Archive for October, 2008

31
October

Buhay callboy ulet

Posted by kirksydney | 73 Comments

Category: Callboy manias

Simula nung Lunes, official ulet na isa na naman akong call boy. Nagsawa at tinamad na kong maging tagakabit ng jumper sa Meralco kaya naisipan kong patulan na yung kontratang inaalok saken. Pero bago ako pumirma, nakailang yosi muna ko sa labas ng office. Pinag isipan ko kung tama ba yung papasukin ko. Pagbalik ko ng training room, lahat ng ka-batch ko eh nakapirma na. Nahiya naman ako kaya pumirma na rin ako, nyaha. Ni hindi ko binasa yung contract, pero inexplain naman samin ng HR manager afterwards kaya hindi pa naman ako huhulihin at babarilin sa Bagumbayan dahil sa pinirmahan ko.

Napakarami na namang bagong adjustments. Ang schedule ng shift ko eh 5am until 2pm. Nahihirapan akong gumising ng maaga, amp. Nasa Makati along Ayala Avenue ang office namin at taga Quezon City ako kaya alas tres y medya pa lang eh asa kalsada na ko. Lagi akong may baong Kopiko candy o kaya V-fresh bubble gum kasi bukod sa yosi, yun lang ang nakakatanggal ng antok ko kapag bumibigat na ang mga mata ko. Hindi naman pwede magyosi sa loob ng office kaya hanggang candy lang ako. First day came, derecho product training na kasi may call center experience na ko dati, of different account nga lang. This time, sa DISH network ako napadpad. Cable provider sa Amerika. Ang walang kamatayang opening spiel: “Thank you for calling DISH network. The leader in HD and DVR services. My name’s Nathan. How can I help you today?”. At syempre ang closing spiel na din: “Have I handled everything to your satisfaction today? Glad to hear that. Thank you for being a DISH network customer, have a great day!”. Pero pasaway ako eh, kadalasan hindi ko yan sinusunod. Masyado kasing mahaba, lakas kumain ng AHT (Average Handling Time). May sarili akong mga spiels, yun nga lang magagamit ko lang yun kapag wala sa floor ang managers at bisor namin. Automatic marked down na kasi ako kapag ibang spiels ang narinig nila.

Read the rest of this entry »

28
October

Scam - mania

Posted by kirksydney | 73 Comments

Category: Current events

Current mood: Badtrip, kasi natuyo yung instant pancit canton na niluto ko.

Tsk tsk tsk. Nagkalat na talaga mga taong walang magawa sa mga buhay nila ngayon. Kagabi, pagod ako galing sa trabaho at medyo mainit ang ulo dahil nahuli ako ng pulis for beating the red light sa may Ortigas kahit hindi naman talaga (hindi nga ba?), may mga sumabay pang mga kupal. Halos dalawang magkasunod na text messages natanggap ko. Both came from a different number na pareho ring hindi nakaregister sa phonebook ko. The number +639155272780 says, “http://www.smscaster.com hon d2 ka magreply load mo ako 150 pesos”. And the other one +639062956894 says, “Si ate mo to, nasira fone ko kaya nakigamit lang ako. Loadan mo tong number na to ng 200 pesos, bayaran ko mamaya pag uwi ko dyan sa bahay”. WTF?! Kalokohan. Unang una, wala sa Pinas ngayon ang girlfriend ko. Meron syang roaming pero amp sobrang topakin naman. Pangalawa, hindi kami sa iisang bahay nakatira ng ate ko tsaka naka Globe line sya. At pangatlo, hinding hindi pa sila nanghingi ng load saken sa buong buhay na kakilala ko sila at imposibleng gagawin nila yun. Pero bilib ako sa tarantadong yun, kung sinuman yun. Lupet nya tumayming ah. Alam nya na hon ang tawag ko sa girlfriend ko at na may ate ko. Naisip ko tuloy, baka kakilala ko yun o baka nagkataon lang? Yun nga lang sumablay pa rin dahil hindi ako nagpapaniwala sa mga ganyan. Malas nya lang. Dinedelete ko kaagad, pero bago ko burahin sinisave ko muna yung number under the name “Modus Operandi” for future reference.

Read the rest of this entry »

24
October

Random english

Posted by kirksydney | 66 Comments

Category: Endless rants

Last night I received a call from one of my best friends.

“I lost my keys at the game tonight.” He said.

I told him to come over, stay the night. He replied with a “I was just hoping you’d help me break into my house.” He came, I gave him the key to my car since he had work the next morning. He stayed the night and thanked me the next day with a free breakfast and dinner. He had a policeman unlocked his car door, which allowed him to find his spare house key, but not his spare car key. So he’s able to sleep in his own bed now without returning my own car.

I am a friend in need. He is a friend indeed.

* * * * * * * * * * * * * * *

First off, this is not my proclamation, but just an observation.

A close friend of mine has recently caught the love bug with an old classmate. While I am happy for him, I’ve noticed a transformation in him. The reckless attitude has changed to someone soft and protecting. He takes every chance he can get to spend time with this girl. “She’s slept over at my house for the past week” he tells me. Usually he’d call me on his day-off so we can hang out, but he didn’t do that this week. It wasn’t until hours ago that I found out that he and everyone else went to the beach. He forgot about the plan that we’ll go bar hopping, most likely because of the girl.

Read the rest of this entry »

22
October

Kambal unggoy

Posted by kirksydney | 99 Comments

Category: Family matters

Sa totoo lang, matapos ang halos tatlong mahabang araw kong pamamahinga sa pagbblog, nahihirapan na ko ngayong mag isip kung ano ba ang pwedeng isulat dito. Para lang akong gago na nakatingin sa Dashboard ko, magtatype ng konte tapos i-ssave as draft. Bibisita ng ibang blogs, magbabasa ng entries pero hindi naman mag iiwan ng comment. Tapos balik na naman sa Dashboard at i-cclick ang walang kakwenta kwentang draft na kunyaring natapos kanina. Tititigan na parang mga mata ko ang magttype. Paulit ulit lang ang ginagawa ko hanggang sa nagvibrate ang cellphone ko at nakareceived ako ng text.

“Tol, may sakit ako ngayon. Sigurado next week ikaw naman. Wakokoko!!!”

Ampota! Galing yan sa kakambal ko, oo may kakambal ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis kasi para kaming PAGASA na may forecast ng mga darating na bagyo. Ang sa amin nga lang dalawa eh kapag nagkasakit yung isa, panigurado sa mga susunod na araw, yung isa naman. Makakapaghanda kami kahit papaano pero nakakagagago namang isipin na alam ko na kaagad kung kailan ako magkakasakit. Personally, I find it weird. We once asked our Mom about it. Sabi nya normal lang daw yun kasi magkakambal kami. Magtaka daw kami kung magkapitbahay lang kami tapos may mga nangyayaring ganun samin. Wahaha astig ng sagot ng nanay namin.

Read the rest of this entry »