Arghhh badtrip talaga!!! Gusto ko ng umuwi, ilang ulit at araw na rin akong nagpaplanong bumili ng plane ticket pabalik kaso laging hindi natutuloy. Nagpareserve ako para sana kahapon, Wednesday, kaso taena bumabagyo naman pala sa Manila. Gusto ko sana ituloy kaso sinermunan ako ng ate ko, huwag daw matigas ang ulo, busy daw sya para maglamay. Ang positive nya mag isip eh no, haha. Naalala ko tuloy nung umuwi ako galing Leyte, medyo hindi rin maganda panahon nun. Nakadalawang turbulence kami. Naawa nga ko sa matandang katabi ko, takot na takot sya. Nagdadasal sya habang may hawak na rosary, samantalang ako parang wala lang. Pero more or less after an hour, nakarating din kami. Napangiti na lang saken yung matanda, tapos nginitian ko din sya nung pababa na kami.
Ayun nga, wala na kong magawa dito kaya kahapon pumunta ako sa office namin. Niyaya ko yung dalawang officemate ko na mag undertime. Konteng pang uuto lang, pumayag naman sila. Sabi ko samahan ako bumili ng pasalubong. Ang dami kasing nanghihingi ng t-shirts, bags, dried mangoes, danggit, otap, at kung ano ano pang naiisip nila, eh wala akong kahilig hilig mamili. Tamad ako maglakad, tamad ako maghalungkat, tamad ako pumila, tamad ako sa lahat kapag ganyan yung usapan. Kaya naisipan naming yayain din si Grace. Kaya ayun, kahit medyo umaambon ambon, dumerecho kami sa City Market (Carbon and Taboan Markets). Sabi ko sila ng bahala sa pagkain, kami na lang dalawa ni Greg sa mga t-shirts kasi mas trip ko yun. Kaso nakatapos na sila, wala pa rin akong nabibili, nyahahaha. Nawili kasi ako pagkuha ng pictures ng mga nakakatawang prints sa t-shirts, mostly yung mga walang sense and wrong grammar, hehe. Hover nyo mouse/pointer nyo to see the weird messages.



After mga ilang ikot, nakatapos din kami. Sigurado ko mag eexceed ako sa 20 kilograms baggage limit kasi ang dami naming nabili. Nakakapagod pero okay lang, at least nawala boredom ko. Tsaka ayoko bumabyahe ng madaming dala pero sige na nga, minsan lang naman eh. Nung mag-5pm na, nagyaya na ko umuwi kasi hinahabol ko yung laban ng Ginebra, worth it naman kasi nanalo sila, pati na ung Coca Cola.
Sana lang umalis na yung bagyo para makauwi na talaga ako. *fingers crossed*


nawindang ako sa tshirts. hahaha
wag mo nang isugal ang paguwi kapag may bagyo. at tama si ate, inconsiderate kung magpapalamay ka habang busy ang mga tao. hehehe kaya,, istey put ka diyan sa universe mo until the storm is gone.

uu nga, kaw naman mashado ka hexcited makauwi…makakabalik ka rin saka wala namang choice si Helen kundi umalis pagkatapos ng pagtambay niya kung saang lupalop ng Pinas niya trip tumambay. I-enjoy mo na muna ang masarap na weather. buti nga jan naulan eh dito nuknukan ng init. kainis!
ambait mo pla eh, may pasalubong ka pa.
Napilitan lang ako sa pasalubong, tambak na kasi utang ko, haha.
Okay cge pagdadasal ko na mapadaan si Helen dyan sa Dubai, haha.
..ayan kasi hilig mo lumipad wala ka namang pakpak.(huh?heheheh!)
…at like ko attitude ate mo sa pagiging positive ha?hehehe!
…pagbilan ng isang tshirt…kapalit ng isang bote ng irish beer..nyahahaha
Nang iinggit sa irish beer, uhaw naman sa san mig light. =p
Oi, nasan na si Leslie? Akin na sya, hahaha.
…kaya nga e.whaaaa…mig light, 5 months na lang!!bwahahahah!!!
lukdet ka, ilagay tunay kong name sa blog ko!nyahahah!!
…bisexual din sya, bet mo?hehehehe! (primary pix mo kasi e1)harharahar!!!!
Kahit trisexual pa sya, babae pa rn sya, haha. Pakilala mo ko dali.
otap koooooo… T.T
kainis ka kasi e. di ka nagpapalam pag log out ka sa ym, kaym ko sya kanina habang kaym kita e d sana niconference ko n kayo..hmpft!!!
…bawal ganyan, yung babagal bagal…bwahahahahha!!!!
@ Ice: Nakabili na ko, pati dried mangoes mo. May binili din ako for Kurt. How are you? You don’t feel well yesterday, right?
@ Sommer: Online pa sya? Babalik ako, na-dc kasi ako, haha.
….whaaaa, nagout na sya e. pretty nya noh? hanep boses nun, galeng bumirit..as in!!! invite mo na lang, ok lang sa kanya.
…uuuyyy!!! me crush siya.hehehe
woooah! wat a t-shirt…. wahaahahahahahaha!!!
@ Sommer: Ay nag out na ba, sayang. Maganda boses? Cge nga bigay mo saken yung #, tatawagan ko, para malaman ko kung totoo, haha.
Crush amp. Pang elementary lang yun.
@ Chrom: yeah, hehe.
YEY!
Medyo ok na ko. Alcohol Poisoning lang daw. :p
…di ko na sure number nya jan e. imessage ko n lang sayo id nya.=) tas take it from there..uuuuy, infatuated na sya (o, ayan di na crush..infatuation na..panghighschool naman!)
@ Ice: That’s good. Alcohol poisoning?
Bat mo kasi iniinom yung alcohol? Hehe, joke lang. Before saturday, try ko makauwi. How’s Kurt?
@ Sommer: Cge. Sayang, dapat kanina pa. Panghighschool nga amp!
mamaya stalker na yang si kirk
Hahaha! Before Saturday? Duh! Friday na bukas, haha. =p Puntahan mo ko dito sa hospital, dalhin mo dito yung otap ko. Kurt’s okay naman. Andun siya sa bahay.
@ Mumu: Kaw ang sstalk ko. Bwahahaha!
@ Ice: What hospital? Amp, who’s with you there? Yeah this Saturday, madali lang naman bumili ng ticket eh, kahit sa airport mismo pwede.
Cardinal Santos. Ako lang nandito. Shh.. wag ka maingay. Iniwan na nila ko eh. @.@ Pero amf, baka lumabas na rin ako bukas, haha.
Amp lalabas ka na bukas tas pinapapunta mo ko sa saturday, sino pang dadatnan ko dyan, haha. You didn’t inform me that you were brought to the hospital. Kala ko simpleng trangkaso lang eh.
Eh pano ko kukunin yung otap ko? T.T
Akala ko din fever churva lang. Tae, nagnnosebleed nako dun nung hapon. Eh diba nagtext pa ko sayo? Ayun, maya maya nagblank na paningin ko. Pag gising ko hospital na. BOOM. DONE.
Syempre punta ko sa inyo. Alangan namang papuntahin pa kita ng ibm eh ganyan ka na. You get well soon. Update me what’s happening.
I know I’ve caused you a lot, I’ll make it up to you. =)
Pupunta ka samin? Wow naman. =p Alam mo, mejo okay na ko. Nakausap na kita eh. Ayii. =)
…5 minute expiration pala ha???…hehehe!!!
@ Ice: Naks, nambola pa. Haha. Bored ka ba dyan? Cge samahan kita hanggang bumalik yung bantay mo. Sino ba bantay mo? Si Manang?
Uyy mag log in ka kaya sa Wordpress mo, haha.
@ Sommer: Bukas ulet. 10 minutes na, haha.
Well… Wala na ata yung bagyo… Kaya makakauwi ka na… Wahahaha…
Sana nga, natatambakan na ko ng utang eh, haha.
Uu. HUHUNESS.
Buti na lang kamo dinala nila yaya yung laptop ko. Tae, wala kong bantay dito. Iniwan nga nila ko, dba? Kaya dapat talaga samahan mo ko.. @.@
Wag na kasing umutang… Baka wala ng ipambayad… Wahahaha… XD
@ Ice: Buti kamo napagawa mo na laptop mo, haha.
Saan ba pumunta bantay mo?
@ W!ngL3s$: Haha meron naman, pasalubong lang talaga gusto nila.
Err, yung bago gamit ko. Ayoko gamitin yung nasire eh, haha.
Nasa bahay sila. Sabi ni yaya kanina nung tumawag ako they are DVDing (nanonood ng dvd) daw. Hahaha!
Nasira pala. Tae, buyoy na naman. Haha.
Dvding, parang Ipoding lang, nagmana sayo. Haha.
Sigurado na bang lalabas ka bukas?
Ah… Well… ganyan talaga ang buhay na madaming friends…
Expected na madaming pasalubong… Wahahaha…
Yeah, hehe. =)
Haha. Ang cute nga pakinggan eh. =p
Sigurado na yun. Tsaka gusto ko na rin lumabas. Alam mo naman na ayaw ko dito, db? Haha.
Yun naman pala, eh bat pinapapunta mo pa ko dyan sa Saturday, haha.
Haaaay i miss Kurt terribly.
Eh kasi may pasok ako bukas kaya gusto ko Saturday! Grr. Haha.
Alam mo, konti na lang tatamaan na si Kurt sakin. Naman kasi, siya lang lagi mo namimiss. Ako nde. Hmp. =(
Papasok ka pa ng lagay na yan?
Nyaha syempre package deal na kayo ni Kurt. =p
Titingnan ko pa kung kaya ko. Baka pag hindi ako pumasok bombahin ako ng nanay ko eh. Haha.
Package deal? Hmp. Tampo na ko. HUHUNESS. @.@ T.T @.@
C’mon, smile. Uuwi na nga ako eh. =)
Malakas pa ba ulan dyan?
Eh si Kurt naman gusto mo eh! Hmp. Hmp. Hmp. Hmp. HMP!!!
Hindi na. Taena naman, pag umulan pa ng malakas, isusumpa ko na talaga ang langit. Ang tagal tagal kong naghintay para makauwi ka na tas pepestehin lang ng ulan? GRR. Haha.
Haha. Titigil din yan. Haaay impake na naman, pinakaayaw ko. Haha.
Err, tae. Bigla dumating ate ko. Gulat na gulat naman ako.
Ano kb. isalpak mo na lang ng isalpak sa bag mo yung gamit. HAHA.
Hehe okay lang yun, nag out na din ako eh.
Malamang yun na naman nga mangyayari sa pag iimpake ko, haha.
haha! i lyk your ate!!! =)
Oh c’mon! Haha.
Hulaan mo kung bat dto ako ng comment. hahahha.
as in.
seryoso ung gumawa no? punum-puno ng epport! 
teka, ampangit nung parang picture ko?! bat starpish?!!
dba may buteteng gnyan? di ba ako pdeng mamili?
chosii ako e.
Oh yeah, I know your reason. =p
About the avatar, it all depends on your e-mail. =)