2
July

Oh thank you

Posted by kirksydney | 1 Comment

Category: Callboy manias Popularity: 18 views

Nakapag OT (Oh Thankyou) na naman ako ng wala sa oras, amp. 9:30 ng umaga talaga dapat ang tapos ng shift ko pero dahil sa sangkatutak na offline works, 11:45 na ata ako halos nakapag out. At syempre, hindi ko naman yun tatawaging Oh Thank you kung magdadagdag yun sa payslip ko. Sabagay.. kasalanan ko din naman. Kung ginawa ko lang yung mga ginawang pagsunod ng mga team mates ko sa Team Leader namin kapag sinabi nyang sagutan nyo to.. gawin nyo to.. i-submit nyo to.. at kung ano ano pa, hindi sana ako naggagalaiti habang nagsasagot ng sangkatutak na exams at refreshers.

Hindi pa dyan natapos ang OT ko. Paglabas ko ng opisina, saktong nakita ko naman yung ibang team mates ko na nag iinuman. Syempre gusto ko ng umuwi kasi 8:30 pa ko ng gabi huling nakatikim ng tulog. Hindi naman pumayag ang mga kolokoy na hindi ako tatagay. Napatagay ako ng isa.. dalawa.. yosi dito.. yosi doon.. tatlo.. hanggang sa namalayan ko na lang nakaupo na ko ng tuluyan sa umpukan nila. Sa isip ko, hindi na naman ako nito makakatulog.

Pagkatapos ng mga apat na oras, natapos din ang inuman. Mabuti na lang at may pasok pa ngayong gabi ang mga gago kundi sigurado magdamagan na sunugang baga at atay na naman ang magaganap. Ngayon, lagpas 8:30 na ng gabi at bente kwatro oras na kong gising. Kapag nasa opisina, kulang na lang talaga yung makatulog ako sa station ko habang nagtotroubleshoot ng internet service ng customer ko pero kapag nakauwi na ko, biglang nawawala ang antok ko. Nakapag update tuloy ako ng wala sa plano. :lol:

Simula ngayong gabi, mahaba haba ang off ko. Lunes na ng 5:00am ang balik ko. Pang umaga na ko next week. Susulitin ko to pero sana naman antok.. parang awa mo na.. dalawin mo na koooo!!! Ngayon na mismo! Please???

18
June

Bergerkeng

Posted by kirksydney | 12 Comments

Category: Endless rants Popularity: 106 views

Current mood: Nagmamadali dahil nakakahiya na sa Bergerkeng.

It’s my off today pero imbes na maglakwatsa o kaya eh rumaket, andito ako ngayon sa Burger King, SM Fairview. Bakit kamo? Nakikigamit lang naman ako ng wifi nila. Bakit ulit? Meron lang namang internet connection outage sa lugar namin at mag dadalawang linggo na yun. Putang ina di ba? Putang ina talaga! Sumakto pa yung lintek na outage na yun sa pagbili ko ng bagong laptop mula sa aking puri.. este dugo’t pawis pala. Bakit ulit kailangan ko pang pumunta ng Burger King para lang makigamit ng wifi? Kasi araw araw, hapon hapon, at gabi gabi na lang akong nakakareceive ng messages na “Uy, wala na yung ginawa mong widgets sa Friendster.”, “Pakiupdate naman po yung codes please.”, “Bakit po hindi gumagana yung layouts?”. . . etc etc. Kaya naisipan ko na lang dumayo dito sa BK para mag update ng codes ko . Wahaha!

One hundred forty five pesos meal = free internet connection.

Read the rest of this entry »

4
June

Buhay pa naman ako

Posted by kirksydney | 1 Comment

Category: Callboy manias Popularity: 120 views

9:36 in the evening. Convergys Philippines. Judgment night.

Kakabalik lang from 15-minute break at kakatapos lang namin magyosi ng mga wavemates ko, kasama na din team leader naming boring. And while they are discussing something about the results of our Berlitz exam (a phone interview with a US based linguist American) , I’m browsing websites and streaming audio files. Hehe. Muntik ko ng makalimutan na may blog pa pala ako. I’ve been extremely busy the past few weeks because of my new work. At dahil medyo tinatamad na naman ako, bulleted article na lang ulet…

- Back to Berlitz exam. Tang ina, mandatory ang exam na yun for Technical Support agents. I originally applied as a Customer Service Representative but my final interviewer asked me to take a technical exam. Upon job offer, she asked me if I’m interested for a technical position because I’m qualified daw. In mind that Techagents have higher compensation, I accepted the offer, haha. Hindi naman nabanggit sakin yang Berlitz2x na yan. During first week of training ko lang nalaman kaya hindi na ko makapagback out, bahala na lang.

- Berlitz exam day came. I took it at around 11pm, Pinas time. It was 11am there in Los Angeles. I talked to a woman named Michelle. She’s very nice but soft spoken. Ilang beses akong nagsabi ng “I’m sorry?” kasi hindi ko sya marinig, amp. Hindi formal yung interview, more on about me. We were even laughing almost the entire call. She said she’s just assessing my English communication skills. After more or less 15 minutes, the interview was done.

Read the rest of this entry »

24
April

Naisip ko lang naman..

Posted by kirksydney | 19 Comments

Category: Just for fun Popularity: 183 views

Kung ang mura ay naimbento noong mga unang panahon pa . . .

.
.
.

Jose Rizal: Amp! Bakit ako dadalhin sa Dapitan?

Andres Bonifacio: Punitin ang mga putang inang sedula! Fuck!

Lapu lapu: Tang ina naka itak lang tayo. Potah!

Emilio Aguinaldo: Fuck sa wakas malaya na ang Pilipinas.

Tandang Sora: Punyetang mga Kastila yan, sinugatan kayo.

Florante: Syet, ang sarap mo Laura. Ina mo ka!

Juan Luna: Ampota nakagawa din ng magandang painting.

Diego Silang: Sugurin ang mga tarantadong Kastila!

Apolinario Mabini: Syet, kung hindi lang sana ako lumpo.

Gregoria de Jesus: Sinong hayop ang pumatay sa asawa ko?

.
.
.

Astig di ba? Break muna sa fan signs. May pending obligation pa raw ako. :lol: