19
September
Hmmm tinatamad ako gumawa ng one whole article, kaya sa kung ano na lang ang lumabas at maisipan ko. Pagpasensyahan nyo na, hehe.
- Natalo ko kagabi ng 180 pesos sa tong its. Bukod sa kinulang ako sa pandaraya, este diskarte pala, nagkataon na mga hustler na talaga yung mga kalaban ko. Lagas na naman ako.
- Malapit na birthday ng nanay ko, pinapauwi ako. Payagan kaya ako umuwi? Ano kaya okay na regalo? Sa tingin nyo?
- Kanina sinubukan kong gumawa ng pancakes for breakfast. Imbes na harina, gawgaw yung nailagay ko. Taena, kaya pala sumobra sa puti tapos ang tigas pa. Sana yung nasa box na lang pala ginamit ko. Nauwi na naman tuloy ako sa walang kamatayang hotdogs and ham. Ako lang ang anak ng Chef na hinde marunong magluto.
- Tinawagan ako ng Convergys, baka daw gusto ko magwork sa kanila. Amp slang na slang yung babae. Aasarin ko sana eh kaso baka mapikon. Sabi ko na lang ayaw ko muna. Boring maging call center agent. Nasubukan ko na yun dati. After ilang months lang, nagresign ako. Ampanget eh, walang night life.
- Namimiss ko na anak ko. Tsk dami ko ng utang dun.
- Badtrip yung nagtetext at tumatawag saken na bisexual na guy. Nagagalit kapag hinde ako nagrereply o kaya kapag hinde ko sinasagot mga tawag. Taena mo pala eh, exclusively for girls lang ako. Hinde ko nga alam paano mo ko nakilala tsaka paano mo nakuha number ko eh. Kung sakaling mababasa mo to, lubayan mo na ko.
- May sakit ngayon yung kakambal ko (Oo tama ang basa nyo, may kakambal ako. Gusto nyo makita? Spot the differences. Hehe.). Ganun talaga kami. Kapag nagkasakit yung isa, panigurado just a week or less, yung isa naman ang may sakit. Nauna lang ako ngayon. Sabi ko nga sa kanya, magpasuob din sya, haha.
- Sa Sabado aattend ako ng binyag ng anak ng officemate ko. Sinadya nya daw ang pagkakagawa dun para daw makahabol sa Pasko. Parang businessman lang ang dating.
- Sa Linggo naman, pupunta kaming Malapascua Island magpipinsan.
- May bago akong kinaaadikan. Car drifting. It’s definitely a lot safer than car racing. Yun nga lang, nothing compares sa adrenaline rush na nabibigay ng karera, lalo na kapag nakikisali ang mga police mobile.
- Mahal ko pa rin pala sya, akala ko hinde na.
- Napabayaan ko na ang website ko: Kilometer69. Sobrang busy kasi, nagloko pa internet connection ko lately. Mabuti na lang, mababait at maaasahan ang mga Moderators ko. Sila ngayon ang nagpapatakbo habang pasilip silip lang ako kapag may time.
- May mga nagtatanong. Baket daw hinde ko lagyan ng ads tong blog ko. Meron akong account sa google adsense at kumikita naman sya doon sa community website ko na nabanggit ko sa itaas. Monthly nga eh tumataas ang kita ko. Kaya sa ngayon, hinde pa sya kailangan dito.
- Sa mga walang pagmumukha dito sa blog ko at sa blogs din ng iba, I recommend you to sign up sa Gravatar. Wala pang one minute tapos na. Yung avatar eh magdedepend sa email address na gagamitin nyo in commenting sa mga blogs. It works in Wordpress.com, Blogspot, self hosted blogs, at kung ano ano pang blogs na supported ang Gravatar.
- Ateneo versus La salle na naman sa UAAP finals. Sa Cheerdance competition naman, ganun pa rin ang results. 3rd place ang FEU. 2nd place ang UST. 1st place ang UP. Amp nakakasawa na. Sana next year iba naman para may thrill kahit papaano.
- May nagtext saken kanina. Nanghihingi ng 200 pesos na load. Ate ko daw sya, nasira lang daw phone nya kaya nakitext sya sa iba. Tsk tsk. Alam ko na kaagad na scam yun kaya nireplayan ko ng “Sige nga, anong name ng ate ko?” Ayun hinde na sumagot. Kung sino ka mang gago ka, hinde ako loading station.
- Tagal ko palang hinde nakakadalaw sa ibang blogs. After ko mapost to, yun ang gagawin ko. Mangungulet na naman ako.
Wow ang dami. Sabi sa inyo eh, kung ano ano lang yang mga yan. Nyaha.



Testing ulet.
kirksydney’s last blog post: Pinaghalo halo.
Ano ulet yung problema??
- Kimiko
kirksydney’s last blog post: Pinaghalo halo.
Hayuf. Fill up na naman!
Kimiko’s last blog post: I don’t know…
Netscape on windows vista dapat ang lumabas ditooooooooo! Hahaha.
Alam mo, hindi ko pa nababasa yung entry pero andami kong comment. HAHAHA!
Kimiko’s last blog post: I don’t know…
Anung problema?
Huwaw Google Chrome. Okay ba yan?
ie7 on vista. hayuf. windows lang nalabas eh vista nako! loser. hahaha.
Kimiko’s last blog post: I don’t know…
Netscape is Mozilla Compatible.
kirksydney’s last blog post: Pinaghalo halo.
Ang yabang amp. Buti nga napagana ko. Taenang php yan.
kirksydney’s last blog post: Pinaghalo halo.
uu nga eh. amfness.
safari nb to?
magbabasa nako after this. swear.
Kimiko’s last blog post: I don’t know…
Uu Safari na. Oi sabi ko, okay ba Google Chrome?
kirksydney’s last blog post: Pinaghalo halo.
hala. hotcake lang eh, di ka pa tumama. hehe (peace).
nainggit ako dun sa pagpunta sa island at sa kita sa adsense pero hehe…tamad akong magsign-up sa kung anu-anong gravatar, hindi rin maka-relate sa kotse at pagmamahal na yan. hehe.
Oo nga eh, sa susunod yung ready made na gagamitin ko. Yung tutunawin na lang sa tubig.
anak ka ng chef pero di ka marunong magluto? tsk… hmmm gawgaw ginawang pancake. grabe ka kirk. haha
utakmunggo’s last blog post: AKIN KA LANG
Yeah. Amp nga eh. Epektib ba cook books?
regalo para sa nanay mo? i date mo sya ng kayong dalawa lang. tipong nood kayo ng sine tapos dinner tapos pagkatapos ng dinner, bigyan mo sya ng bulaklak
patok yan sigurado!
kengkay’s last blog post: Libreng Concert
Hinde pwede, maiinggit mga kapatid ko.
Okay. Pambawi tong comment nato.
- 180? Masama ba loob mo niyan? Sa tingin mo anong naramdaman ko ng natalo ako ng 800 sa tong its?
At shet, ang galing talaga ng Daddy ko dun.
- Ayan na naman ang mga birthday. Yun dati nalimutan mo yung sa ate mo. Tsk. Gift? Dalhin mo si Kurt.
- Sana kinontak moko para tinulungan kita sa pancakes mo diba? … Oo na, di ako marunong mag-operate ng stove. Nakakahiya. Hahaha.
- Gusto ko maging call center agent. Kaso malamang niyan ako tanggalin nila dahil sa ugali ko.
- WOW. AKALA KO KINALIMUTAN MO NA SIYA.
- Kaderder. Juk. May texter din ako. Gusto mo palit tayo? HAHAHA!
- Aww. May sakit si Eco? Wawa naman siya.
- Madalas ka umatend ng binyagan. Pansin ko lang.
- MALAPASCUA NA NAMAN? My god! Isama mo naman ako this time! Hayuf.
- Drifitng sux. Mas gusto ko racing. Mag-race ka na lang.
- Ang akala laging mali. Kung sino man yan.
- Ako na nga ang magbabantay, diba? Juk. Nandun ako nung isang araw. La lang.
- Bat di mo ishare blessings ng Adsense mo sakin? Damot.
- Alam mo, di ko talaga naintindihan yung about sa Gravatar kanina sa ym. I SWEAR. Tas nambadtrip ka pa. Hmf.
- ONE BIG FIGHT. OKAY. WAG KA NA KUMONTRA, PLEASE?
- Shet maitext nga rin kita minsan at manghihingi ako ng load. Bwahahaha!
- Wag ka pupunta sa blog ko.
YAY! NATAPOS DIN ANG PAMBAWING COMMENT KO.
Okay nga pala tong Google chrome. Nakakainlab. Haha.
Uy, malapit na birthday ni Kurt. Hmmm…
Kimiko’s last blog post: Naiinis ako
Wow haba!
Lapit na nga birthday ni Kurt. Uuwi ako. 
Ayy. Tange. Di pala. Google Chrome yung gamit ko. Ohwell.
Kimiko’s last blog post: Naiinis ako
hehehe.. natuwa naman ako dun sa “stalker”? ba tamang term, astig ha demanding s’ya pa nagagalit?..
o well, crush ka nun for sure.. hahahaha..
napadaan lang.. nice to read \m/
Salamat tol, pero kinilabutan ako dun sa sinabi mong crush.
HOI. ang arte mo.
Mumu sa Kanto’s last blog post: Berdey ko na?
hello gravatar? are u derrr?
Mumu sa Kanto’s last blog post: Berdey ko na?
ayoko na peyk! =))
Mumu sa Kanto’s last blog post: Berdey ko na?
Mumu: Okay naman yung gravatar mo ah, ibang email lang kasi ginamit mo dun sa isa.
naku pre pagdating sa scam ng load ingat lang kasi merong incident dito ganyan ang nangyari ayun nagpaloko naman ang uto uto pero kaawa awa kasi isang bagsak ng maraming load ang nakuha.
gmac’s last blog post: special greetings
Ahh narinig ko na yan pre. Yung nanalo daw tapos bago makuha yung prize, kelangan muna magpadala ng cell cards. Taenang modus operandi yan.
hhhmmmm… pancake na gawgaw ayos yon ah, pwede patikim, padalan mo na rin ako ng 200 na load… lol!
ana banana’s last blog post: Proud Mommy!
Okay next time.
sa mom ng friend ko na nasa KSA may nagtext din nagpapaload. at alam ang name ng friend ko yata. hmmm.. kakilala nya cguro un… scammer!
dami palang tumakbo sa isip mo….
rhapsody’s last blog post: taglish na hehehe
Tsk tsk people nowadays. Hmmm kulang pa nga yan sa mga naiisip ko.
kung ano-ano nga, in fairness, na-update mo kami sa mga events ng buhay mo, hahaha…
wifeybee’s last blog post: expect less
Nyaha nagulat nga ko humaba ng ganyan yan.
Wala ka pala maisip nito sa lagay na ito ah..
mejo naintriga lang ako sa ” Mahala ko pa pala siya..” Bakit? ano nangyari?–hindi asko nanchichismis ah. concern lng. Fan ata ako ng labteam nyo ni Mumu..(pa ngaba?) may intriga eh no. sorry ah.. wala kasi ako kaalam alam jan.. aok..so kaya pala absent ka sa deyker…ok lng yun. Naghiatus din ako ksi busy nga diba sa Hawaii.
Kmusta ka ba? personal na to. ok ka lang ba?
Oks naman ako.
Busy ka, busy ako, busy tayong lahat.
grabe, pare…di lang halo halo to ah, special halo halo!=)
Uu. May leche flan, ube, tsaka ice cream sa ibabaw.
uyyyyy! ganda dito a. may sini-serve bang meryenda dito pag pers taymer o kaya pers taym mag comment?
nalulungkot ako sa pagkasakit ng kambal mo. sana naman next time wag mo na sya sakalin. lols.
MARU’s last blog post: Libreng Shampoo ‘Dai
Ubos na, tagal mo eh.
huwow halo halo nga!!
nice blog po!!!
ngayon lang ko nadaan pero dami ko nalaman tungkol sa yo !
naglalambing lang po
Lambing’s last blog post: May Pusa
Dumaan din ako sa bahay mo, hehe.
hahaha.
astig naman yung bisexual na guy..
feeler.
winkii’s last blog post: Welcome Back Winkii.
Uu nga eh, lakas tama amp.
Anu ba gusto ng nanay mo? I gave my mom a new tagalog movies since matagal na syang di nanunuod ng movie and she bought a new DVD player. Magamit man lang nya.
Yummy gawgaw-cake. at leat nakapag experiment ka.
Same here, I tried call center before and same reason rin tayo kung bakit ako lumayas agad. as in 2 weeks lang ako, kinuha ko lang 1st sahod e tapos resign na agad. nagtraining nga lang ako dun then end na, boring.
Gravatar: either di sila marunong mag-sign up or ayaw nila talaga ipakita ang picture nila, saya kaya ikalat ang picture mo. haha
Honeul’s last blog post: My Top 5 Favorite Blogger
Yung nanay ko mahilig magluto tsaka sa mga orchids. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ibibigay ko. Baka yung suggestion na lang ni Kengkay. And yeah, call center is boring. Same old shit every night. Pero natapos ko naman training ko, unlike you.
e ano kung mainggit mga kapatid mo? e regalo mo nga yun sa nanay mo e, di ba? edi magset din sila ng dates para sa nanay mo o kaya naman dalhan nyo sila ng pasalubong
kengkay’s last blog post: oktoberfest na!
Mas okay siguro kung group date na lang kaming lahat. The more, the manier.
hahaha. mga modus operandus nga naman sa pinas oh. pati ate dinadamay. lols. ganun na ba talaga kahirap sa pinas ngaun? di na maafford ung 200 kaya nangloloko nalang ng ibang tao. hay.
lei’s last blog post: Filipinos are Pacific Islander!
Hindi naman lahat ng tao dito sa Pinas. May mga tao lang talagang ganyan, hehe.
kung mahal mo pa go for it!
Jonell´s last blog post: Survivor Philippines Episode 13.
Nyaha ewan ko na lang ngayon.
ahaha, di ako naloloko jan sa load scam na yan.. kung kilala ko nga talaga siya, alam niyang di ko siya bibigyan ng load (ako nga prating wala eh, mamimigay pa ba naman ako)…
anak ka ng chef? waaahhhh.. pwede magpa-ampon kahit three times a day mo lang ako kapatid… ay lima na lang pala para kasama meryenda!!!!
astig!!! walang duda magkakambal kayo.. cheers-glesy the great
glesy the great´s last blog post: 40 days and 40 nights
Yeah, kaso hinde na gaano nagluluto sa bahay nanay ko. Magugutom ka samin. Ano, papaampon ka pa ba?
Hello webmaster , Your blog post about hochzeitsgeschenk is absolutely great. Easy to understand it and with excellent value. I just stumbled up and dugg your site to digg as good news article about hochzeitsgeschenk on Monday . Cheers, Mike Brown , keep up the good work !
ano na ulit sasabihin ko? ang dami nmn kse…mganda tlga s cebu noh? sana nga mkasama ulit ako next reunion namin…. ahmmm..cge un n lng muna.. npadaan lng ulit! hehe
Saan sa Cebu?
s tuburan,bndang south un eh…pero meron ding business cla lola baby s mandaue…
Uy pag asa Cebu ako, sa Mandaue and Lapu lapu city ako nagsstay.
ahh talaga?? madalas ka ata dun ah.. eh kami every 5yrs lng napapadpad dun,pag mei family reunion sa mother side ko…sana matuloy kami sa 2013..ang tagal pa pala! heheheh…pero pag andun kami, nde kami nagsstay sa isang lugar lng,palibhasa andaming kamag anakan dun….
Nope, pumupunta lang ako dun dati pag vacation. The best kasi mga beaches and islands dun. Pero dun kasi ako na-assigned kaya no choice ako kundi magstay dun.