11
October

Single no more?

Posted by kirksydney Popularity: 493 views

Category: Family matters

Close kami ng ate ko. Sa katunayan sa sobrang close naming dalawa, lagi kaming napagkakamalang magboyfriend. Tulad kahapon, nagpunta kami ng Greenbelt 1 kasama mga workmates nya na first time ko pa lang makikilala. Tulad ng dati, naging instant boyfriend nya na naman ako. Amp. Bigla ko tuloy naalala, hindi pa sya nagkakaroon ng totoong boyfriend. Ay teka.. meron na pala. Meron syang pinakilala sa amin dating dati pa nung college pa sya pero pagkatapos nun, wala ng naging kasunod. Ewan ko kung anong problema nya. Marami naman akong alam na pumoporma sa kanya, panay basted nga lang. Nakupo! Naging tomboy na kaya sya kasi sya lang ang babae sa aming magkakapatid? One of the boys kumbaga. O sadyang pihikan lang? Gusto na nga syang pag asawahin ng nanay namin kasi gusto nya bigyan sya ng ate ko ng babaeng apo. Pero paano mangyayari yun kung kahit boyfriend nga eh wala? Nyaha. Tinanong ko sya ng matino kung bakit parang wala syang plano, sinagot ba naman ako ng “Ako hindi ko pinapakelaman pambababae mo, kaya wag mo ding pakelaman ang lovelife ko”. Wahaha supalpal ako.

Inasar ko sya tuloy kahapon na magpopost ako dito sa blog ko at hahanapan ko sya ng boyfriend. Tumawa lang, ang hindi nya alam eh gagawin ko talaga. Haha. Huwag sana nyang mahagilap ang link neto at baka mabatukan ako kapag nabasa nya mga pinaglalalagay ko dito. Okay, para may clues ka naman kahit papano, basahin mo na lang muna tong mga to:

- Mahilig syang mag out of town, kahit mag isa lang.
- Nagpapaampon sya dati kaso tinanggihan sya kasi ang lakas kumain.
- Kapag galit sya, nambabato ng kung ano mahawakan nya.
- Takot sa bulate, tandang, ipis, palaka, ahas, at daga.
- Laging may dalang alcohol kahit saan magpunta.
- Kayang makipagsabayan pagdating sa magdamag na inuman.
- Mga maton at matataray ang mga ka-barkada nya.
- Hindi sya nakakatulog hanggat hindi naccheck na locked na lahat ng pinto.
- Suki sya ng mga bars sa Malate, Eastwood, Morato, at Timog.
- Mahilig mangurot at manghampas kapag tuwang tuwa.

Yan na lang muna, bahala ka ng kumilala sa kanya ng husto. Kung interesado ka at kung sa tingin mo eh papasa ka, mag iwan ka ng kahit anong way para makontak kita para mapag usapan na natin kung anong palusot ang pwede gawin para mapakilala kita sa kanya. Syempre hindi ko sasabihin na dito lang sa internet kita nahagilap at baka hindi ka pa nakakaabot sa base #1 eh madispatsa ka na. Nyahaha. Andun na mga pictures sa taas. Ginawa kong slideshow para hanggang tingin lang, hindi pwede kunin. Alam nyo naman panahon ngayon, daming gumagalang wala sa katinuan. :lol:

72 Comments

  • At 2008.10.11 10:21, kirksydney PHILIPPINES said:
    Using Mozilla Firefox on Windows

    Paalala #1: Ang entry ko na to ay isang malaking kalokohan kaya huwag seseryosohin. Ang mga totoo lang dyan eh yung first paragraph at yung bulleted sentences. Can’t see myself as a matchmaker. :lol:

    • At 2008.10.11 10:21, Yvette PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox on Windows

      HAHAHA! Yan ang kapatid. Concern sa love life ng ate.

      Ang naiisip ko lang ng reason kung bakit hindi na sya nagboyfriend pagkatapos nung last nya.. siguro kasi, gusto nyang makakilala ng taong katulad nung last nya. Ganun naman talaga kadalasan e. Hehe. Well good luck dyan. :D

      Yvette´s last blog post: My life sucks like these PART 2

      • At 2008.10.12 09:49, kirksydney PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox on Windows

        Ganun ba yun? On my sister’s case, ewan ko lang if that’s applicable. I got to meet the guy, wala namang wenta eh so I don’t think she’s still looking for someone na kagaya nung taong yun. The fact is, she’s not even looking for anyone at all. Nyahaha.

      • At 2008.10.11 10:37, Karen PHILIPPINES said:
        Using Mozilla Firefox on Windows

        Haha this is funny. =] ang cool nyo ha. I have a younger brother.. sayang super young. sana magkasunod lang kami ng age para kunwari may boypren ako. lols. =]

        same ata kami ng ate mo ha.. after college.. wala ng sumunod. Still enjoying life kasi~ woohoo.

        Karen´s last blog post: Pampataba

        • At 2008.10.12 09:50, kirksydney PHILIPPINES said:
          Using Mozilla Firefox on Windows

          Ayos, magkakasundo pala kayo. Hehe. :D

        • At 2008.10.11 11:11, Aling Baby UNITED ARAB EMIRATES said:
          Using Internet Explorer on Windows

          wahahaha…benta!

          lagot ka sa ate mo pag nabasa niya tong entry mo hehe siguradong ibabato nun lahat ng mahawakan nia, mabigat o magaan haha.

          * senya na neytan ha..indi me mashado nakakadalaw. :( nasama na yata sa nagupit na buhok ang memory ko haha.

          :P

          Aling Baby´s last blog post: Matulog ka naman…!

          • At 2008.10.12 09:50, kirksydney PHILIPPINES said:
            Using Mozilla Firefox on Windows

            Hinde nya naman alam yung link neto. Safe ako. :lol:

          • At 2008.10.11 11:34, Karen PHILIPPINES said:
            Using Mozilla Firefox on Windows

            bytheway.. your ate is sooo pretty. =]

            Karen´s last blog post: Pampataba

            • At 2008.10.11 12:46, jojitah PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox on Windows

              ang cute niyo naman. imperness mukha nga kayong mag bf/gf sa unang tingin.

              yaan mo na muna mag-enjoy ate mo. masarap ang singol. pag naging double na yan mamimiss mo din. ;)

              oi! may problema ata feeds mo dear. magsubscribe sana ako. :(

              jojitah´s last blog post: mike tess

              • At 2008.10.12 09:51, kirksydney PHILIPPINES said:
                Using Mozilla Firefox on Windows

                Oo nga eh, taenang feeds yan, may problem sa xml ko. I’m still fixing it. Pasensya na po. Just add me up to your links instead, if you don’t mind. :D

              • At 2008.10.11 12:52, kirksydney PHILIPPINES said:
                Using Mozilla Firefox on Windows

                Paalala #2: Ang entry ko na to ay isang malaking kalokohan kaya huwag seseryosohin. Ang mga totoo lang dyan eh yung first paragraph at yung bulleted sentences. Can’t see myself as a matchmaker. :lol:

                • At 2008.10.11 13:33, dan PHILIPPINES said:
                  Using Mozilla Firefox on Windows

                  - Mga maton at matataray ang mga ka-barkada nya.

                  hahaha sumbong kita kay pepher hahaha!

                  • At 2008.10.12 09:51, kirksydney PHILIPPINES said:
                    Using Mozilla Firefox on Windows

                    Mataray naman talaga si Pepher sa unang tingin. :lol:

                  • At 2008.10.11 13:33, Mumu sa Kanto UNITED ARAB EMIRATES said:
                    Using Mozilla Firefox on Windows

                    si ate toti ba yan

                    Mumu sa Kanto´s last blog post: gusto ko magkwento. ÜÜ [author: happitot]

                    • At 2008.10.12 09:51, kirksydney PHILIPPINES said:
                      Using Mozilla Firefox on Windows

                      Sya nga, wala ng iba. :D

                    • At 2008.10.11 13:34, aiiya AUSTRALIA said:
                      Using Mozilla Firefox on Windows

                      Hello salamat sa pag visit sa site ko hahah .. sorry wala akong soft drinks ahah .

                      anyways naks meron na advertisment para sa ate mo ahaaha sana makahanap ka nang lalakeng pede sa kanya ;) hahah ..
                      anyways sya ba yung nasa pic ? ang pretty nya for sure madami mag aaply hahaha ..

                      xxo

                      aiiya´s last blog post: MOVED

                      • At 2008.10.12 09:52, kirksydney PHILIPPINES said:
                        Using Mozilla Firefox on Windows

                        Yeah sya yan, pero joke joke lang tong post ko na to. Lagot ako dun eh. :lol:

                      • At 2008.10.11 13:36, nudz_kulot UNITED KINGDOM said:
                        Using Mozilla Firefox on Windows

                        nyemas inendorse ang ate..wakekek!! ;))

                        nudz_kulot´s last blog post: Explanations…

                        • At 2008.10.12 09:52, kirksydney PHILIPPINES said:
                          Using Mozilla Firefox on Windows

                          Sinabi ng biro lang tong post na to eh. :lol:

                        • At 2008.10.11 13:44, kirksydney PHILIPPINES said:
                          Using Mozilla Firefox on Windows

                          Paalala #3: Ang entry ko na to ay isang malaking kalokohan kaya huwag seseryosohin. Ang mga totoo lang dyan eh yung first paragraph at yung bulleted sentences. Can’t see myself as a matchmaker. :lol:

                          • At 2008.10.11 14:31, Jonell PHILIPPINES said:
                            Using Mozilla Firefox on Windows

                            panalo to!!!! sayang seseryosohin ko na sana hakhak!

                            Jonell´s last blog post: CDXX - Movie Review: Cast Away.

                            • At 2008.10.12 09:55, kirksydney PHILIPPINES said:
                              Using Mozilla Firefox on Windows

                              Bwahaha pare baka hinde ka umubra dyan.

                            • At 2008.10.11 14:47, eloiski PHILIPPINES said:
                              Using Mozilla Firefox on Windows

                              astig naman ni ate!

                              hahaha!

                              eloiski´s last blog post: Minsan na nga lang oh…

                              • At 2008.10.12 09:56, kirksydney PHILIPPINES said:
                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                Uu, mas astig pa yan saken. :lol:

                              • At 2008.10.11 15:29, kirksydney PHILIPPINES said:
                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                Paalala #4: Ang entry ko na to ay isang malaking kalokohan kaya huwag seseryosohin. Ang mga totoo lang dyan eh yung first paragraph at yung bulleted sentences. Can’t see myself as a matchmaker. :lol:

                                • At 2008.10.11 16:15, repah PHILIPPINES said:
                                  Using Internet Explorer on Windows

                                  aba.. kirksydney.. hay ang haba.. sydney na lng… sa mga binigay mong karakteristik eh tyak.. marami ng pipila nyan sa ate mo…

                                  pareho kmi..siga rin aketch.. hahaha.. mas lamang lng sya skin ng isang pligo dhil mhaba ang hair nya..

                                  well hindi sya pihikan…
                                  ayaw nya lng msayang ang byuti nya ng maaga.. masya namang maging singol.. hehehe..

                                  parang ikaw ang kuya.. hehehe.. pizzz….

                                  repah´s last blog post: chichiryucks

                                  • At 2008.10.12 09:57, kirksydney PHILIPPINES said:
                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                    Sana Kirk na lang, mas mahaba pa rin yung Sydney eh, haha. And yeah, tanggap ko ng mas mukha akong kuya. :lol:

                                  • At 2008.10.11 16:41, Lhay UNITED ARAB EMIRATES said:
                                    Using Safari on iPhone

                                    ayos ah napaka supportive na kapatid!! Kung ako ate mo at nalaman ko yang kalokohan mo sa blog naku po hindeh lang kurot aabutin mo, tama ba namang ipangalandakan ang paghahanap ng boyfriend para sa ate???

                                    • At 2008.10.12 09:40, kirksydney PHILIPPINES said:
                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                      Waaa sabi ng biro lang tong entry na to eh.

                                    • At 2008.10.11 17:12, baboyita PHILIPPINES said:
                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                      naku goodluck naman sayo, sana hindi ka mahampas at pagkukukurutin ng ate mo :D

                                      pero ok yan, at least sayo ang initial interview. hehe.

                                      baboyita´s last blog post: Sa wakas!

                                      • At 2008.10.12 09:41, kirksydney PHILIPPINES said:
                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                        Safe ako kc hinde nya naman malalaman to. :lol:

                                      • At 2008.10.11 20:16, mayui UNITED STATES said:
                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                        wow! nakakatuwa kayong magkapatid, mukhang close na close talaga. kaya ka tuloy napapagkamalang bf.

                                        ahaha.. sana makahanap na rin ng bf na good catch din (tulad niya) yung ate mo.

                                        mayui´s last blog post: Cryptic

                                        • At 2008.10.12 09:41, kirksydney PHILIPPINES said:
                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                          At sana nga din eh mag asawa na sya. Haha.

                                        • At 2008.10.12 05:07, otep PHILIPPINES said:
                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                          wuyyyy ganda ng ate mo.. location nyo?

                                          otep´s last blog post: GUSTO KONG MAGING TREE HUGGER

                                          • At 2008.10.12 09:42, kirksydney PHILIPPINES said:
                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                            Qw live separately. Asa Intramuros, Manila sya.

                                          • At 2008.10.12 06:14, sommer UNITED ARAB EMIRATES said:
                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                            …hmmm, parekoy wa have so much in common ng ate mo ah!:p
                                            …naiyak ako sa post mo..naalala ko si bunso namin..close din kame at laging napagkakamalang bf ko…whaaaa!!!

                                            • At 2008.10.12 09:42, kirksydney PHILIPPINES said:
                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                              Parang may gusto kang ipahiwatig parekoy. :lol:

                                            • At 2008.10.12 07:56, utakmunggo UNITED KINGDOM said:
                                              Using Internet Explorer on Windows

                                              alam ba ng ate mo na binebenta mo siya dito sa website mo? hehehe..

                                              kainggit. ang close nyo ano. bihira ang ganyan sa mag-ate. marami akong kakilalang kulang na lang magpatayan.

                                              kung napagkakamalan kang boyps ng ate mo, ang ibig sabihin ba nun eh mas mukhang bata siya sa yo? hehehhehehe

                                              oh maaasar yan. sige ka, nek time eh mapagkakamalan na kayong mag-ama ng ate mo.

                                              tsk..

                                              utakmunggo´s last blog post: PUSTISO FILES

                                              • At 2008.10.12 09:32, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                Wala syang idea. Ni hinde nya nga alam tong link sa blog ko. Haha. And yeah, tanggap ko ng minsan mas mukha akong matanda sa kanya. Hinde lang ikaw nagsabi nyan kaya immuned na ko. :lol:

                                              • At 2008.10.12 08:50, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                Paalala #5: Ang entry ko na to ay isang malaking kalokohan kaya huwag seseryosohin. Ang mga totoo lang dyan eh yung first paragraph at yung bulleted sentences. Can’t see myself as a matchmaker. :lol:

                                                • At 2008.10.13 00:46, kamotenista PHILIPPINES said:
                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                  kung ako nga si ate mo itatali kita ng pabaligtad sa punong akasya…walang pakialaman kung kami ay “singles of earth”…..wahaha!

                                                  • At 2008.10.13 03:22, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                    Amp ang brutal mo naman mashado. Ganyan minsan mga singles, nagiging warfreak. :lol:
                                                    Ano na palang balita sa blog mo?

                                                  • At 2008.10.13 03:09, glesy the great PHILIPPINES said:
                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                    ahahaha…. ang kulit.. tama ba namang ihanap ng boylet si ate.. yaan mo na ate mo sa ganyang klase ng chick di mauubusan yan ng lalake sa planet earth… honga mukha kayong mag-jowa…

                                                    saka eh ano naman kung single (parang may poot ako dun ah!!!) ahehehe.. cheers..;p

                                                    glesy the great´s last blog post: oh layp, oh layp, oh cruel world…

                                                    • At 2008.10.13 03:23, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                      Paalala #6: Ang entry ko na to ay isang malaking kalokohan kaya huwag seseryosohin. Ang mga totoo lang dyan eh yung first paragraph at yung bulleted sentences. Can’t see myself as a matchmaker. :lol:

                                                      Aba single ka din. Ang dami nyo ah. :lol:

                                                    • At 2008.10.13 05:52, rio PHILIPPINES said:
                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                      sa unang tingin nga ay mapagkakamalan kayong magbf-gf ng ate mo..ang sweet nyo kasi sa mga pics e.. kakatuwa naman at concern ka sa lablyf ng ate mo…salamat sa pagdalaw sa aking munting bahay..balik balik lang…

                                                      rio´s last blog post: Maagang sulat para kay santa claus

                                                      • At 2008.10.13 06:37, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                        Hehe pers taym ko kasi nakakita ng dentist na blogger kaya nacurious ako. I added you up sa links ko so sa ayaw at sa gusto mo, magiging recent visitor mo na ko. Salamat po Doc. :lol:

                                                      • At 2008.10.13 11:49, muymuy UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                        Using Internet Explorer on Windows

                                                        alam mo consistent na tong coincidence na toh ha!…dahil naghahanap ka ng new post sa blog ko..naglagay ako..but coincidence mejo may pagkakahawig sa post mong ito eh ngayon pa lang ako nagbabasa..ang kulit anoh!!..

                                                        @topic..ganda naman ni ate!!…now i know na hindi lahat ng magaganda eh may jowa hihihi…

                                                        ask mo baka may hinihintay din sya?!!..

                                                        muymuy´s last blog post: soltera ako??!..

                                                        • At 2008.10.13 12:00, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                          Nyaha talaga? Makadalaw nga sa blog mo. Twice na to pag nagkataon. Sus wala yang inaantay, ewan ko dyan ang labo. :lol:

                                                        • At 2008.10.13 13:46, caryn JAPAN said:
                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                          hahahaha! na-miss ko tuloy ang bunso kong kapatid. parati rin kaming napagkakamalan na mag-bf. much to his chagrin kasi i’m 7 years older than he is. i think its nice that you and your ate get along well ;-)
                                                          caryn´s last blog post: Of Movies, Spaces, and Sensibilities

                                                          • At 2008.10.13 14:38, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                            Wow 7 years gap and yet napagkakamalan pa rin kayong magboyfriend? That’s nice. :D

                                                          • At 2008.10.14 11:34, Mahalia UNITED STATES said:
                                                            Using Internet Explorer on Windows

                                                            hala ka, patay ka sa ate mo. ano ba ang website niya, isusumbong kita. hehehe. mukhang bata pa naman ang ate mo, baka di sya nagmamadali. buti nga yon para makahanap sya ng talagang babagay sa kanya. isa pa baka talagang mataas ang standards na ini-example niyong mga lalake nyang kapatid, kaya di sya pipili ng basta basta. more power to your ate. more power din sa site na ito.

                                                            Mahalia´s last blog post: The Broken Chair

                                                            • At 2008.10.16 13:44, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                              Wahaha wala syang website, therefore, I’m safe. Baka nga she hasn’t found the one pa. Naks. :lol: Thanks by the way. :D

                                                            • At 2008.10.16 13:02, Mimi PHILIPPINES said:
                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                              ganda ng ate mo po. cute nyo hehe.

                                                              • At 2008.10.19 05:45, meztisahen28 UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                Using Internet Explorer on Windows

                                                                ang cute nio nmn! meron dn ako brother pero npkbata p nun.. highscool lng! heheheh…pero yaan mo muna xa mag-enjoy s life nia… magsasawa din yan at maiinggit s iba n mei mga family n rin… kaw nga cngle pa,un nga lng mei bonakid n! hehehehe

                                                                • At 2008.10.23 10:31, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                  Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                  Ayoko, gusto namin mag asawa na sya. :lol:

                                                                  • At 2008.10.23 16:36, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                    Using Internet Explorer on Windows

                                                                    buti n lng nde kita kapatid, kundi pareho tayo magmemeddle ng lovelife ng isa’t isa! baka nga nag playing match maker n rin ako para seo… hahahah!

                                                                  • At 2008.10.24 13:49, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                    Kanino mo naman ako imamatch? Hmmm..

                                                                    • At 2008.10.25 06:12, bittersweetbliss28 UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                      Using Internet Explorer on Windows

                                                                      abah,maraming mganda sa bicol, marami rin sa cebu…kaso sa tulad mo,mukhang pababayaan na lng cguro kita..^_^

                                                                  • At 2008.11.09 13:38, Helena PHILIPPINES said:
                                                                    Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                    naks ang ganda ni ate..

                                                                    baka naman babae nga ang type ng ate mo..

                                                                    pakilala mo naman ako. nyahaha

                                                                    jowk!

                                                                    • At 2008.11.09 13:40, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                      Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                      Dadaan ka muna saken. :lol:

                                                                      • At 2008.11.09 14:44, Helena PHILIPPINES said:
                                                                        Using Internet Explorer on Windows

                                                                        dadaan lang pala…no problem.

                                                                      • At 2008.11.09 14:45, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                        Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                        With toll fee, oks lang?

                                                                      • At 2008.11.15 20:22, boni station SAUDI ARABIA said:
                                                                        Using Internet Explorer on Windows

                                                                        wahaah napakabili ng ate mo! 62 ang comments! na curious lang bakit sya takot sa “tandang”? toinks!

                                                                        pede ko ba syang ipartner sa blog ko na Wanted: GF

                                                                        hehe. baka pasado ako. pakilala mo naman ako! awwwts!

                                                                        • At 2008.11.15 20:24, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                          Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                          Takot syang matuka ng tandang. :lol:

                                                                          Wow may sagot sa post ko na post din, haha. Kaso pre, sa nakikita ko sa flag mo, asa Saudi ka. Eh andito sa Pinas ate ko.

                                                                          • At 2008.11.15 20:29, boni station SAUDI ARABIA said:
                                                                            Using Internet Explorer on Windows

                                                                            haha.eh pano nga yon may tandang ako! di pede magpatuka? toinks! biro wag ma offend. ^^

                                                                          • At 2008.11.15 20:30, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                            Baka gusto mong sya mismo ang pumutol ng tulis nyang tandang mo. Mas astigin pa yun saken. :lol:

                                                                            • At 2008.11.15 20:41, boni station SAUDI ARABIA said:
                                                                              Using Internet Explorer on Windows

                                                                              urghh! wag naman! hehe. woi ginawang chatbox tong comment section. ^^

                                                                          • At 2008.11.15 22:13, Jonell PHILIPPINES said:
                                                                            Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                            ganda ganda ni ate mo!

                                                                            • At 2008.11.28 07:43, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                              Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                              Ehem ehem.

                                                                            • At 2008.11.27 17:44, mj UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                              Using Internet Explorer on Windows

                                                                              kirky dear bakit si ate hinahanapan ikaw nakahanap ka na ba?
                                                                              infairness maganda si ate..hehehe
                                                                              alam mu nag iingat lang yang ate mu..sa panahon ngayon wala nang matinong lalaki! hindi yan gen..but parang! walang magagalit pag tinamaan ha? nyahahaha
                                                                              PEACE sa nga LALAKWI!

                                                                              • At 2008.11.28 07:43, kirksydney PHILIPPINES said:
                                                                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                                                                Hmmm madami na kong nahanap. :P

                                                                              • At 2008.12.23 10:26, issey UNITED ARAB EMIRATES said:
                                                                                Using Mozilla Firefox on Mac OS

                                                                                hanggang ngayon pinipilit ko pa din ang sarili ko na makumbinse na ate mo talaga yan!
                                                                                baka kaya di makahanap kase natatakot si ate na baka lahat ng lalaki daw eh pareho mo….


                                                                                (Required)
                                                                                (Required, will not be published)