9
August

Pinoy action movies.

Posted by kirksydney Popularity: 110 views

Category: Just for fun

Ano ba ang Pinoy Action Movie?

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti.

Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo,lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, apo sa daliri, ninuno).

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida. Lagi itong may mga uto-utong tauhan. At laging naka-jacket kahit tanghaling tapat kadalasan pa ay mga itim na leather jackets.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay, at madalas pa dito na rin nangyayari yung final bakbakan scene.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng i-kwento sa Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman eh kayang-kaya nitong patumbahin ng walang kahirap hirap.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang muna.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril. Mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan. Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno, sumasabog.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya. Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang. Hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila eh makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis. At wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito.

Ayan lang mga napansin ko, baka may gusto kayong i-dagdag. Hehehe.

15 Comments

  • At 2008.08.09 20:32, Aling Baby UNITED ARAB EMIRATES said:
    Using Mozilla Firefox on Windows

    haha! ang galing mo.

    pero meron pa yata…yung mga pulis, darating sa huli pag bugbog sarado na ang mga kontrabida pati na ang mga chuwariwap niya diba?

    • At 2008.08.09 20:35, kirksydney PHILIPPINES said:
      Using Mozilla Firefox on Windows

      Kasama na yun sa last eh. Naisip ko lang yan nung nabasa ko yung latest entry mo, laugh trip din eh. Hahaha.

      • At 2008.08.10 13:15, sommer UNITED ARAB EMIRATES said:
        Using Mozilla Firefox on Windows

        …nyahahaha!! natawa ako kasi trulala lahat. (mahilig ka sa cinema one noh?)
        …dagdag lang, pag maghahabulan na ang bida at kontrabida, laging bulok at luma na kotse ang gagamitin para kahit ibangga at pasabugin, ok lng..cost cutting eh?

        • At 2008.08.10 16:06, wifeybee UNITED ARAB EMIRATES said:
          Using Mozilla Firefox on Windows

          wahahaha… in fairness, may kanta pa minsan… lalo na’t kung fpj movie yan…

          • At 2008.08.11 15:43, rhapsody UNITED ARAB EMIRATES said:
            Using Mozilla Firefox on Windows

            ang mga bida pa kadalasan mababait pero siga at kinatatakutan… ;D

            • At 2008.08.12 09:51, themiseducationofzapped PHILIPPINES said:
              Using Mozilla Firefox on Windows

              Laging may sayawan. tsaka kantahan. kahit action nagiging musical! at uu laging may holdapan sa huli -e.g. Inday Bote, Petrang Kabayo, Buy One Take One, Pik Pak Boom… etc.

              • At 2008.08.12 14:36, kirksydney PHILIPPINES said:
                Using Mozilla Firefox on Windows

                @ Sommer: Uu nga no, nakalimutan ko yun. Mga lumang kotse yung lageng pinapasabog. Pero amp, hinde ako mahilig sa Cinema 1. :lol:
                @ Wifeybee, Rhapsody, and Teacher Zapped: Hahahaha uu nga, tama.

                • At 2008.08.12 19:59, ayyzzz PHILIPPINES said:
                  Using Mozilla Firefox on Windows

                  hahahaha..
                  namann!
                  kabisadong kabisado..
                  kaso minsan lang ako nanunuod ng aksyon mubi..

                  pero eto ung mga napansin kong laging nasa eksena ng mga pinoy aksyun mubi.

                  laging nagsasalita muna ang bida bago barilin ang kontrabida..
                  parang ganito:

                  “isang bala ka lang!”

                  hekhek..

                  • At 2008.08.12 20:00, kirksydney PHILIPPINES said:
                    Using Mozilla Firefox on Windows

                    Bwahaha yeah. Mahabang usapan muna bago sila magpatayan. :lol:

                    • At 2008.08.13 13:24, Jenna PHILIPPINES said:
                      Using Mozilla Firefox on Windows

                      rofl very true very true.. :)

                      • At 2008.08.14 05:59, Pokwang GERMANY said:
                        Using Mozilla Firefox on Windows

                        what about nag agawan ng baril, bida at kontrabida, sabay pumutok baril at sobrang pa suspense - sinong natamaan?

                        • At 2008.08.17 19:20, kirksydney PHILIPPINES said:
                          Using Mozilla Firefox on Windows

                          Hahahaha oo nga, pansin ko din yun. :lol: :lol: :lol:

                          • At 2008.10.04 16:10, charlie HUNGARY said:
                            Using Internet Explorer on Windows

                            I found your post in Google and I find it interesting.

                            • At 2008.10.14 00:27, magdalena PANAMA said:
                              Using Mozilla Firefox on Windows

                              what are ‘pinoy action movies’?

                              • At 2008.10.26 06:19, Maxine Long PANAMA said:
                                Using Mozilla Firefox on Windows

                                where can i download pinoy movies?


                                (Required)
                                (Required, will not be published)