ko yun.
Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa isang tao.
At lalo namang hindi ako naghahabol ng kahit na sino.
Pero ang lahat ng mga yan nag iba pagdating sayo.
Kinain ko ng buo ang pride ko na wala pang nakagawa.
Wala akong pakielam kahit nagmumukha na kong gago.
Dahil mas magiging gago ako kung pakakawalan kita.
Read the rest of this entry »
Haaaay salamat naman. Simula sa Lunes ng gabi, graveyard shift na ko. 10pm until 7am. Oh yes! Yan ang pinakagusto kong shift dahil isa akong nocturnal person. Gising na gising ako kapag gabi at kayang kayang makipagsabayan sa mga customers na demanding at mahihirap umintindi. Tsaka isa pa, ayoko ng trapik. Taena. Mabilis uminit ang ulo ko, lalo na kapag mainit bumyahe.
Oo nga pala, naalala ko. Astig mga officemates ko, mga rakista yan. May banda sila at lahat sila ang sideline eh pagiging callboy. Akala mo mga gago pero kapag kausap na ng customers, tunog Amerikano. Eto ang sampol. Yung tatlong long hair at yung mamang kalbo yung mga members ng banda.

Read the rest of this entry »
Pagkagising ko kaninang umaga, ikaw kaagad ang hinanap ng inaantok pang mga mata ko. Nag iba ang pakiramdam ko at tuluyan ng nagising nang hindi kita nakita. Nabadtrip ng husto. Nawalan ng gana kumain. Bumagal ang kilos. At ang resulta? Nahuli ako sa trabaho. Habang nagmamaneho ako papunta sa opisina, binalik balikan ng isip ko kung ano bang nangyari nung nakaraang gabi. Ano ba ang pwedeng maging mga dahilan para iwan mo ako.
Ang natatandaan ko lang eh day off ko kahapon at sinamahan ko ang ate ko sa Glorietta 1. Maghapon kami dun. Katulad ng dati, nagmistulang boypren nya na naman ako at naging tagabitbit ng paper bags ng mga pinamili nya. Argh! Sinasabi ko na nga ba eh. Sana sinunod ko na lang ang konsensya kong nagngangalang katamaran at hindi na lang sumama pa. Tsk tsk! Isa sa hindi ko maintindihan at kinaiinisan sa mundong ito ay kung bakit napakatagal mamili ng mga babae. Bakit ang hilig nilang maglakad ng maglakad sa iba’t ibang stalls.. maghahalungkat ng kung ano anong bagay.. at pagkatapos ay hindi naman pala bibilhin. Pwede namang dumerecho na lang sa pagbibilhan, kunin ang bibilhin, at dalhin sa cashier para bayaran. Napakaraming arte nga naman oo! Pero dahil andun na ko, wala na kong nagawa pa.
Pagkatapos kong tumunganga at sumunod sunod na parang aso sa loob ng anim na oras, dumerecho naman ako ng Pier 1 para sa party ng company namin. Tang ina. Kahit sandamakmak na pulang kabayo ang tinoma ko at plato platong seafoods ang nilantakan ko, hindi ka pa rin naalis sa isip ko. Buong magdamag kong tinatanong ang sarili ko kung maaabutan ba kita mamya pag uwi ko. Paulit ulit ko ding sinabi na sana naman wag mo na akong pahirapan kapag sinubukan ko ulit na hanapin ka. Alam mo namang hindi ako nakakatulog kapag wala ka. Hinahanap hanap kita. Alam na alam mo yan. Sa katunayan, kahit saan ako magpunta eh bitbit kita. Ganyan ka kaimportante sakin.
Read the rest of this entry »
Pagkatapos ng ilang araw na pagtatangka naming kuhaan ng stolen shot ang coach ko, ngayon lang kami nagtagumpay. Masyadong naging busy at kulang sa perfect timing. Kung hindi dahil sa pagpupursigi ni Pareng Gmanyac, este Pareng Gmac pala at sa pangungulit na din ng iba, mapa-comment dito sa blog ko o mapa-Plurk, ewan ko kung lang saan pupulutin ang naunang plano.
At dahil dyan, heto na sya. Huwag lang sana sya mapadpad dito. Please…

Pahabol: Nasa akin na pala ang # nya at pupunta kami ng Pier 1 para sa party ng company namin. Pero isang grupo kami dun kaya wag ka ng mag ano ano pa dyan. Humahanga lang ako sa kanya. Walang malisya. Pramis ng madami.
Isa pang pahabol: Di hamak na lalo syang maganda sa personal.