Apat na araw at apat na gabi akong maysakit. Pinagsama samang lagnat, sakit ng ulo, dry cough, tonsilitis, at muscle pain. First time kong nakaramdam na nanghihina talaga ako. Maghapon at magdamag lang akong nakahiga, kung hindi sa kama ko, sa sofa naman. Lahat na yata ng posisyon eh nasubukan ko na kaso hindi talaga ako mapakali. Naawa at nataranta na din siguro saken yung mga kasama ko dito sa bahay kaya nagkanya kanya na silang suggest ng dapat kong gawin.
Unang una sa listahan ang sangkatutak na mga gamot. Waaaa! Pinakaayaw ko eh yung umiinom ng gamot. Biogesic, Alaxan, Neozep. Amp nahihirapan ako lunukin yang mga yan. Kailangan isabay ko muna sa pagkain kasi kapag tubig lang, pakiramdam ko hindi umaabot sa tyan ko, parang nakabara lang sa lalamunan ko. Araw araw nila ako pinapainom nyan. Salitan pa yung tropa ko tsaka yung girlfriend nya sa pagreremind saken kasi kinakalimutan ko, este, nakakalimutan ko pala. Pakiramdam ko tuloy nung mga oras na yun eh na-overdose na ko kasi imbes na mawala yung lagnat ko, bumigat pa lalo pakiramdam ko tapos nadagdagan pa ng hilo.
Pangalawang naisipan nila. Tawagan ko daw yung ate kong nurse tapos tanungin ko daw kung ano pwede kong gawin. So I did. Sabi ni ate, magpa-injection daw ako ng Paracetamol para daw mawala kaagad. Amp talaga. Nagsisi pa kong tinawagan ko sya kasi hindi nya ko tinigilan hanggat hindi ko ginagawa yung sinabi nya. Kaya kinabukasan, nagpunta kami sa nearest clinic, nagpa-inject nga ako ng Paracetamol. Taena, nangawit buong left arm ko, pero normal lang daw yun. Yun daw talaga ang adverse effect ng Paracetamol kasi ano daw.. oily solution ba yun.. basta hindi ko na matandaan yung pinagsasabi ng nurse. Ayos naman nung una, nawala nga lagnat ko kaso nung gabi, meron na naman.
Dahil nagtataka na sila sa nangyayari saken, kung ano ano na pumasok sa utak nila, haha. Magpahilot daw ako tsama magpatawas. Baka daw kasi may isang babae akong niloko o pinaglaruan tapos gumaganti daw. Bwahahaha! Kalokohan ng mga gago. Tsaka uso pa ba yun ngayon? Syempre hindi ako naniniwala sa mga ganyan kaya hindi ako pumayag.
Tapos nung isang araw, dumating yung Tita ng kasama ko. Sa kadaldalan ng girlfriend ng tropa ko, nakwento nya yung mga nangyari. Kinausap tuloy ako ng wala sa oras tas sabi may gagawin daw sya saken. Ano na naman kaya to, sabi ko sa sarili ko. The Cebuanos call it suob. Ang hirap nya i-explain kasi weird pero ganito yun. Kumuha sya ng isang kaldero, nilagyan nya ng tutong na kanin tsaka Coke tapos pinakuluan ng pinakuluan. Pinaupo nya ko sa gitna ng sala, tinapat nya saken yung kaldero na may takip. Then pinakuha nya yung pamangkin nya ng blanket, italukbong daw saken tapos buksan ko na daw yung kaldero. Dapat daw yung usok eh hindi makalabas ng blanket. Taena, ang init. Sobra. Para kong nasa loob ng bulkan. Gusto ko sanang lumabas kaso inaapakan nila yung blanket, bawal daw, kailangan daw maubos yung usok na galing dun sa kaldero. Paglabas ko tagaktak yung pawis ko sa buong katawan. Pero epektib naman, gumaan talaga pakiramdam ko at hindi na bumalik yung lagnat ko. Astig ng mahiwagang suob.
Minsan talaga may mga bagay na hindi maipaliwanag ng sensya, hehehe. Buti na lang daw hindi ko pinairal ang pagiging ‘Manila boy’ ko at naniwala ako. Sus, takot ko lang kay Tita Adel. Nyaha thank you nga pala. =)


Shet! Natalo niya ang kulam ko.
NYAHAHAHAHAHA!
Sana tinry mo na lang yung tawas. Pinapaganun ko si Kurt pag di madaan sa gamot eh. Hiyang naman, haha.
Pero teka, may coke talaga yung ritwal thingy? Astig.
Ayss last blog post..Yesterday. Today and Tomorrow.
Aha! Ikaw pala ang salarin. Buti na lang malakas ang panlaban ko na kalderong may Coke at tutong na kanin. Bwahaha!
Yeah, may Coke talaga. Sana pala tinanong ko kung pwede Sprite or Royal. Or Red Horse kaya? Haha.
Okay na ba si Kurt? Jabee sundae lang pala katapat.
Hala!
Bat yan ava ko? 
LOL!
Palitan mu pala yung email ng admin mo. akin yung anjan kaya avatar ko.
HUY! palitan mo yung sa admin ah! bilis at magreregister ako dito. nakakairita mag-fill up ng form, haha.
ngayun ko lang narinig yang kaldero na may coke at tutong na kanin. weird.
sana red horse nilagay niya para tumba ka agad, no? bwahaha!
okay na siya.
Mukhang constipated na.
ayun! nakatamad magfill-up ng form eh, haha.
wtf is that avatar? lol.
Uu nga, nagulat ako. Hinde na ko nagffill up.

Ewan ko kung ano yan. Auto genrated eh.
malamang! hahaha!
kamukha mo yung avatar oh.
may pangil ba yan?
RAWR!
Baket? May pangil ba ko?
Ermm… wala.
Pero nangangagat ka eh.
“Magpahilot daw ako tsaka magpatawas. Baka daw kasi may isang babae akong niloko o pinaglaruan tapos gumaganti daw.” >>natawa naman ako dito…sa dami naman ng pwedeng maisip eh itu pa haha. yaan kasi ambait mo. pero buti naman at magaling ka na.
Aling Baby’s last blog post..Pinagupit pa kase eh..
@ Ays: Kaw dyan ang mahilig mangagat eh.
@ Aling Baby: Uu nga eh, mga gago mga kasama ko dito eh.
lolo, tinablan ka na anaman ng sakit??? kulang lang yan sa…wala.
…at least effective naman pala yang suob na yan…magamit ko nga minsan..=)
…pagaling ka ng lubusan…=)
sommer’s last blog post..me araw din ang Hari sa akin!!!
Epektib nga, ewan ko lang sayo. Bwahaha!
Okay na ko pre. Kausap lang kita kanina eh kaso istorbo amo mo.
but for the fact that location. So hang on to!