Kagabi pagkagaling ko sa trabaho, dumerecho akong Baywalk. Kasama ko ang matatalik kong kaibigan na sina Marlborong pula at isang bote ng long neck na Emperador. Sinadya kong hindi pumunta sa bar na dati naming tinutugtugan kasi alam ko na kapag pumasok ako dun, hindi na ko makakalabas at makapagsosolo. Naghanap ako ng tamang pwesto, gusto ko yung nakaharap sa dagat, malaya ang hangin, at wala masyadong tao. Nakahanap naman ako. Kakaiba ang pakiramdam ko kasi matagal tagal din akong hindi nakapunta dun, wala naman kasing Baywalk sa Baguio, wala rin sa Cebu.
Pagkaupong pagkaupo ko, ikaw kaagad ang sumagi sa isipan ko. Bakit ganito ang nangyayari sa atin? Ilang ulit mong sinabi sa akin na manhid ako, pero bakit nakakaramdam ako ng sakit ngayon? Ang bigat bigat ng loob ko. Nakakainis dahil may mga nagsusulputang pangyayari na hindi ko kontrolado. Pinipilit kong ipaintindi sayo pero ayaw mo. Gusto kong patunayan sayo na maling mali ang iniisip mo, pero paano? Sarado na ang utak mo at pinaniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan. Pinaghalo halong inis, galit, tampo, lungkot ang nararamdam ko ngayon. Tang ina talaga. Inaamin ko naging mapaglaro ako dati, marami akong nasaktan, pero bakit ngayong gusto ko ng magseryoso sayo, ganito pa ang kinakalabasan. Ikaw na nga yata ang karma ko.
Ilang lagok at hithit pa, naalala ko na naman yung dati kung gaano tayo kasaya. Namimiss ko na yung pakiramdam na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakakausap. Pati na yung pakiramdam na gustong gusto kong laging gumigising sa umaga dahil alam kong isang araw na naman ang mababawas sa matagal kong paghihintay na makasama ka. Mga simpleng asaran at tuksuhan nating dalawa. Na kapag kailangan na nating magpaalam, hindi natin maiwan ang isa’t isa. Nakakalungkot isipin na hindi na tayo ganun ngayon.
Hindi ko na namalayan ang oras. Ilang beses na ring tumunog ang cellphone ko. Ang daming tumatawag at nagtetext, pero hindi ko pinapansin. Ayoko makipag usap kahit na kanino. Gulong gulo ang utak ko. Meron pang nakikisabay, pinipilit nya akong paniwalain na sya pa rin ang mahal ko. Na kami ang para sa isa’t isa. Pero alam ko sa sarili ko, tapos na ang lahat sa amin at iisang tao na lang ang mahal ko.
Umalis ako sa kinauupuan ko ng wala pa ring kasiguruhan. Hindi alam ang susunod na gagawin. Tatlong buong araw na kong walang maayos na tulog, yun nga siguro ang kailangan ko para makapag isip at makapagdesisyon ng maayos. Habang naglalakad ako palayo, ipinangako ko sa sarili ko na sa susunod na babalik ako ng Baywalk, kasama na kita at wala tayong kasing saya.


i can feel you…. 0_0
Really? What do you feel then? Haha.
…hmmmm, 4 things in common sa atin : marlboro red, baguio, emperador at in love (?)
Awww… MAy naaalala ako sa mga sinabi mo… Grabe na touch ako… PAti naiyak… Huhuhu… ;(
@ Sommer-sault: Waaa ngayon ko lang nakita tong comment mo, haha.
@ Wingless: Wow, hehe. =p