Archive for July, 2008

12
July

Lesson learned?

Posted by kirksydney | 32 Comments

Category: Just for fun

Click to enlarge

When I checked my mails today, this one message caught my attention. The mail came from the hard headed Robert Allan L. Mancelita Jr. Click the image to enlarge. Both email addresses were removed for privacy reason. He still entitles respect. =)

Long story short. Robert owns a site that offers premade Friendster layouts. However, it was found out that majority of layouts there were not originally made by him. Meaning he ripped them from the original layout makers. Two of them are my friends, Angela and Joana. They became victims in two separate occassions. Firstly, he ripped Angela’s layouts. Angela approached me and asked me if I could do something to teach this kid a lesson. For a couple of weeks, Robert’s site were inaccessible in the internet. He then talked to me, said his endless sorry’s and promised that he won’t do it again. So, I put back his site to its normal state. But then, to my surprise, he did it again. This time, with Joana. So, I played with his site again. That’s the time he approached me.

“First of all, I really deeply apologize for the things I have done which is not really good. I really apologize. I know your mad, but I hope you can forgive me. I have also e-mailed Wanits but haven’t received any reply from her.”

I’m not mad at you. I can’t get mad with someone I barely even know. I just gave you what you deserve. You said before that you already learned your lessons, but how come you did it again? When will you really learn? Incorporate your sorrys with actions.

“I really am changing right now. I don’t rip anymore. Because I really want to clean my reputation back. :(

Easy to say, hard to do. Grow up. Stop taking credits from works of other people. It’s one of the simplest way to show respect. If you want respect, give respect first.

“Anyway, can you possibly the threads in your forum that’s about me? please? I am really begging. It really hurts me and feel guilty about it. :( I just want to start a new life. Please forgive me. :(

I haven’t talked to Joana about it yet but okay, I’ll leave your site alone for the mean time. With regards to the threads, I’ll draw it Joana’s attention again, she was the one who started it, so she’s the only who can tell me if I could finally remove it, or not.

Now, I really do hope he’ll stick with his words this time. It’s for his own good, really. =)

11
July

Tang ina.

Posted by kirksydney | 38 Comments

Category: Endless rants

Oo para sayo to. Wala ng iba pa.

Halos lahat na yata ng dahilan naisip ko na para tawagan ka. Para lang sabihing namimiss kita, para lang magsorry sa nangyaring alam ko namang okay lang sayo. Pero ang totoo, gusto ko lang marinig ang boses mo, gusto ko lang alamin kung kamusta ka na ba, kung ano na bang ginagawa mo, kung kumain ka na ba, kung anong oras ang pasok mo. Wala, gusto ko lang talagang makausap ka. Pero ikaw, lagi ka lang walang imik, wala kang sinasabi. Para kong tanga na salita ng salita, parang walang kausap. Gustong gusto kong ulit ulitin sayo na mahal na mahal kita, gusto ko ng mahaba habang usapan, pero nahihiya ako dahil sa tono ng boses mo, parang wala kang kagana ganang kausapin ako. Kaya lagi na lang.. lagi na lang hindi ko nasasabi ang mga gusto kong sabihin. Ang nasa sa loob ko.

Tapos magigising ako, makikita ko kausap mo sya. Ang saya saya mo, tuwang tuwa ka sa kanya. Sya na minsan ng naging dahilan ng hindi natin pagkakaunawaan dati. Selos na selos ako. Bakit napapasaya ka nya na mukhang hindi ko magawa? Bakit lagi kang may ganang kausap sya? Bakit ganito? Bakit ganyan? Kung ano ano ng pumapasok sa utak ko. Puro tanong na hindi ko alam ang sagot. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Hindi ako sanay sa ganito. Tama na. Sobra na to. Suko na ako.

Oo para sayo to. Wala ng iba pa. At mula ngayon, kakalimutan na talaga kita.

11
July

Sapul. Bull’s eye. Tagos.

Posted by kirksydney | 8 Comments

Category: Random stuff

What if we were wrong about each other?
What if you were really made for me?
What if we was supposed to be together?
Would that not mean anything?
What if that was supposed to be my house that you go home to every day?
How can you be sure that things are better?
If you can’t be sure your heart is still here with me, still wanting me.

Sabi yan ni Babyface habang nakikinig ako sa Yahoo! Music Launchcast. Kung hindi ba naman nananadya ang gago. Gawin ko kaya syang Adultface? Ayoko na nga isipin eh, ang sakit na sa ulo, tapos hihirit pa ng ganun. Nasa gitna ako ng pagdadrama ng bigla akong natawa, napansin ko wrong grammar pala sya. Hehehe.

With Mama Jodi Pahabol lang mga pare, eto nga pala si Mama Jodi, yung namention ko sa previous post ko. Imbes na ako magpasyal sa kanya kasi sya yung dumayo dito, sya pa nagpagsyal saken. Okay pala syang tour guide, hehe. Wala kaming ginawa kundi kumain ng naglalakihang seafoods. Maglakad na parang walang katapusan. Magdrive na pang dragrace sa Mactan island. Tumoma ng Vodka ice (yun kasi trip nya eh), at magyosi. Okay talaga syang kasama. Hanggang sa namalayan ko na lang nagkkwento na pala ko sa kanya ng mga nangyayari sa buhay buhay ko lately. Kahit saan mapunta usapan namin, lovelife ko pa rin ang bagsak, haha. Binalita nya din saken na buntis na daw sya. I’m happy for her and sa husband nya. Ewan ko kung kailan ko ulit sya makikita kasi uuwi na ko ng Manila, sila naman eh sa Bacolod na naka-based dahil sa work ng asawa nya, pero sabi nya Ninong daw ako. Hintayin ko na lang na magkita ulet kami sa mata. Alam ko mangyayari yun. Bilog ang mundo, sabi nga ng Ginebra. =)

8
July

I suddenly missed my Sisiw.

Posted by kirksydney | 2 Comments

Category: Random stuff

Off ko bukas, magkikita kami ni Mama Jodi sa Divine sa Mactan Island. Parang nakikita ko na yung malalaking alimango at lobster na naghihintay saken. Yumyum! Parang ngayon pa lang gusto ko na umalis kasi sabik na ko sa seafoods. Ang tagal ng oras, wala na ko magawa. Nakadalawang match na kame sa DOTA, nagsasawa na ko sa mga kupal na kalaban ko, ang lalakas naman mangbackdoor ng mga siraulo, wahaha. Lag naman ako sa RAN, yung character ko tang ina, halos hinde gumagalaw. Wala na talaga ko magawa kaya nag bloghop ako. First time ko yun ginawa, okay din pala. Pamatay talaga ng oras. Salamat kay Mumu sa Kanto sa walang sawa nyang pagbibigay ng link at sa pagcshare nya ng mga blogs na siguradong magugustuhan ko. Isa kang bato! In English, you rock!

Oo nga pala, dahil sobrang bored ako, nangangalkal ako ng Photobucket account ko, nagkataon nakita ko yung screenshot na yan. Binigay yan saken ni Crish aka Alaine, isa sa matatagal ko ng kaibigan both online and offline. Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung story ng screenshot na yan, pati na yung topic namin that time. Gusto nya kasi maghubad ako sa harap nya eh amf cafe kaya yun, may pa-bid bid pa syang nalalaman, waaaaaa. Kapag may mga nagtatanong sa kanya, sinasabi nya na nakita nya na daw ako ng nakahubad, haha. She calls me ‘Balot’, then I call her ‘Sisiw’ naman. Kapag nakikita nya ko, sisigaw kaagad yan ng malakas at pagkahaba habang ‘Balooooooooooooooottt!!!’. Bigla ko tuloy namiss pangungulet at kaingayan nya. Ang last na balita ko nung umuwi sya dito sa Pinas, nasa Hongkong na daw ulet sya. May utang pa yun saken eh, matawagan nga mamaya para masingil. Sana lang yun pa rin number nya.

Ayan, madami daming time na din nabawas sa paggawa ko ng entry na to. Excited ako makita si Mama Jodi, pero mas excited ako sa mga seafoods bukas, haha. Hanggang sa muli kasi magluluto pa ko, este, mag iinit pala ng niluto ng kasama ko, haha. =)