Simula nung Lunes, official ulet na isa na naman akong call boy. Nagsawa at tinamad na kong maging tagakabit ng jumper sa Meralco kaya naisipan kong patulan na yung kontratang inaalok saken. Pero bago ako pumirma, nakailang yosi muna ko sa labas ng office. Pinag isipan ko kung tama ba yung papasukin ko. Pagbalik ko ng training room, lahat ng ka-batch ko eh nakapirma na. Nahiya naman ako kaya pumirma na rin ako, nyaha. Ni hindi ko binasa yung contract, pero inexplain naman samin ng HR manager afterwards kaya hindi pa naman ako huhulihin at babarilin sa Bagumbayan dahil sa pinirmahan ko.
Napakarami na namang bagong adjustments. Ang schedule ng shift ko eh 5am until 2pm. Nahihirapan akong gumising ng maaga, amp. Nasa Makati along Ayala Avenue ang office namin at taga Quezon City ako kaya alas tres y medya pa lang eh asa kalsada na ko. Lagi akong may baong Kopiko candy o kaya V-fresh bubble gum kasi bukod sa yosi, yun lang ang nakakatanggal ng antok ko kapag bumibigat na ang mga mata ko. Hindi naman pwede magyosi sa loob ng office kaya hanggang candy lang ako. First day came, derecho product training na kasi may call center experience na ko dati, of different account nga lang. This time, sa DISH network ako napadpad. Cable provider sa Amerika. Ang walang kamatayang opening spiel: “Thank you for calling DISH network. The leader in HD and DVR services. My name’s Nathan. How can I help you today?”. At syempre ang closing spiel na din: “Have I handled everything to your satisfaction today? Glad to hear that. Thank you for being a DISH network customer, have a great day!”. Pero pasaway ako eh, kadalasan hindi ko yan sinusunod. Masyado kasing mahaba, lakas kumain ng AHT (Average Handling Time). May sarili akong mga spiels, yun nga lang magagamit ko lang yun kapag wala sa floor ang managers at bisor namin. Automatic marked down na kasi ako kapag ibang spiels ang narinig nila.
Dumating na first call ko. Although parroting pa lang dapat with a veteran agent, ako na ang pinakausap ng gago sa customer. Napakaswerte ko naman at yung customer na natapat saken eh galit. Nagdidispute sya kasi higher ng 10 cents ang bill nya. Amp, kung iisipin 10 cents lang yun. Kung sating mga Pinoy, sasabihin na lang naten na “Hinde bale, piso lang naman yun!”. Pero iba sa mga Amerikano. Kaliit liitang sentimo eh inaangal nila. Ang sabi nga ni Libay nung pers taym kong magsumbong sa kanya, it is not always about the money. Kundi yung feeling na naloko sila at mali ang proseso. Tama nga naman. Besides, pinaghirapan nila ang pera nila at dapat lang na makakuha sila ng fair at tamang serbisyo from us. Another call, eto ang malupet. Tinanong ako ng ganito “Why should I choose you over Direct TV?”. Direct TV is the competitor of DISH network. Tang inang yan, parang pang beauty pageant contest na tanong. Syempre binola bola ko na lang for 10 minutes. Bagsak na naman ang AHT ko! At in the end, nagdesisyon pa yung customer na i-cancel na lang ang account nya samin at lumipat na lang sa Direct TV. Talaga nga naman oo! Napakatino nyang kausap. Tsk tsk!
Dami pang nakakatawa, nakakainis, nakakabadtrip at nakakagago na calls. Wala pa kong isang linggo pero parang ang dami ng nangyari. Nakakapagod at nakakaubos ng lakas kahit nakaupo lang ako at nakikipag usap sa iba’t ibang lahi maghapon. Pero ang pinakagusto ko sa lahat eh nung pinakilala samin yung coach ng team namin. Lupet. Ang ganda na, ang sexy pa, ang bata pa. She’s just 24 years old. Habang pauwi ako, dun ko nasabi sa sarili ko na mukhang nasa tamang landas nga ako.



*applause* hindi na illegeal ang raket mo. haha!
gusto ko din mag call center. sayang ang insomnia attacks ko sa kakaPlurk lang. OMG.

Hanggang kelan kaya itatagal mo jan, ano?
At hinde ko na kelangan ng bugaw.
Hinde ka pede magcall center, panigurado bababaan mo lang ng tawag yung mga customers mo. Hmmm tingin mo gaano ako tatagal dun? Umayos ka ng sagot.
kumokontra ka naman agad eh! sense of achievement yun pag nakapasok ako sa call center (ng hindi binababaan ng phone ang customer), diba?

sandali ka lang jan… less/exact 2 months? pupusta ko, 2 venti white chocolate mocha!
Kapag umabot ako ng 2 months and 1 day, make it two caramel frap okay?
Rawr! Madaya! Grr. Pero sige. Taena, magresign ka naaaaaaaaaa! Wahahaha.
Wala pa nga kong one week.
Tsaka paswelduhin mo naman muna ko.
naman! callboy! congrats po sa bago mong trabaho.
nakakatuwa naman yang mga pangyayaring yan and at the same time nakakapressure.
ganyan pala ang mga banat ng mga callboy ano?
at ang mas malupit may inspirasyon!
hahaha!
good luck sa career!
Career sa call center o karir sa coach ko?
Salamas ng marami!
‘Di ba Archi ka? Ba’t ka nag call center? Ayaw mo sa Archi o Design Firms?
Madami din akong naging barkada na Archi sa USTe. ‘Yung iba nasa ibang bansa na din.
Galing na ko dyan tol, nagsawa na ko. Para maiba naman. Anong batch yung mga kakilala mo?
syet. sinumpa ko na yang callcenter. first job ko, 2 mos lang. anglupet.
give away mo na yang two caramel frap…
Wahaha hinde muna tol.
magkocomment ako di dahil may may ikocomment ako sa post mo! hahahahaha.. nagcomment ako para sabihing nagupload na ko sa gravatar! hwoahahahaha..
Magrereply ako hinde dahil may irereply ako. Nagreply ako para sabihing.. Congratumilations, may avatar ka na.
dumaan lang..good luck!
Salamas!
aba extra pa ako lols… mukang magtatagal ka sa pagiging call boy kopiko… unless magresign yung coach hehehe
Wahaha nakasalalay kay coach.
tanginang call center yan,hahaha.. nakakadugo ng ilong, hehe.. atles maganda ang coach di ba? pwede na rin yun. haha
Oh yeah, pampalubag loob.
haha call center nakakaewan kaya mag sabi ng same sentences over and over again bwuahah di ko yun kakayanin hahaha ..
anyways nakaktawa pag nag wowork sa call center hahaha I think mas gugustohin ko maging customer kesa sa worker hehehe …
Pag kaw customer ko, tatagalan ko yung call.
kaya naman pala laging wala pag binibisita ko tong site mo amp nagko-kolboy ka na naman pala haha….eh bakit naman naisipan mo yan gawin?
aba at naging inspired pa amp haha…magpakabait ka na.
Para maiba lang Mami Babes. Tsaka uy, matagal na kong mabait ah.
at sinu naman ang me sabi nyan??! wahahaha!!
ang alam ko pag tulog lang neytan…pag tulog lang! haha
Kaibigan kita, kaibigan kita!
naku! nag adventure sa mundo ng call center… naranasan ko na rin yan eh,pero outbound nmn ako… kea naranaran ko na rin ang mbagsakan ng fone at masigawan…at kahit sa telepono mo lng cla nkakausap, para ngang feeling mo eh drained k tlga… andun pa ung kelanga nkasmile ka pag sasagot s phone.. nakanmen… 2mos lng din ako s ganung propesyon eh…ang malupet mukhang mei pgka scam pa ata ung company na napasukan ko,un ang balita ko nung umalis nko dun..sbi kse nung ilang ngwowork pa dun, minsan daw eh inaalok nila’ng mkipag eb s client para lng umoo sa inaalok na product..sus! knya2ng pakana nga lng..eh ako nun ndi p tlga marunong,kung anu ang spiels, un na tlga…the rest of the dirt, akin na lng un dhil bka mei mkbsang iba at mapasama pa tayo pareho.. hehehe…
Ahhh mas mahirap nga ang outbound kasi kaw pa mismo tatawag sa mga customers. Minsan mumurahin ka pa kasi naiistorbo mo sila. Then usually may quota pa yan di ba? Hinde tulad sa inbound, sila ang may kailangan kaya tumatawag sila.
naku.. buti ka pa taga kabit ng jumper noon.. ako taga hukay ng linya ng tubig sa amin… mahirap pala sa call center kala ko madali lang.. pero tama ka.. kung ang trainor mo ay sexy at maganda.. puchat.. walang galit na customer ang hahadlang sa masarap na pagtatagpo namin ni ms. trainor.. nakuha mo na ba cell number?
Syempre. Next level na.
next level??? amp! ambilis tlga ng diskarte, parang wala nang babae bukas ahh.. nyaha! *peace tsong!*
ang dami kong naririnig na kwentong call center, pero ang talagang reklamo nila ay ang shifts talaga. kaya naman buhay na buhay ang mga kalyeng may call center activities sa tabi tabi. ang bro ko agent din, pero mukhang masaya naman sya kasi nakaka-ilang palit na rin sya ng call center companies e, hahaha. good luck sa yo!
Yeps, sa shift nga ang pinamalaking adjustment for me. Ang sarap kasi matulog, nyaha.
Yun ang kicker sa post mo Nathan, yung seksing coach uyyy!
Welcome back to the call center world!
Salamat! Anong account hawak mo?
langyang basehan yan kung tama ba o hindi ang landas. syetful. haha
sayang. ala ka na pala sa dati mong work. papakabit pa naman sana ako ng jumper kasi kalahati ng mount olympus walang koryente at di ako makapag-plurk.
fotya..who’s gonna save me now?
hehe.. sabay ganun eh no
Gagawin ko yan sayo for free.
parang pamilyar sa akin

ang kwento mo
hahaha
parang nangyari na sa akin
Ahh callgirl ka pala.
patay tau jan. kunsabagay pag may babae nga naman na ganun kabata, kaseksi, at kaganda gaya ng description mo eh tingin ko nga yan na din ang tamang trabaho sa akin. hehehe.
O cge tol, ipapasa ko na application mo.
parehas pala tayong parang holdaper sa madaling araw… tama yan.. kung saan ang chicks, dun ang tamang landas!!!! yan nga siguro ang calling mo… just follow the girls and you’ll never be lost!!! ahahaha.. cheers;p-glesy the great
Pinakamagandang word of wisdom na binigay saken sa buong buhay ko. Mabuhay ka!
sa buong buhay talaga huh? unting tago naman napaghahalataang pabling ka eh… cheers;p
Ano naman kung mahalata mo? Tayong dalawa lang andito. Kaya gameeeeeeee.
teka nga.. parang natandaan kong 8 min lang ang AHT mo dun sa call na yun ah.. *review ng plurk*
nyahahaah
countdown begins now… ilang sahud kaya bago ka mag resign?
Baka naman ibang call yun. Amp may countdown. Cge update kita Miss HR.
hindi! yun yun! inexplain mo pa nga ang AHT eh!
Dun yun sa call na nagddispute sa ten cents.
aw! 2 separate calls pala yun.. (lol) lost in translation.. nyahahah
yan.. yan.. jan ka magaling….
gosh! un lang! lol
lol callboy
konti lang ang customers ng DISH, karamihan dito sa lugar namin DirectTV or COMCAST. COMCAST kami, kahit kasi mas mahal, mas ok naman ang quality at mas maraming HD chanels kesa sa DirectTV. Ahm.. bihira namin marinig ung DISH pero malay mo kapag sinales-talk mo ako, yayain ko ung mama ko lumipat sa DISH. lols.
ganyan talaga dito.. hindi ung cents ang pinag-uusapan kundi ung integrity ng provider. goodluck sa pagbabalik callboy. keri mo yan! ayan nga binigyan ka pa ng libreng inspiration. haha.
Sus wak na, madadagdagan pa yung tatawag saken. Haha. Pero I’m aware nga na mas okay ang offer ng Direct TV, pinipirata nga nila mga existing customers ng DISH.
hahaha. patingin muna nung pic. hehehe
congrats, sa call center ka na pala ngayon. ibig sabihin ba nyan eh slang ka din mag-ingles? takot kasi ako pag may nakakasabay ako sa jeep na working sa call centers, ang lulupet eh nakakasabog ng tenga. parang gusto kong saksakin ang sarili kong tenga. ayala ave ka? baka nagkakasalubong na tayo di pa natin namamalayan
Uy, dala ka ng name tag na may baboyira.net. Ako naman kirksydney.com tapos kakalabitin na lang kita.
Serioulsy.. saan ka sa Ayala Ave?
hahaha! pwede yang sinasabi mo.
ayala ave malapit na sa buendia. madalas akong mag lunch kundi sa GT tower, RCBC or LKG. minsan nagagawi din kami sa Philam and dun sa may paseo, yung may yellow cab at pizza hut. basta dun. pakalat-kalat ako dun sa mga lugar na yon.
Ahhh Gil Puyat. Medyo malapit na rin ako dyan. Sa paligid lang ako ng RCBC Plaza and People Support. Baka nga nagkakasalubong na tayo.
hahaha… diba ngpprovide din kau ng satelite dsl? lenya…dami sakit ng ulong binibigay sa akin ng dish dahil di ko mabentahan ang mga customer na may dish network…kaya hanggang ngayon 28% lang ako…aarrrrgggghhhh…pero customer care ka ba?
Yeps, may internet din. All around ako. Billing, tech support, programming, payment, etc etc.
all around callboi…
waaaaaaaaaaaaaa…
i like the sound of it…wahahahahaha
tsk, lumandi na naman, trabaho muna atupagin mo bagong ang pakikipaglandian..
Bwahahahahahaha!
haha anggaleng, yung ate ko archi grad din, at agent din sya sa dish ngayun..
ako din sa callcenter pero recruiter, i’m planning to look for a job na within makati or alabang, pero recruiter pa din, if you know some openings there, comment ka lang sa blog ko..
thanks and have a great day!
Uy dami ngang openings samin. What a coincidence. Kakadiscuss lang samin kanina nung referral system ng company namin. Kapag naipasok kita, may makukuha akong incentives. Nyahahaha!
i just know, hehe. pano mag-apply? early next year mag-aaply nako, papatapusin ko lang christmas season.
ping mo lang ako, heynx!
Okay, I’ll keep in touch.
anong account hawak mo?
DISH network. A satellite tv and internet provider in the US.