Sa totoo lang, matapos ang halos tatlong mahabang araw kong pamamahinga sa pagbblog, nahihirapan na ko ngayong mag isip kung ano ba ang pwedeng isulat dito. Para lang akong gago na nakatingin sa Dashboard ko, magtatype ng konte tapos i-ssave as draft. Bibisita ng ibang blogs, magbabasa ng entries pero hindi naman mag iiwan ng comment. Tapos balik na naman sa Dashboard at i-cclick ang walang kakwenta kwentang draft na kunyaring natapos kanina. Tititigan na parang mga mata ko ang magttype. Paulit ulit lang ang ginagawa ko hanggang sa nagvibrate ang cellphone ko at nakareceived ako ng text.
“Tol, may sakit ako ngayon. Sigurado next week ikaw naman. Wakokoko!!!”
Ampota! Galing yan sa kakambal ko, oo may kakambal ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis kasi para kaming PAGASA na may forecast ng mga darating na bagyo. Ang sa amin nga lang dalawa eh kapag nagkasakit yung isa, panigurado sa mga susunod na araw, yung isa naman. Makakapaghanda kami kahit papaano pero nakakagagago namang isipin na alam ko na kaagad kung kailan ako magkakasakit. Personally, I find it weird. We once asked our Mom about it. Sabi nya normal lang daw yun kasi magkakambal kami. Magtaka daw kami kung magkapitbahay lang kami tapos may mga nangyayaring ganun samin. Wahaha astig ng sagot ng nanay namin.
Hindi lang yan ang kaabnormalan naming dalawa. Heto pa:
- Tuwing periodical examinations namin nung high school, akala nila gumagawa kami ng kababalaghan kasi kahit magkaiba kami ng sections at magkahiwalay kami ng rooms, almost the same mga answers namin. Na-guidance pa kami pareho nun tapos pinagretake kami ng impromptu na tests. Nagulat na lang sila na ganun pa rin kinalabasan, halos pareho pa rin lahat.
- Pareho kami ng boses sa phone. Dati nung magkasama pa kami sa bahay, ginagawa namin yung palusot sa mga girlfriends namin. Kapag umandar na ang batas militar ng mga babae at naisipang magcheck kung nasa bahay na yung isa samin, yung isa yung sasagot ng landline. Swerte naman at hindi kami nabuko kahit isang beses. Pero ngayon hindi na namin yun ginagawa kaya pwede ko ng sabihin dito ang malupet na sikreto na yun.
- Hindi nagkakalayo taste namin sa mga babae. Pero hindi naman umabot at aabot sa punto na mag aagawan kami sa iisa. Sharing pwede pa, nyahaha joke lang. Pati sa mga damit, sapatos, bisyo, tambayan, pagkain, at mga trip at hilig sa buhay eh halos magkapareho din kami.
Hindi naman kami identical twins pero ewan ko bakit ganun katindi koneksyon naming dalawa. Sinubukan kong mangalkal ng pictures namin na magkasama so you could spot the differences at heto lang ang nakita ko:
Wahaha biro lang. Click nyo lang yang image sa taas, lalabas na yung totoong itsura namin. Ngayon ko lang narealized, yan lang pala ang nag iisang picture namin na magkasama. Astig at bihira magkaroon ng kakambal kaya sa mga gustong malahian dyan, message lang kayo dito.



hoy..c mezti pa rin to,mei iba kse din ako’ng gravatar kea ganun… pero dnt get me wrong,nde ako mgppa lahi sa inyo..utot mo! ang hirap manganak ng isa, kambal pa kea! wak na!
pero astig din tlga pag mei kambal eh noh? mei npanood ako kgbi sa oprah, kambal clang babae, tas cmula nung pgkabata hanggang sa mgka icp cla,sa halos lahat ng bagay magkapareho tlga cla,mgmula sa pananamit at sa mga hilig nila.. ultimo sa mga school programs mgksama din cla..at hanggang sa lumaki’t nagka asawa na cla, pareho p rin! pambihira! pati nga bahay nila parehung pareho eh,nagmukhang duplex nga ung bahay nila! na feature cla sa oprah show..tas nilapit nila ung prob nla bout dun sa pagkakaron ng parehong bahay,kse halos lhat tlga from furnitures to porch decors pareho cla..in short, pinabago nila ung sa master bedroom kei ty churva(nkalimutan ko ung surname eh!),bsta mei show xa sa channel dubai one, extreme makeover un eh…tas un, naiba na rin sa wakas ang ayos nung bahay nila… weird pero, nafacinate din ako… heheheh….that would be all! till next entry nman! ^_^
Defensive amp.
Sabi ko ang interesado, magmessage at hinde magcomment kaya okay lang na magcomment ka, haha. Well, hinde naman siguro kame matutulad sa kambal na napanood. Hinde talaga… kasi imposible namang i-guest kame ni Oprah.
amp! defensive k jan, feelingero!
sbgay nga naman noh,pero aabangan ko ang pag guest nio kei Oprah..heheheh
kahapon kpa kakapasalamat ahh.. next time maniningil nko nian.. hehehehe..asus! nagkataon lng din un eh, buti n nga lng avid reader mko…heheheh… idol na nga kita eh! pakiss idol! wahahahahah!
Idol amp, parang April Boy lang ang dating.
Oo nga eh, buti hinde ka pa nagrrefresh. Si Aling Baby una kong inask, hinde pa sya nagrrefresh pero nung kausap ko na sa YM, biglang nagrefresh. Ang tigas ng ulo, haha. Nawala tuloy lahat, buti na lang andyan ka. Naksss!!!
asows! bihira na nga ako mag idolize eh,nde na mpagbigyan… weheheheh… namissed ko c aling babes,nde ata napadaan s plork,kunsabagay nde n rin ako mxado nkkatambay dun(ngayon lng pala!hehehe)
ahm meron na rin ako ginawang blog,kaso nde pa xa tapos eh, nde ko muna sasabihin ung link ndi p kse ako ganun ka confident na ipangalandakan un eh..heheheheh… mei itatanong nga pala ako seo,pero sa ym n lng..dun worry, hihingi lng ng opinion mo,pero mkkpaghintay nmn tong tanong na to eh,so ok lng khit matagalan…
Okay cge PM mo na lang ako sa YM.
nung maliit ako talagang naiinggit ako sa may kakambal…
Nyaha gusto mo malahian?
wak na…che!
Bwahahahahaha!
..wow, astig naman yun. as in laging ganun?
syet, parang gusto ko me kakambal ako ah..para 2 na kameng dyosa!!!nyaahahahaha!!
Kulang yung naabutan mong post pre, nadelete ko kasi yung last part, hahaha. Pero ngayon oks na, thank you to Ethel, narecover ko.
..whaaa…putol una ko nabasa.
sorry parekoy..pero mas gwapo si kambal..nyahahah!!
Oo nga eh, buti nabalik ko pa.
Amp ako ang kaibigan mo pre, ako ako ako!!!
huwaw!
ang galing!
may kakambal ka!
astig!
okey lang magkakambal pero sana lalake kakambal ko para sana malaman ko hitsura ko kung naging lalake ako!
wapak!
eniweysss…
ang cute nung dalawang unggoy!
Mas cute yung dalawang unggoy kesa samin?
aba….. eh hindi niyo na natry na hulaan ang iniisip ng isa’t isa? di ba mas astig yun? hehhehe
Mag aala Madame Auring kame? Pwes nde astig un!
astig yun no… like for example bored kayo at walang magawa… gawin niyo yan at contest kayong 2 kung sino mas magaling.. hahaha!
AMp buti na lang hinde ikaw kakambal ko. Kung ano ano naiisip mong gawin eh. Hahaha.
naku… lagot ka sakin kung ako kakambal mo.. hehehe!
Salamat po mahal na anito!
Oi, wala kang pic o, read mo to:
http://kirksydney.com/2008/10/ang-titigas-ng-ulo-nyo/
Utos yan kaya wala ka ng magagawa.
Ayun. Bumalik ako para irepost ang comment ko. Ahaha.
Best friend ko kasing babae nung college sa USTe eh me kambal din. Chicks ‘yung dalawang ‘yun, sa Amerika pinanganak pero bumalik ng Pinas nung mag-HS na at nag-aral sa Assumption. Para silang si Vanessa del Bianco at Ericka Fife. Woot woot.
Kaso binasted ako ng best friend ko ‘di pa mandin ako nakakadiga. Ahuhu.
Nasa US na ulit sila ngayon.
Ayus sa blog ah. In-add na kita Parekoy.
Amp Uste ka tol? Graduate din ako ng Uste. Anong college mo and year ka grumaduate?
Sayang hinde ka nakadiga, bespren pa man din, haha. Baka bumalik pa yun pre, abang abang ka lang.
Ang KJ na College of Science. Psychology, Batch 2001. Ikaw?
Architecture, 2007.
are you working as an archi now, pare? (nakikisama sa usapan) hehe!
:))
pasalamat ka na lang sa kambal mo at may forecast kaagad. prevention is better than cure nga daw. hehe.
pero di nga…fraternal twins kayo? kung ganun…para dun sa mga magpalahi sa yo…dapat siguraduhin nilang babae ang anak nyo…para mas mataas ang chances na may kambal ulit sa susunod na henerasyon.
girls lang daw ang nakaka-influence sa fraternal twins.
Yeps fraternal. Wow talaga, girls lang nakakainfluenced sa ganun? Bago yun ah.. so pag hinde kami nagkaanak ng babae, mapuputol na yung pagkakaroon ng lahi na kambal? Ganun ba yun?
kasi nga daw from dalawang egg cells galing ang fraternal twins…at malamang na ang code for such ay nasa babae lang at sila naman ang nagre-release ng dalawang eggs…kaya…maliit ang chance na magkaanak ka ng fraternal twins…magka-apo ng fraternal twins pwede (kung may anak ka ngang girl).
pero malay mo di ba? marami pang di alam ang science…hehe
ang cute naman ng mga buntot niyo, tsaka imperness blue ang mga mata niyo ha. tsk! lols!
Unggoy yung napansin amp.
PASS!
ayoko magpalahi sau. baka unggoy ang lumabas. lols
may sisters din akong identical twin.
Nyaha para sayo hinde unggoy lalabas.
oist bakit ka nag deplurk? wala na tuloy akong kopi boy tsk…
ay gusto ko malahian ng kambal… talaga pwede???
cge pakisabi na lang sa kakambal mo huh na mag coffee kami
Eh nakakatamad na dun. Hanep ah, mas pinili yung brother ko kesa saken. Sino ba kopi boy mo ha?
hindi ako magpapalahi pero magku-comment ako.
astig ang sagot ni Nanay…wahaha
sino kaya mas maraming kalukuhan sa inyo?feeling ko ikaw!
Ako ang kaibigan mo! Ako! Ako!
astig..may kambal ka pala. pangarap ko dati na magkaroon ng kapatid na kambal e kaso wala naman sa lahi namin ang kambal kaya sori nalang ako..
ayos sa pic ah…parang si b1 at b2 lang..ang pogi nyo pareho ha…=P
Wahaha swerte pala kami kasi daming may gusto ng may kakambal.
ako ba pafa pwedeng magpalahi… gusto ko ring maging kambal.. para maykasama akong sasayaw kikay… hihihi… ang kambal mo ba ay mayblog din?
Wahaha Pot, sa utol ko na lang.
Ay hinde ko nasagot yung isa, wala syang blog.
ahahaha. kala ko nga unggoy talaga.
hindi kaya kayo ang unang taong clone?
ndi ako naniniwala dyan (medyo) pero sige dahil napatunayan mo naman, maniniwala na ko. nakidaan pala at nakibasa!
Hinde naman kame identical, ang cloned eh parehong pareho di ba? Hehe. Salamat sa pagdaan at pagbasa.
ahahaha. onga pala. sensya tanga lang lols.
yung kambal mo nalang ang ii-stalk ko. pwede ba? hehe!
Hinde pede. Kelangan dumaan saken!
hehehe! possesive ka pala sa mga stalkers mo.
oonga, may blog din ba twin mo?
Syempre! Ang akin eh aking lang, ang kanya eh akin din.
Wala syang blog, hanggang Friendster lang sya, haha. Pero ewan ko lang if he’s using the blog system there.
@ My Dadadoll: Yep, am working as an architect now.
Dito na lang ako nagreply, hanggang five replies lang kasi kada box, hehe. Inom tayo pareeeeee!!!
sure pare! kelan ka ba balik manila?
I’m taking Interior Design. Gosh, bagay talaga tayo sir! :LOL:
Andito na ko sa Manila. Nice interior design, saang school and what year? Pakasal na tayo tapos let’s build a business. Pero bago yan, bigay mo muna saken cellphone # mo. Hahahaha!
Sa Phil School of Interior Design. 2nd course ko na to so basically major subjects lang kinukuha ko, which will take me roughly 2 years pa. (dami kong sinabi) San ka nagwork ngayon?
Sure! Gusto ko yang proposal mo. My number: 0927… hehehe! broadcast? lol
Cool. Anong first course mo? Am working at Meralco now, tagakabit ng jumper. Wahahaha! Seriously, sa Meralco main office nga sa Ortigas.
O cge eto naman # ko: 0927… Uyyy pareho tayong Globe, bagay talaga tayo no?
Message mo na lang sa Friendster ko yung # mo para makapagpropose naman ako sayo ng kasal at business na din in a more formal way. 
Nursing. O diba? Related. hehe!
Oo nga, konek na konek.
Ampopogeeeeeeeeeeeee!!!
Sino kaaaaaaaaaaaaaaaa???
Ampucha! Natawa ako dito! *LOLz*
isa sa mga pantasya ko noon na may kakambal daw ako na pinalaki kaming magkahiwalay (hiwalay kasi parents) parang The Parent Trap wehehe
and saya pala magkaroon ng kakambal parang may isa pang ikaw.
actually ang gusto ko nga magkaroon ako ng anak na kambal na babae at lalaki parang carmina/zoren at aga/charlene para isang labasan na lang wehehe..
off topic pala, isang malaking pasasalamat at tinuruan mo akong gumawa ng gravatar, dahil jan lagi ko na nakikitang lumalabas ang mukha ko sa mga pinagkokomentuhan kong blog at pag nakikita nila ang mukha ko ay pumupunta sila sa blog ko. feeling ba?nyahahaha!
Huwaw! Ang dami nyong may gusto na magkaroon ng kakambal, haha. At gusto mo pang magkaanak ng ganun, tanungin mo muna nanay ko kung madali lang magpalaki. Baka kasi magsisi ka.
Walang anuman yung sa Gravatar. Tama, isang way yan ng perfect advertising kasi syempre maccurious yung mga readers.
hahaha! may sakit ako ngayoN! hahaha.. wala lang! nashare ko lanG!
Ikaw kaya ang nawawala naming ka-triplets?
Miss ko na si Eco, hahahaha! Yung kakambal ang namiss eh no.
My god, magkakasakit ka na naman. Nakikipag kumpitensiya ba kayo sakin? Joke.
And, yeah. Papasok na ko. Wak ka mag-alala. Di mangyayari yung sinasabi mo about sa school thingy ni Kurt.
May iikwento pala ko sayo, wait!
Amp porket kapangalan ng bespren mo si Eco, cge dun ka na. Buti naman papasok ka na, as I’ve said, don’t do it for yourself. Do it for Kurt instead.
Nakwento mo na yung story eh. Kurt is really cute and funny, pero mas nakakatawa si yaya.
Bahahaha. Eh sabi niya namimiss rin daw niya ko eh. Juk. Si bes yun ha! Hindi kapatid mo!

Oo nga eh. Napakawalang kwenta kong story. Talagang nanggulo pa ko sayo eh no? Hahahah. Sos. Sinabi lang ni yaya na gwapo ka, like mo na siya! Kaw talaga! Wahaha.
Hinde kasi sinungaling yaya ni Kurt.
Oi, baket France na yang flag mo?
Tuwang tuwa ka naman.

Tsk. tsk. May live show ako kanina sa blogtv ko. Sayang, you didn’t see me.
Nagiiba kasi yan pag andito ako. Ayoko kasi ng Benguet! Wahaha.
greetings from scottsdale arizona…ahehehe
Boo! Wala man lang padespedida!
wow! ang galing naman.
eto na, pauna: get well soon!! XP
sana may kakambal din ako. ahaha..
Salamat, pero sana hinde matuloy. Hehe.
di ko na kelangang magpalahi kasi may lahi na akong kambal… kuya ko kambal at marami samin kambal sa pamilya…sabay lang silang nagkakasakit nung bata sila pero ngayon di na… mahirap magkaroon ng kapatid na kambal tapos panganay pa sayo parang me against the world… nabasa ko yung mga comments.. ahahaha.. haliparot ka talaga….ahaha.. cheers;p
Hinde naman porket nagcomment eh gusto ng magpalahi.
Pati ba naman comments ng iba eh binabasa mo, kung hinde pa naman pagmamahal ang tawag dyan eh ewan ko na lang. 
gago ka talaga… sabay sipa—>insert action here… ahehe cheers;p
wow!kambal…
hmmmm…gus2 ko magka baby ng kambal…in the future ha!heheheh…
..pero gusto ko..babae at lalake!..astig dba?
hmmm…hope hindi ka magkasakit… pigilan mo ah..heheheh
Godbless!
Goodluck, sana nga makabuo kayo ng kambal.
hehehe kyut naman… ako gusto ko magkaroon ng kakambal na lalaki… hehe!
Ang magiging name eh Yhon?
kambalicious ah. hehe pede nyo na pataubin sina richard at raymond. hehe
Sino yang mga yan?
wow may kakambal ka pala… naks naman..
Oh yeah! \m/
hindi din ako mgapapalahi pero magcomment ako. astig pre ang may kakambal. kung idnetical naman kayo pedeng pede kayong magshare-an! hahahaha.
Share ang ano pre?
aliw naman yan! i’m always amazed sa mga may kakambal. im sure you had the best of times with each other.
hmm talaga bang dapat eh nasa genes yan o pwedeng nagkataon lang? La lang, parang exciting kasi kung magkaroon ako ng baby twins in the coming years hehe…
I think it has something to do with the genes.
ako! isa yan sa mga ambisyon ko sa buhay, ang magkaroon ng kakambal. hehehe
*tinignan yung (pekeng) pic* amp, san ka jan? yung kanan o yung kaliwa? lol
Asa gitna!!!
ei, nathan cnu ka ba dun sa pic..nakakalito naman kasi weh!!..
…pro in pernes parehas cute!!..
Ulet ulet.. asa gitna nga. Hehe.
may kambal ka pala haha…huli na ko mashado sa balita..(sorry naman..)siguro mas mabait ka kesa kay kambal mo kasi sa kanya napunta yung looks (joke lang..wag moko i-ban dito haha) tas ikaw shempre yung personality.
*me kakambal ka talaga? (indi pa rin makapaniwala..)
Sinong kaibigan mo saming dalawa?

Meron nga, andun sya sa FS ko.
wahahaha!!!
ang dami nang fan ng kapatid mo dito sa blog mo at sa kanya pa gustu magpalahi!
buti na lang at mabait ka at naiintindihan mo silang lahat hehe…
*buti naman at indi ako maba-ban dito.
hindi ba kayo nalito ni minsan sa mga baby pictures nyo? pano kayo nakakasiguro na kayo nga yun kung wala pa naman kayong isip? hehehe. walang kwenta tanong ko, nangungulit lang. mas gwapo si kambal. pero sa totoo lang hindi ko naman alam kung sino ang alin. ah ewan.
gusto ko din ng kakambal. hmp.
Wahaha may palatandaan kame kung sino sya at ako.
galing naman pano kaya gumawa ng kambal?
Tanong ko muna sa nanay at tatay ko.
haha.wish ko meron din ako. diba? parang style mo.companion. haha.kamukha mo ba kambal mo kua nathan? :]
Andyan sa picture ah. Be the judge.
hinde. haha. mukha syang chinese. ewan ko kung ano lahi mo. haha. LOL
Who's Online
Powered by IP Address Location
Recent Posts
Recent Comments
Most Popular
Quick Chat
Top Locations
Copyright © 2008 Kirksydney.com
Emerald Green | Design: NET-TEC Nachrichten of Spirulina. Coding: Niedrigenergiehaus of Brautmoden.
Proudly powered by: WordPress
Valid CSS and xHTML